Hi, I'm Tori

12 0 0
                                    

Classmate ko si Ice since 1st year. Hindi kami close not until 2nd year. Lumipat kasi sila around the area kung saan ang bahay namin so madalas kaming magkasabay pumasok at umuwe from school.

To describe him, paano ba?

Pogi naman. He's 6'2", a bit muscular, chinito and fair skinned.

Ako? 5'5'' ang height ko. Maganda ako syempre, bakit ko naman ibabash ang sarili ko diba? Hindi ako payat, di din chubby, malaman siguro ang tamang word doon, right?

Hi ate. Ikaw si De Santos diba? Dito ka rin pala nakatira?

Yep, a few blocks away, Sebastian.

Pablo Maurice. Ice na lang. And you?

Anna Victoria. But that's too vintage so Tori na lang.

Formal introduction as usual, nag shake hands kami.

Naka ilang sabay na rin kami ng alis at uwi from our neighborhood nung nakilala ko si Ate Cheese. Malayo ang name nya sa nickname nya, ni ayaw nya marinig na binabanggit ng kung sino kasi sobrang naiirita sya, pabebe daw kasi.

Isang year lang ang pagitan namin nila ate Cheese kaya madali kaming nagkasundo. As I said before, madami kaming pagkakapareho ng interest and obviously we're both girls. Wala din akong kakilala sa mga nakatira sa sa amin na same age range ko kaya I am happy finally na may friends na ako from where I live.

One time, naging magka grupo kami sa isang subject nung 1st sem kaya naisipan na namin na samin na lang gumawa ng project - sagot ko ang bahay, kay Ice ang pagkain and everything.

Sobrang kinikilig sya kasi ka-grupo namin ang crush nya, si Sharmaine. She and I were good but not close. Irregular student sya at nasa 3rd year na. Naiwan nya lang yung subject na 'to kasi naubusan sya last year.

So anyway, we did the project very well at naging close din silang dalawa gawa na rin ng pang aasar ko at ng mga ka grupo namin sa kanila. Kinausap ko nga si Maine kung okay lang ba sa kanya na mas bata sa kanya si Ice if ever maging sila.

That's fine with me, and you know what? I think I like him na!

Ikaw ba namang ihatid sundo kahit malayo ang bahay nila, hindi ka magkakagusto? At yun na nga, kahit hinahatid sundo na nya si girl, hindi parin umaamin! So anong sense ng ginagawa ni Ice diba?

Ang hina mo boy! Sige ka, ang ganda kaya ni Maine, tapos hatid sundo mo pa, hindi ka umaamin?

Natatakot ako baka kasi hindi nya ako gusto.

Sumakit ang ulo ko sa kanya!

Sa tingin mo ba papayag syang ihatid sundo mo sya kung hindi sya interested sayo? Mag isip ka nga? Problema sayo minsan clouded utak mo e.

Pinapaamin ko sya. Totoo naman na hindi papayag si girl kung di sya interesado sa kanya, and the fact na may gusto na din pala sya sa kanya! Naku ewan ko na lang!

Sa mga lalake dyan, kung magkakagusto kayo, huwag kayong mahihiyang umamin! Malay mo, gusto ka pala nya diba? Pero kung tinanggihan ka nya, wag kayong feeling katapusan na ng mundo. Ibig sabihin lang nyan she's not for you, and at least you tried.

Umamin ako sa kanya. Gusto nya rin pala ako!

So I assume na sila na. Saan pa ba mapupunta yan kundi sa pagiging bf/gf diba?

Pero bago matapos ang academic year, sabay na ulit kami umuwe. I know there's something wrong pero nagtanong padin ako.

Himala? Bakit maaga ka na umuwi?

Magkikita pa daw sila ng mga friends nya e. Yung mga classmates daw nya sa ibang subject.

Yun nga lang ba? Baka naman may iba na yan.

Wala naman siguro?

Kita mo yan, ikaw nga patanong yung sagot mo sakin. Tsaka isa pa, one week na tayong sabay umuwi. Imposible naman, araw-araw silang may lakad? Ano tanga lang?

Ang sakit mo naman magsalita.

Masakit na kung masakit. Pero kung ikaw ba, ganyanin ng significant other mo, hindi ka mag dududa?

Kung yun ang feeling mo, sorry na. Why not contact her kaya? After all, girlfriend mo naman sya so...

He keeps on contacting Maine, but cannot be reached. Hinayaan na lang nya, baka daw busy nga sya kaya hindi na macontact.

Then after a month, tapos na ang sem, bakasyon na. As usual, nandoon ako sa bahay nila because of Ate Cheese. Bumili sya ng meryenda namin at lumabas ng bahay nung dumating si Ice na nagbato ng bag at halatang masama ang loob.

Maine's got a boyfriend. Wala pa nga kaming closure tapos 1 month na pala silang mag-on.

So paano kayo magkakaroon ng closure kung unang una pa lang wala namang kayo?

Nagalit sya sakin

Truth hurts Ice. Sinabi sakin ni Maine na hinihintay ka nyang magsabi kung ano ba kayo pero ano? Masaya?

Tangina diba?

Kung hindi ka fully committed sa tao, huwag mo syang paasahin. She invested time and love for you pero hindi mo sinuklian ng maayos... Masaya? Oo masaya, but she wants assurance na hindi mo kayang binigay!

Why in the world na magkaroon ng taong tulad ni Ice na gusto lang lumandi pero hindi kayang manindigan?

Last ChanceWhere stories live. Discover now