Liga

3 0 0
                                    

ICE'S POV

Sumali ako sa liga ng barangay para ma divert ang attention ko, and I love basketball as well. Si Papa and Tito ang naturo sakin maglaro noong bata pa ako, they introduce me to PBA, NBA, samu't saring players at kung anu-ano pa.

I was deeply hurt, mas mahirap mag move-on compared to my ex. Baka nga dahil wala naman akong right sa kanya kasi first and foremost, walang kami. At alam kong nasaktan ko sya, na until now, hindi parin ako nakakapag sorry sa kanya. Ate Cheese said na mas mabuti sa akin kung maglibang ako lalo na at malapit na ang bakasyon at wala pa akong masyadong kilala sa village maliban kay Tori, sa mga may ari ng tindahang nabibilhan ko at sa mga tambay doon.

Yung mga tambay sa tindahan nila Mang Nardo, mga tambay din sa court kaya di na ako nahirapan pang mag adjust. Lahat sila same ang course sa iba't ibang Uni kaya madalas sila magkasama.

Sila ate at Tori sumali din sa volleyball kahit walang experience.

Bakit ba, sa gusto namin maglaro e. Pag ako gumaling mag volleyball, who you ka sakin!

Ang yabang din ng unano na to. Pero wag kayo, kahit sablay mag serve yan, hiyawan padin mga boys lalo na yung mga dayo.

Every training nila ate, sumasama ako para tumambay este tiga hawak din ng mga gamit nila - tubig, towel tsaka konting pagkain, instant katulong. May times na kinakausap ko yung ka teammate nila, madalas nga lang ako supalpalin ni ate.

Naku, pogi nga yan pero wag kayong papadala dyan! Hahaha!

Napaka-supportive!

May iilan na din akong kilala na ibang volleyball players na dayo, pag may natipuhan ako, nakikisuyo ako sa tropa na hingiin yung number kaya nagiging text mate ko sila. O, wag nyo masamain, text mate lang naman. Kung may maramdamang kilig, edi go hindi ko na yun palalagpasin, hinay-hinay lang muna ako.

After liga, which is natalo kami ng team nila Dave, yung nagkaka interes kay Tori, may lumapit sakin. Si Hannah. Morena din at mahaba ang buhok, matangkad kesa kila ate tsaka maganda ang physique nya. Varsity player daw sya. Binigyan nya ako ng bottled water and kapalit daw nun yung phone number ko. Nakita nga nila ate, may pa suka suka pang nalalaman. Akala nila sila lang lalapitan, aba! May ibubuga naman ako, ako na nga nilapitan diba haha!

Huy Pablo, child abuse ka! Below 18 pa yan kaya mag ingat ka hahaha!

Pag inaasar ako ni ate, Pablo tawag nya sakin which I really hate. Kuhang kuha nya pikon ko.

Hindi mo mapag kakaila na malakas ang appeal ko, Kiara Janine! Hahahah!

Huli ko din pikon nya, huli din naman nya agad ako, kotong tuloy inabot!

Maganda naman name ni ate diba? Ewan ko nga ba sa kanya, pabebe daw, parang di naman? At di ko din alam kung sang lupalop ng mundo nagkaroon ng connection ang cheese sa name nya.

~~~

Months passed na magka chat kami ni Hannah, we both decided na mag mall, biglaan lang actually, nadismiss daw yung huling class nila kasi absent yung teacher. Jeep away ang school nila kaya di kami nahirapang magkita. Hindi daw nya hilig manood ng movies. Kumain lang kami, namasyal at nag arcade. Sa age nya, marunong na syang mag drive at marunong din daw syang mag basketball. Athletic talaga. Her parents are athlete's way back and upon looking at their pictures, parang magkakapatid lang sila, looking young and healthy despite of their age.

Sandali lang tinagal namin sa mall at umuwi na din kami. May time ang pag uwi nya at okay lang yun, I understand, bata pa kasi sya.

Pag uwi ko, pinagbihis agad ako ni ate, kila Tori daw kami matutulog. Nag bitbit kami ng mga chichirya at pinabili nya ako ng softdrinks pagdating namin doon, kain daw kami bago matulog.

Madalas kasi kami sa kanila, sya din samin. Wala namang malice since turing na namin sa kanya is nakababatang kapatid. Payag din mga parents nya na nandoon kami, kaysa wala daw syang kasama. Solong anak kasi sya at madalas wala sila, okay lang naman daw sa kanya na hindi sya nakakasama sa mga lakad ng parents nya. Ang dahilan naman nya, matanda na sya para asikasuhin pa nila at time na nila para maenjoy ang isa't isa.

Sakto pag dating namin, kauuwi lang nya galing date kasama si Dave. Eto namang ate ko di pa ata nakakahinga si Tori ang dami nang tinanong sa kanya. Bunganga rin nito minsan, nakalunok ata ng machine gun.

After namin kumain at magligpit, well after mag interview ni ate, nag ayos na kami ng higaan. Doon sila sa kama nya, ako naman inabutan ng folding mattress, sa sahig ako matutulog. Nakatulog din si Tori agad, pagod sa lakad. Mas matagal syang wala compare sakin. Si ate din natulog na, napagod ang bibig kakadaldal...

Hindi pa ako makatulog kaya umupo muna ako at ka chat si Hannah, madami syang kwento sakin, di ka mabobore sa kanya. It's just nag aalangan ako sa kanya, kasi bata pa nga e. Malayo ang age gap namin which is not bad naman, ayaw ko lang na minor pa. I can wait for 2 more years pero malamang, sya, hindi.

Hindi ata tama na lumabas kami kanina kasi nga bata pa sya. Ayoko lang na sabihing groomer ako, na inaabuso ko pagka bata nya, something like that.

Last ChanceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum