Consistent

4 1 0
                                    

TORI'S POV

Sumali kami ni Ate Cheese sa volleyball team sa village namin at bakasyon naman. Wala naman plans ang family namin na pumunta kung saan-saan since nung nag college na ako, medyo kapos na sa pang travel na naiintindihan ko naman. Kaya bumabawi na lang ako sa acads.

Anyway, we had our first game, talo kami haha! Sasali sali kami pero di naman kami magaling. Well, sa una lang naman yun diba? Sabi ng ka teammate namin, tuturuan nya na lang daw kami. 2x a week yung game so may 3x a week ang training sa amin. Pabor naman ako para naman makapag exercise na din, nadadagdagan na yung timbang ko. Sumali din sa liga si Ice, sa basketball.

Madami ang mga kasali sa liga, walang quota na binigay village namin kaya madaming taga labasan ang sumali.

Unang laro ang volleyball na isang beses lang may game tapos sunod naman ang basketball na may 2 games per night, midget and junior division lang kasi ang meron.

After ng game namin, inabutan ako ng towel ng isang basketball player na dayo.

Hi... Ah, I'm Dave. Sana okay lang makipag friends sa'yo.

Dave. Tantya ko mga 5'9'' sya. Chinito at pogi pa. Ang sabi ng mga ka team ko sa isang kilalang uni daw sya nag aaral. First impression ko, medyo presko. But I didn't snob him at nagpakilala na din ako as long as mabait sya sa akin, ganun din ako sa kanya.

Every game at training namin, nandoon sya, inaabutan ako ng pamunas o tubig.

Tori, yan bang si Dave e nagpahiwatig na liligawan ka?

Wala ate. Bakit?

Kinurot ako sa tagiliran ni Ate Cheese

Hindi pa ba obvious na may gusto sya sayo?

Alam ko naman te, pero ayoko mag assume unless nagsabi na sya.

Naging consistent si Dave sa mga actions nya. After all the games at nag pasukan na naman, well before mag pasukan, nagulat na lang ako na nandoon sya sa harap ng bahay namin, may dalang flowers, konting pagkain at cake. Hindi nya alam kung saan ako specifically nakatira so maybe nagtanong tanong sya sa teammates ko or kay ate.

Nagpakita sya ng intensyon na manligaw at pumayag naman ang parents ko because they say why not? As long as manligaw sa bahay, bakit daw nila tatanggihan?

So ayun nga, malapit lang pala ang uni nila sa amin at inalam nya ang sched ko kaya hinahatid sundo nya ako. Not all the time since may conflict sched sa ibang araw but on days na pwede sya, he didn't fail.

~~~

Mukhang malakas ang tama sayo nyan ha? Anong pinakain mo dyan?

Ikaw alam mo kahit kelan basag trip ka! Well at least nagpakita sya ng intentions sa akin so I know na if ever may pang hahawakan ako, di tulad ng iba dyan!

Biglang hinagod yung daliri nya sa ilong ko.

Nakakadiri ka sa totoo lang! Alam mo ba ang sabi ng ate mo sakin, ang gulo ng kwarto mo tapos umuulit ka ng brief? Eww!

Ikaw nga dyan nakanganga matulog tapos humilik pa, parang di babae!

Para kaming magkapatid na nagbabargaulan sa paligid ng school waiting for Ate Cheese nang biglang dumating si Dave. Dahil magulo ang buhok ko, inayos ko agad.

Tinignan ni Dave si Ice mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng tension.

Ah, di mo pa ba sya kilala? Tiga samin sya, si Ice, kapatid ni Ate Cheese? Yung kasama ko sa liga last time?

Ngumiti si Dave at kinamayan si Ice. Nag apologize din sya dahil sa masamang pag tingin sa kanya. Nagpaalam na kami kay Ice at hinatid nya na ako pauwi.

Pero hindi pa pala kami uuwi.

Bakit tayo bumaba dito? Nagugutom ka ba?

Bumaba kami sa tapsilugan malapit sa village at doon nya ako inayang kumain. Tutal inabot na ng gabi sa daan kaya nag dinner na kami. Di naman ako maselan, favorite ko mga silog meals.

Nakarating na kami sa gate ng bahay. Di na sya pumasok sa loob. Well actually, di pa sya nakapasok sa loob ng bahay, hanggang bakuran lang. At ayun, umalis na nga sya.

After an hour, may kumakatok na nga sa pinto ng kuwarto, si Ate Cheese and Ice. Doon daw sila sa kuwarto ko makikitulog.

Bakit ate may problema ba?

Naku, wala naman. Gusto ka lang namin kasama matulog. Mula nung nanligaw si Dave sayo di ka na namin nakakasabay umuwi.

Wag mo nga ako idamay ate, ikaw lang may gustong sumama ako!

Kinurot ni Ate si Ice sa braso nang malakas na malakas kaya napasigaw ng aray si Ice.

May times naman na sabay kami umuwi ah? Eto si ate, ang clingy pala, paano kaya pag nagka jowa to? Naku kawawa! Hahaha!

Inayos ko na ang hihigaan namin ni Ate. Si Ice naman inabutan ko na lang ng extra mattress na kinuha ko sa storage room at doon sya sa sahig matutulog.

Hindi naman bago to samin. I used to sleep at their house too, 2 or 3 times a week, any day ng weekends. Well, except for sleeping with Ice. Though wala lang, I feel awkward kasi lalake sya but anyway, nandyan naman si Ate so I should forget that feeling.

Good morning!

It's Saturday na pala, si Ice ang unang gumising.

Naalimpungatan ako nung sumilip ang parents mo. Aalis daw sila, mamayang hapon na ang dating.

Si Ate na tulug-tulugan lang pala, biglang tumalon sa kama. Tuwang-tuwa, doon daw muna silang magkapatid sa bahay. Okay lang naman yun. As I said, madalas ako kila ate, sila ganun din.

Sandali ha, babalik ako agad kukunin ko lang yung laptop, madami akong movies na download doon. Movie marathon tayo ha?

Last ChanceWhere stories live. Discover now