9: Propaganda

9 0 0
                                    

WINONA's POV


"I SWEAR to you, Winona, wala akong pinagsabihang iba. It's not me! I didn't do it! And I know Airen and Izrajel won't be doing this to her!"



Naglakad ako nang mabilis kinabukasan after mag-blow up ang mapanirang video ni Dani. Talagang hinintay ako ni Matias sa gate.



Nakakaasar!



"Winona." Tawag niya ulit sa akin nang mas bilisan ko pa ang lakad ko. Pumasok talaga ako nang maaga para damayan si Dani.




Maaga kasi siyang pumasok, at para maiwasan ang mga bullies everywhere, pumasok ako nang maaga para may sosopla sa kanila.




"Talk to the hand, Matias. Hindi mo na kami maloloko." Nagi-guilty na naman ako. Kung una pa lang, hindi na namin sinama si Matty sa partylist at hindi ako nagpilit, hindi mangyayari 'to.



"Paniwalaan mo naman ako. Hindi ko 'yon magagawa kay Dani. She's my running-mate! At lalong hindi ko magagawa 'yon sa'yo."



But they are the transferees! At lalong lalo nang hindi magagawa ng Brightonians ito kay Dani!



Hinila ako ni Matias pagkapasok ko pa lang sa building ng Grade Nine. He chad me cornered to the side of the staircase.



"Pwede bang pakinggan mo naman ako, Nona? Please?"



Sobrang lapit namin sa isa't isa, kaya ko siya tinulak papalayo. "Gusto mo yatang madoblehan ng black eye dyan sa mukha mo, ha?" Sigaw ko.


Hindi na siya nadala kahapon sa sapak ko!



Noong uwian kahapon, nagtangkang mang-comfort ni Matias kay Dani nang maiwan kami sa room. Hindi ako nakapagpigil at sinapak ko siya sa inis.



I knew that three of them are behind all this!



"Give me the benefit of the doubt, Nona. Hindi kami nila Airen ang gumawa ng video na 'yon."



"Don't call me Nona, kundi pipilayan na kita." Ang aga-aga, sobrang init na ng ulo ko. "At sa oras na may makaalam ng sikreto natin, maghanap-hanap ka na ng school na lilipatan kundi babalatan kita ng buhay."



I gave him one last shove, before I ran up the stairs. Naramdaman kong sinundan niya ako ng tingin.



"I will prove you wrong, Nona! I promise!" He shouted.



"I don't care!" Sigaw ko sa kanya pabalik.




Pagkapasok ko ng classroom, tatatlo pa lang ang nandoon. Si Kuya Airen at si Izrajel at isa ko pang classmate na nakapwesto sa likod.

Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now