3 : No Choice

20 3 0
                                    

"Ayoko, Dani. Hindi ko kaya 'yan." Sunod-sunod ang iling ni Nona nang tanungin ko siya kung gusto niya bang maging Vice-President ng SSC.




Next week na ang submission of candidacy at wala pa rin akong bise!




"Please, Nona? Please? Pretty please?"




"No. Na-ah. Not me."



"Ako na lang, ate?" Confident na pagkakasabi ni Martha. "Since si Cienna naman ang pinili mo bilang muse ng partylist mo. Ako na lang mag-Vice!"



"Tanga, Grades Nine and Ten lang ang pwede sa higher positions." Sagot ni Winona. "Bakit hindi mo kunin si Ate Jelyn, 'yung leader mo sa Journ? Grade Ten 'yon ha?"



"Ayaw niya. Too much na raw sa sched niya tapos nagr-ready na siya for Senior High."



Ito ang sakit ng mga Grade Ten students ngayon dito, masyado nilang binibigay lahat ng responsibilad sa Grade Nine lahat since sila raw ay sobrang busy na para sa Senior High kahit wala pa sila doon.




"Ayan ang problema sa inyong sobrang academics masyado eh. Kulang sa time lagi, akala mo mga kumikita sa pagiging busy!"




"Winona, please?"



"Ayoko, Dani! Alam mong sa classroom lang ako siga. May Miting De Avance at mga Canditates' Debate 'yan, alam mong ayoko niyan."



"Tutulungan kita!"



"Ako na lang ang tutulong sa'yong maghanap ng Vice!" Parang na-stress ko rin si Winona sa request ko dahil tinungga niya ang lahat ng laman ng tumbler niya. "Ayoko talaga, di mo ko maaasahan dyan."




I covered my eyes using both of my hands. "I'm dead."




"Ate, are you crying?" Tanong ni Cienna. "Hala, umiiyak na siya."




Nanatili lang ako sa pwesto ko. Hoping this one would work on Winona.




"Kumpleto na ang partylist nila Airen last week pa. Darn it." Now that I remember it, mas lalo akong na-stress.




Last two days ago, narinig kong magba-back out sa plano si Airen na tumakbong SC President. Sabi na nga ba, trip niya lang akong asarin eh. That's the good news.



Ang bad news, tatakbo siya bilang Vice ni Izrajel na another aspirant for the position. Balita ko ring kumpleto na nga ang partylist nila't naghahanda na sila sa campaign.




"Kung hindi lang nag-back out si Phil, hindi made-delay lahat ng plano ko."


"Hoy, umiiyak ka ba talaga?" Tinapik ako ni Winona na parang kumalma na sa pagsisigaw. "Hoy. Tutulungan naman kita."



"Can you be my Vice-President?"



"No." My shoulders dropped at her answer. "Pero by the end of this day, promise ko sa'yong may Vice ka na."



Mabilis umandar ang oras at nawala sa isip ko ang pinoproblema kong empty position. Interesting ang mga lessons namin at mas lalo kong napatunayan na magagaling nga ang former New Gen students na na-transfer sa amin.



"Si Matias? Ginu-good time mo naman ako eh." Sabi ko kay Winona pagkalabas namin ng room pagkatapos ng lahat ng subjects namin.



"Oo, sabi niya pwede naman raw."



Be the First (Love in Rivalry #1)Where stories live. Discover now