Longing

0 0 0
                                    

TORI'S POV

I would love to be with her everyday, masaya sya kasama.

Nasaktan ako, sa totoo lang. I don't want to be selfish but bestfriend ko na si ate Cheese - na kulang na lang nakatira na kami sa iisang bahay. We share clothes, footwear, size 8 kami parehas, kasama sa gala, movie marathon, tambay sa bahay, pati pagligo sabay kami.

I never have a friend talaga kasi I'm surrounded with my cousins way back and I really love ate Cheese kaya nung marinig ko sa kanya yun... Oo ang babaw na, ang statement nya is sobrang babaw sa iba pero for me para akong sinaksak ng harapan.

Sana sya na ang sister-in-law ko! Ang gaan ng feeling ko sa kanya!

I just smiled. She deserves it. Mahirap nga naman kung magkaroon ng girlfriend ang kapatid nya tapos hindi magkasundo. But after, I feel awkward na. Kasi pakiramdam ko, hindi na sya masaya na kasama ako. Actually, pinilit ko pa sila tumambay sa bahay kasi I really felt alone after what happened. Tapos almost 2 months na silang hindi pumupunta sa bahay. Pag pupunta naman ako sa kanila, sasabihin ni Nanay Melda wala silang dalawa at sya na lang naabutan ko. I was supposed to tell them pero after ng masayang kuwento ni ate, napaurong ako. Feeling ko napilitan na lang sila pumunta sa bahay, madalas din silang dalawa sa phone ngayon.

Kahit ganun, tuloy parin ang movie marathon. All throughout those movies ang tahimik lang namin ni ate. We love movies, seryoso kami manood at may usap ng very light in the middle of the scenes but tonight, as in total silence. After ng isang movie, she or me will pass the remote and kami na ang bahala pumili and manonood ulit. Napansin ni Ice yun pero after namin patahimikin, pumunta sya sa kusina.

I think this will be the last time na papupuntahin ko sila sa bahay. I don't think they feel it here na.

--

Maaga namin tinapos yung marathon,almost 10:30 yata. Tahimik parin kami, but we said good night. Pagkatulog ni ate, lumipat ako sa kabilang kuwarto at doon natulog. I really don't feel like it. As I said, parang napilitan na lang sila na pumunta rito at bukang bibig nya mula pagdating yung Marquise na yun.

Don't get me wrong, alam nyo kung saan ang hugot ko kaya ganito kababaw ang tampo ko. I don't know either if valid ang feeling ko today. Nagseselos ako kasi may bagong pinagkakaabalahan si ate. Iintindihin ko, pipilitin ko na intindihin dahil girlfriend yun ng kapatid nya at dapat makasundo nya yun.

Paikot-ikot na ba ako? Sorry...

I woke up at 3 am yata, nabasa ko text ni Mama, sabi nya nag transfer na daw sya sa account ko. Sabi rin nya na hindi sya makakadaan sa bahay this week. Naglambing kasi ako na sana kahit one night lang, dito sya sa bahay, tabi kami matulog. Hindi sila kuripot magbigay ng allowance. Pero what's the sense ng pera kung wala naman silang dalawa?

Bumaba ako para sana uminom ng tubig. Pag bukas ko ng ref, dinampot ko yung beer, walang ano-ano, binuksan ko at bottoms up. Kukuha pa sana ako ng isa pero pinigilan ako ni Ice, gising pa pala sya. He asked kung anong problema, at doon ko na ibinuhos sa kanya lahat. Sinabi ko na na hiwalay na ang parents ko. Hindi sya nakapag salita. Ininom ko yung isa pang beer at hindi nya ako pinigilan. Lahat ng dapat ko iiyak, iniyak ko na at that moment; and I saw myself hugging Ice.

Finally, may nasabihan na ako sa bigat na dinadala ko. Nakakagaan ng feeling yung pagyakap ko. I don't care kung hindi maganda tignan but I really need a good hug at that time.

Nahihimasmasan ako when suddenly, my heart beats irregularly, I felt it before but I'm recalling it kung kailan ang last time. Natauhan ako and I slightly pushed him. Nag sorry ako at tumakbo na papuntang kuwarto. I tried to make it stop pero I can't. I need to go to sleep na, tama na puso ko, why do I need to feel this?

--

Tanghali na ako nagising at pagbaba ko, wala na sila. Nag iwan sila ng makakain ko sa mesa and nag iwan ng softdrinks sa ref. Madami ding snacks na naiwan na nilagay nila sa pantry cabinet... Malinis din nilang iniwan ang bahay. Hindi sila nag text or chat man lang para magsabi na 'umuwi na kami, nag iwan na lang kami ng breakfast, etc.'

After kong kumain, naglinis ako ng bahay, pinalitan lahat ng sapin sa kama, punda ng unan, pati kurtina at naglaba. Nag vacuum din ako ng kama, sofa tsaka sahig. Kinahapunan, nag platsa ng uniform and nagpa deliver na lang ng hapunan. I put a loud music sa maghapon so I don't feel na mag isa lang ako. Sa gabi naman, nag browse lang ako and nag list ng plans for this month and so on. I really need to distract myself, makalimutan lang nag problema.

Everything's back to normal, minus my parents, yung mag isa lang ako since nung lumipat kami dito. Mula nung lumipat kami dito, since solo akong anak, of course nasanay ako na mag-isa, I used to read some e-books, linis lang ng bahay, soundtrip, dilig ng halaman. But now, bumili ako ng madamin pang flowering plants. Napadaan kasi ako sa isang garden shop while biking kaninang umaga. Ang ganda tignan na may kulay ang bakuran. Then pasok sa school, hindi na ako sumasabay sa kanila. Either mas maaga ako sa usual na alis ko or magpapa late.

Months passed, I'm seeing Ice with her now girlfriend. Si ate Cheese hindi ko na rin makita o nakakasabay pag uwi. Everytime na mapapadaan ako sa bahay nila, kinakamusta ako ni Nanay Melda.

Anak, hindi ka na napapadaan dito ha? May problema ba kayo?

Wala naman po 'Nay. Busy lang po sa school, pasensya na po.

Sa mga instance na nagkikita kami ni Nanay, lagi syang may nilalabas na ulam at binibigay sa akin.

Anak, nangangayayat ka na. Ubusin mo yan ha? Kumain ka ng madami.

Last ChanceWhere stories live. Discover now