Ate

0 0 0
                                    

ICE'S POV

Naalipungatan ako nang kumatok ang parents ni Tori.

Ice, anak, paki sabi na lang kay Tori na aalis na kami ha? Hindi na namin sya gigisingin.

Isasara sana ng parents nya ang pinto pero hindi ko na pinasara. Pag nandito kami ni ate, gusto nya na nakabukas lang ang pinto ng kuwarto ni para raw hindi sila mag hinala, kasi nga naman kasama nila ako sa kuwarto.

Nag chat agad ako kay Hannah para mag sorry dahil nakatulugan ko sya. Maya-maya, nagising na si Tori at sinabi ko na na umalis na parents nya. Eto namang si ate, biglang bumangon at umalis kaagad, kukunin yung laptop para mag movie marathon.

Nauna na ako bumaba sa kanila at nagluto na ng almusal. Pagdating ni ate, kumain na kami at sya na rin ang nag urong. Si Tori naman, nag punas ng mga cabinet at nagwalis. Their house is too big para lang sa kanilang tatlo, tapos wala pa silang kasambahay. Sabi nya, pag wala daw pasok, sya na naglilinis sa kanila, pati maglaba, naka auto washing machine naman daw kaya bakit pa sila mag hire ng kasambahay. Hindi naman daw problema sa kanya kung maglinis sya ng bahay, gusto pa nga daw nya yun.

~~~

Grabe ate! Ang sarap ng luto talaga ni Nanay Melda!

As I said, madalas din sa bahay namin si Tori. Pag alam namin na wala syang kasama, pinapupunta namin sa bahay at doon na rin pinakakain. Yung mata nya, parang pusa na lumalaki ang mata pag kumakain.

Umiilaw yung phone mo Ice, sino yan, ex mo?

Hindi ah, alam mo na nga na bumili ako ng bagong sim card e... Hannah, napatawag ka?

Kinamusta lang ako, tinanong kung anong ginagawa ko and kung nasaan ako, nag bye na din sya agad, nasa family gathering daw kasi sya.

Uyyy, si Ice, may love interest na! Yeeee!

Ginulo ko buhok ng unanong to. Hindi ko naman sya love interest, I am interested in her, but due to her age, I don't want to pursue further. Yes, nandito na naman ako sa thinking twice portion. Ayokong maulit yung nangyari sa amin ni Maine. Habang maaga pa, it's better na tumigil ako at sabihin sa kanya. She said na gusto nyang mag focus sa try outs and maka kuha ng scholarship sa Uni nya so obviously, having a boyfriend is not her priority yet. Okay naman ang decision ko diba?

Pagdating ng hapon, umuwi na rin kami ni ate pero bago yun, naglinis kami ng bahay nila, nagkalat kami ng mga balat ng chichirya e, tapos si ate ang kalat kumain, daming natatapon na kung anu-ano sa sahig, daig pa sya ni Chichay, alaga naming aso na hindi makalat kung kumain.

Kinagabihan, after namin kumain, nagpaalam si ate kila Mama na may lakad daw sila ng mga HS classmates nya tonight, inuman daw. Naku, anong oras na e. Hinatid ko pa sya sa venue, malapit lang naman.

Nasa loob na ako ng village nang hinarangan ako ng tropa sa daan, inuman daw. Sinagot ko na yung another round of brandy pero sabi ko, hindi ako magtatagal. Okay lang daw at malaki naman ang inambag ko.

Ice, can we talk for a while, please?

Nagulat ako nung biglang dumating si Hannah. Mabilis lang ang ikot kaya medyo marami na akong nainom.

Ice, I mean, kuya Ice... Please, I hope you understand...

You called me kuya again... I know, I understand. Hintayin kita sa TV ha? I'm rooting for you!

Niyakap ako ng mahigpit ni Hannah, tsaka umalis kasama ng mga kaibigan nya.

Wow, ganun kabilis. Gumaan ang feeling ko. Since hindi ko hinayaang mag grow ang feelings ko for her, madali akong nag let go. From all her stories naman, sports ang topic namin and how she determined to become a varsity player. As a friend or kuya, I will support her.

~~~

Sabi ko, di ako magtatagal pero sabay kami ni ate nakauwi. Medyo madami na akong naimon yet I managed na sunduin sya.

Sabay kaming nag kape, napa baba ng alak, and doon uli kami nagkaroon ng matagal na usapan, from what happened to my ex, to Maine and Hannah. I'm not usually pala kuwento sa personal life ko kasi I find it awkward lalo na sa kapatid kong to, nakakatakot kuwentuhan baka mamaya gawing bala pag mag aasaran kami. Sinamantala namin ang time na 'to to reconnect with each other, after all, magkapatid kami. There are things na alam naming dapat di pinag uusapan ni public, and she's a good listener.

Si Ate? Maganda yan, ayaw ko lang sabihin sa kanya kasi nagiging over confident baka yabangan pa ako. Madami nang nagpapahiwatig dyan, lalo na nung liga, same as Tori, pero hindi nya ini-entertain. Ewan ko dyan, mas gusto daw nya mag enjoy with her friends tsaka sa amin. She's more attracted sa mga celebrities, kung magkakaroon daw sya ng boyfriend, gusto nya yung may napatunayan na, hindi yung palamunin ng magulang - aray ko naman! -_-

You're not attracted to Tori? She's cute by the way.

Are you sure? Hindi nga? Sooner or later, kainin mo yang sinasabi mo, mabubusog ka pa haha! I'm telling you...

Si ate naman, bigla akong kinilabutan doon. I'm seeing her as he younger sister, I can't see myself romantically with her. Bakit naman nya pinasok sa usapan yun? This girl...

~~~

The next day, inutusan ako ni ate na dumaan sa tindahan, bumili daw ako ng 8 packs ng pancit canton, dun daw kami mag meryenda kila Tori. Pagbalik ko, may dala syang veggies na essential sa pancit at umalis na agad kami.

Teka sandali, daan muna tayo sa convenience store, nag crave kasi ako sa Mars, bilhan din natin sya.

Habang namimili ng iba pang pagkain maliban sa chocolates, I message Tori na pupunta kami sa kanila.

Naku, di ko yata nasabi kay ate. May date kami ni Dave ngayon, mamaya pang gabi uwi.

Nalungkot si ate, mamayang gabi na lang kami pumunta gawin na lang daw na breakfast kinabukasan.

Last ChanceWhere stories live. Discover now