Convenience Store

0 0 0
                                    

ICE'S POV

Bumalik kami sa kanila after lunch, madami kaming dalang snacks and we mixed in na agad sa bowl.

Ate, Ice. Galing dito yung sister ni Dave. Sabi nya busy daw sya sa iba! Kaya pala okay lang sya sa set up namin because he is busy with someone else! Well, good work, he's good at multi-tasking!

If only she knew, it's a he.

About on their set up, once a week lang daw sila magkita just to catch up, kumakain sa tapsihan, lomihan, basta sa malapit lang. Most of the time, text or sandaling calls lang daw sila.

Inassure namin tutulungan namin sya. Well actually, nag chat ako sa tropa na tumulong. Mas marami, mas madali mahuli.

Hindi nagpaligoy-ligoy yung situation for her, she's on her way para tuluyan nang makipag break-up sa shota nyang... Naku mahirap na magsalita!

I have nothing against them, alam nyo naman sa school, I have alot of gay and les friends. I don't care what gender or pronouns ang gusto nya, but what's wrong is wrong. Ginawa ka pa nya talagang display just to hide his shit! Obviously, hindi tama yun.

Mas galit pa si ate sa shota. Minsan si ate may pagka bida bida rin e.

I don't know kung anong meron sa convenience store na ito but on our way sa kanila, we found Dave and his BF, happily holding hands. Tinawag sya ni Tori and he suddenly froze. His BF went on his back at sinampal na nya si Dave with the classic lines...

Break na tayo!

Hindi ko sya nakitang umiyak, pag talikod nya, she smiled, at huminga ng malalim. I am happy for her kasi wala nang kung anong pasikot-sikot na scenes like sa teleserye, natapos agad ang paghihirap nya. Ang bait ni Lord sa kanya.

~~~

Nag sorry ako sa kanya pag uwi sa bahay. Sinabi ko sa kanya na ilang araw ko nang alam pero baka hindi nya ako paniwalaan kaya nag gather muna ng evidence.

Okay lang, thank you. Kasi tinapos nyo agad ang sakit sa dibdib ko. And now I already moved on!

Just to let you know, she's preparing for their anniversary right before makipag cool-off ang ex nya. She also asks me kung anong pwede iregalo sa kanya since obviously, lalake ako. One month na lang mag iisang taon na sila.

I don't understand, good girls always fall into bad boys. Anong meron?

As if nakaka relate si ate na NEVER pa nagkaroon ng boyfriend... Kung makapagsalita ano?

So ate, kamusta na yung bortang type mo pala ang shota nya? Haha!

Letche! Magsama sila! Hmp!

But anyway, dito nga muna sya sa bahay nag overnight, wala syang kasama sa bahay hanggang sa day ng tour namin. Sabi nya, nasa province ng father's side nya ang parents nya at one week sila doon. Umuuwi lang sya sa kanila para diligan ang mga halaman nila. Maaga silang natulog, ako naglaro pa ng online game.

Tour na pala namin bukas! Excited na excited na yung isa. Good thing na sumakto sa upcoming tour ang break-up nila for her to have fun at tuluyang makalimot na talaga, well sabi nya, moved on na daw sya. Ang bilis naman, may ganun ba talaga?

~~~

Ang dami nyang dala for an overnight trip, malaking gym bag dala nya with all her stuff, pinakita nya lahat kung ano laman, may candy rin, snacks and stocks ng meds.

Iba na ata ang handa, girl scout leader kaya ako! Mahirap na, baka malayo yung pharmacy doon, at least, I have extra para sating dalawa.

3 am nasa Uni na kami, nandoon na din yung mga bus, actually dapat 2 am kami dadating, etong si ate kasi ang tagal dami pang ritual, nag make up pa. Akala ata neto may igaganda pa sya.

3:30 umalis na ang bus. We thought na maiiwan kami at apat na lang pala kaming inaantay. Nasa likod lang ng driver si Tori at nireserve sya ng mga friends nya doon while kami naman ng mga tropa ko sa pinaka likod, as usual mga maiingay, doon naka pwesto.

~~~

Dumating kami almost 8 am na rin. Sa haba ng byahe lahat natulog muna. Habang nakain kami ng breakfast, our tour guide explains the history of the resto pati ang mga kinakain namin. After, may mga tourist sites kaming pinuntahan malapit sa resto and we learned about the history as well.

1 pm na kami nag lunch since bumyahe ulit kami sa kung saan kami kakain. I am really into history, food and culture ng bansa natin kaya ko kinuha ang course na 'to. Naging tropa ko na nga din yung tour guide namin kasi ang dami kong tanong sa kanya.

Mag dadapit hapon na nung nakarating kami sa final stop for today - sa beach. Sakto, sunset! The best talaga ang sunset sa 'Pinas!

Kumain muna kami ng dinner and dinivide kami into groups of 6 para sa rooms. Nag yaya ang tropa na lumabas dahil sayang nga naman, nasa beach kami and mag lakad-lakad daw.

Nakita namin sa side ng rooms ng mga girls na may pa bonfire. Binigyan din kami ng coupon for 2 bottles of beer each student, and take note, we can choose a craft beer which makes the tour more interesting, hindi basta-basta. Pinakilala ng owner ng resort ang bawat beer at mga local ingredients included na sa bayan lang nila makikita.

I must say, walang tapon ang tour na ito, we are really immersed.

~~~

Now, we have the night for ourselves. Basta daw walang gulong mangyayari, we're good. Nagpahiram ang mga staff na pwede naming gamitin for the night, like guitars, pang team building stuff, volleyball, pang limbo and others.

Mga prof namin ang nag lead sa mga games, lahat kami nag participate. We're all having a fun night.

Palalim na ng palalim ang gabi, yung iba, pumasok na sa mga kuwarto nila para matulog. I redeemed my last beer nang makita ko si Tori sa harap ng bonfire, nakaupo.

O Tori, nasa labas ka pa?

Well obviously, I still have a beer in my hand.

Mind if I join you?

Sure! Sus ikaw pa ba?

Tahimik lang kami for the whole 10 minutes when she finally break the silence.

Ice, sorry if I lied to you and ate... Mag iisang taon na dapat kami oh... My 1st bf... Sabi nila kawalan nya ako, well hell yes! Pero bakla sya Ice, hindi  ako kawalan sa kanya. Ginawa nya lang akong pang front on everyone! I invested time and effort; and yet, ako si tanga, wala lang pala yun. Pinaikot nya lang ako. And here's the catch, kaya pala hindi ako magawang halikan sa lips kasi malamang sukang suka sya! Sayang ang 11 months ko sa kanya Ice, tangina nya!

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon