Eyes

0 0 0
                                    

ICE'S POV

In months time na ang tour namin, ngayon pa lang, yung mga tropa ko sa Uni nagpapasama na para bumili ng pang swimming, pantulog or any essentials para sa tour. Di pa ako makabili kasi malayo pa naman, excited lang talaga sila. Isa pa, unahin ko daw muna yung tuition, almost deadline na kasi, saka na lang daw ako bumili pag malapit na.

Abala ako kaka dayo namin ng mga tropa sa bahay. Madalas din pala silang pumunta doon para patikman yung mga take home nila. Nasa food industry kasi ang line ng course nila, so kami ni ate, halos buong linggo, lagi kaming busog. May times na ang dami nilang bigay kaya nagdadala din kami kila Tori.

Dumayo kami sa isang barangay, bagong dayo lang kami ng ibang tropa doon. Yung isang kasama namin, doon nakatira dati. Pinakilala kami sa mga kababata nya, tsaka nag laro. Mabait nga itong magulang ng isang kababata nya, pinaghandaan pa kami ng meryenda. Sabi ni Tita, dalasan daw namin pumunta sa lugar nila para naman daw may kalaro ang anak nya. Noong lumipat daw kasi tong tropa, madalang na daw labas, dahil siguro sa wala na syang kilalang nasa age gap nya sa village.

May napuna nga ako nung pauwi na kami.

Uy pre, diba shota ni Tori yun? Bakit may ka holding hands?

Medyo malabo ang mata ko kaya di ko nakita kung may ka holding hands nga. Pero sabi nila, bakit naman daw sila magbibiro. Sabihin ko daw sa kanya. Paunti-unti naaaninag ko na si Dave. May kasama pero di ko na napansin kung anong hitsura kasi lumayo sa kanya basta lalake. Nagka salubong kami at nag tunguhan.

Pre, lalake yung kasama nya, paanong holding hands? Malabo na din ata mata mo.

Okay sige. Baka nga malabo mata ko, paano naman sila? Nakita nyo naman yun diba?  Tsaka pre, bumitaw sya dun sa kamay ng shota, natanaw ka na ata sa malayo.

Sumang-ayon ang iba naming kasama.

So ano, tingin nyo bakla si Dave?

Posible pre. Malay natin, pang cover lang si Tori kaya shinota.

Hindi na ako nakapag salita. Ayoko munang sabihin sa kanya nang walang ebidensya. Isa pa, hindi ko nakita.

~~~

Uy, di nga? Naku malaking pasabog yan kung totoo ha? Nakita mo ba kung sino kasama?

Yun na nga, di ko nakita ng maayos. Di ko nga kasi dala yung salamin ko.

Ikaw kasi, nakakairita talaga mag salamin, pero sanayin mo na, or mag contacts ka. Ayan tuloy, imbis na may ichichika na tayo kay Tori, naging bula pa!

Pinakiusapan ko si ate na huwag na huwag magsalita about sa nakita namin. I mean, hindi lahat nakita ko so, I don't want to conclude muna.

~~~

Binigyan na ako ni Mama ng allowance at pambili ng iba ko pa daw na gagamitin kung gusto ko daw ng bagong isusuot sa tour. Kuntento naman ako sa mga susuotin ko, di naman nila ako nakikita madalas na naka casual wear so di na nila mapapansin kung luma o bago ko nang damit yung suot ko. Siguro mga packets of toiletries na lang. Nagpaalam akong dumaan sa convenience store. Nagpabili rin si ate ng chuckie.

This time, nagsuot na ako ng salamin, just in case may kakaiba akong makita.

Pagbayad ko sa cashier, nakita ko uli yung borta na prospect ni ate. This time, naghihintay sa labas. Lalabas na nga sana ako ng pinto nang napaatras ako. Nagyakapan yung borta at si Dave. Kinakapa ko yung phone ko sa bulsa, SHET! Hindi ko dala! The worst part is, nag smack sila!

Talagang ngayon pa, of all time! Nakalimutan ko ang phone ko! So ano? Nga-nga!

~~~

Pagkagaling kong convenience store, nag aya si ate na dumaan daw kami kila Tori para mag meryenda. I didn't say anything from what happened earlier. Naabutan namin Mama nya, umalis daw at bumili ng gagamitin para sa tour.

Bumalik kami ni ate at doon na lang kumain ng meryenda sa bahay.

Sayang, si Nanay pa naman nagluto nito. Magugustuhan nya to sana for sure.

Itinabi na muna ni ate yung pagkain at iinitin na lang pagbalik nya. Ayaw nyang ipakain sakin kasi ibinilin ni nanay na para daw yun kay Tori. Naaaliw si nanay sa expressions na pinapakita nya kada kain ng mga luto nya pag nasa bahay sya kaya yun, nakakagana daw syang lutuan.

Gabi na nung nag chat si Tori kay ate na nasa bahay na raw sya. Naligo muna si ate, sa tagal nya maligo, naglaro muna ako ng online games.

After an hour and a half, papunta na kami sa bahay nila nang makasalubong namin si Dave. Assume na galing sya doon. Dala namin yung pagkain na bigay ni nanay sa kanya, nainit na din namin.

Tori! Nandito na kami!

Sinalubong kami ni mama nya, tinuro lang nya kami sa may dining area. Pag pasok namin, nandoon lang sya nakaupo, umiinom ng tubig.

Umakyat na ang mama nya at naiwan na lang kami. Yumuko sya sandali. Nag tinginan lang kami ni ate at nakikiramdam kung sino unang magsasalita. She showed her face after a minute, at nakita naming sabay lumuha ang mga mata nya. Automatically, niyakap agad sya ni ate. We already know what happened.

Binuksan ko kaagad yung pagkaing dala namin and nilagay ko sa harap nya. Umiyak uli sya pero nakangiti na. Kumakain syang tulo ng tulo ang luha.

Remember nung dinescribe ko sya sa inyo about her eyes? Now, all that I can see is loneliness, namimilog na mga mata, baha ng mga luha, walang tigil ang pagtulo. Naaawa ako. I know what he did, yet I can't say it until wala akong proof. I want to hug her, but it looks weird, lalake ako.

Gabi na kami nakauwi ng bahay. Supposed to be, sa kanila kami matitulog. But sabi ni ate, bigyan daw namin sya ng time to self reflect.

Last ChanceWhere stories live. Discover now