Encounter

4 0 0
                                    

TORI'S POV

...so this means?

Oo, tayo na!

He's holding his excitement, gustong-gusto nyang sumigaw but the resto was too quiet, hinila ko na lang sya palabas at doon sya nagsisigaw sa may terrace. He hugged me really tight that almost suffocates me, nag sorry sya agad.

This is the best day ever! I love you!

I love you too!

And he kissed me sa forehead. Ano yun, bago pa lang kami, kiss agad sa lips? Huwag mo ako itulad sa iba! Haha!

Ginabi na kami ng uwi. Nag dinner na rin kami along the way home. Hinatid nya ako hanggang sa gate ng bahay. He kissed me again sa noo at umalis na sya kaagad. Nung ilolock ko na ang gate, ginulat ako ni ate Cheese na kanina pa pala nag aabang na dumating ako.

Uy neng! Magpaliwanag ka, bakit may pag kiss na sa noo aber?

May dalang alak at pulutan si Ate and as usual, kasama nya ang kapatid nya. Pinapasok ko kaagad, pasigaw ba naman magtanong, nakakahiya!

Naligo ako at nagpalit na ng pantulog habang nag aayos yung dalawa sa sala, nilagay sa mga mangko naming malalaki yung mga dinala nilang chichirya. Nagluto pa ng popcorn si Ice.

Ate naman, tayo lang tatlo, ang daming pulutan? Ano bibitayin ba tayo bukas?

Hindi naman! Sakto lang yan, eh, mukhang may ise-celebrate tayo, tama?

Hindi ko na sinabi yung nangyari pero alam na nilang kami na ni Dave. Kami ba namang nahuli sa akto, diba?

May dala uli syang bagong movie, horror ang genre. Di ko akalain sa laking mama ni Ice, matatakutin pala! Nakakatawa tignan na nagtatago sa unan sabag silip, parang bata.

Isang movie lang ang pinanuod namin and she asked me kung paano nangyari yung part na naging kami at kinuwento ko naman. Kilig na kilig si ate at panay na ang inom at nalasing na nga ng tuluyan. Pag ito pa naman nalasing, panay cheers ng cheers.

Nakatulog na si ate sa sala nang ginising ko at pinalipat ko sa kuwarto. Tinulungan ako ni Ice na iakyat sya, ang bigat kaya nya.

Ako na bahalang magligpit sa baba, pahingi na lang ako ng unan at kumot, dito na lang ako matutulog.

Sure ka? May space pa naman doon sa sahig.

Tumanggi na syang matulog kasama namin ni Ate kaya dinalhan ko na sya ng unan at kumot. Nag goodnight na din ako sa kanya. Humiga na ako habang katext si Dave. Nag goodnight na ako sa kanya, tumawag pa para lang daw marinig ang boses ko pero sandali lang, napagod din daw sya kasi sa pag drive.

~~~

Kahit kami na ni Dave, hindi parin nagbago ang ginagawa namin, understandable naman at pareha kaming nag aaral. Kapag sabay ang sched ng uwian, sabay kami. Dating once every two weeks, kahit sa paresan lang or sa tapsihan, okay na ako basta kasama sya. Mas important naman ang quality time at kuwentuhan kaysa sa gumala pa kami ng puro gastos, wala pa naman kaming sariling pera para gawin yun. Well except nung day na naging kami. Ang sabi nya nag sideline daw sya sa dad and kuya nya to do some chores kaya nagka pera sya. Things can do for love...

~~~

Exactly one month since nung naging kami, I insist na huwag na sana mag celebrate at kumain pa kung saan at may pasok kami the next day, pero mapilit sya so kumain kami sa paresan in one condition - my treat. Ayoko naman na sagot nya na lagi ang fare, pati ba naman pagkain ko. Remember, students pa lang kami.

Several months after, madalang pa din kami magkita ni Dave. Since nasa higher year na sya, for sure madami na silang ganap sa Uni so hindi na ako nag demand for his time. Nasusundo once a week at pag may free weekend at msy ipon sya sa allowance, namamasyal kami sa mall para mag arcade, videoke at kumain. You think that's boring? I find it good, tsaka isa pa, it's not necessarily na mag bf-gf kayo ay lagi dapat magkasama. Yes, we're not seeing each other often pero may text and call naman, right?

~~~

May tour kami somewhere north. 2 days and 1 night. Very excited ang mga classmates and friends ko. Syempre, ako din. Gusto pa nga sumama ni Ate Cheese sa amin pero iba yung place na pupuntahan nila at pinigilan ni Ice.

Dinaig mo pa si Dave ate, super clingy mo na. Doon ka sa tour nyo!

True, super clingy ni Ate Cheese. Pero okay lang, natutuwa nga ako kasi nga wala akong kapatid, and I find her as my older sister. As usual madalas sya sa bahay at happy ang mga parents ko pag nandyan sya kasi masipag si Ate, madalas tumutulong sya sa household chores with Mom na di naman nya ginagawa sa kanila kasi may kasambahay sila.

Three days before the trip, pumunta ako sa mall to buy travel essentials like small bottles for shampoo and such, pouches for my make up, new underwear at kung anu-ano pa. Mas naka focus ako ngayon sa burger. I dunno, I'm craving for it the whole week so, dumaan nga ako on this certain place at nag order ako ng spicy chicken burger paired with fries and strawberry shake. Hay grabe, I almost drooled nung nakita ko na ang food ko sa counter.

Umupo ako sa table for two. I was about to eat nung may naki upo sakin.

She said she's Stefany, younger sister ni Dave.

I never met any of his siblings kasi di naman nya ako na-invite ever pa sa kanila, sya pa lang. I felt good knowing na kinukwento nya ako sa mga kapatid nya. She's a graduating high school student and she's with her friends daw pero nakita nya ako at nagbaka sakaling ako nga daw yung gf ng brother nya.

Order na nga sana ako ng food for her pero tinanggihan nya, kakakain lang daw nila sa katabing resto. Umalis din sya kaagad. But before she leave, nagpalitan kami ng contact number.

Last ChanceWhere stories live. Discover now