It's me, Ice.

2 0 0
                                    

Kakalipat lang namin ng bahay - again. Pag ilang lipat na din yata ang ginawa namin. Because every house na nakukuha namin, palaging binabaha. We're renting before but finally, naka aquire na ng bahay si Papa for so many years!

Paano nga ba naka aquire si Papa ng bahay? Matagal na sya sa company, bago pa ata kami pinanganak, doon na sya nagtatrabaho.

30 years na sya in service nang nakuha nya 'to. Ang galante ng company sa kanya. Dahil na din siguro sa sipag nya sa trabaho and loyalty. After all ng NPA at baha every rainy season, nagkaroon na rin kami ng matinong bahay.

Di ko naman masasabing hikahos kami, yes we're able, pero hindi makakuha ng sariling bahay. Maybe because wala sya sa isip nila Papa for the longest time, at priority nya ang education namin, dalawa kaming college student nga. But anyway, heto na nga, after we fixed our things, nagpahinga na kami. Buti na lang sinaktong bakasyon ang paglipat namin. Well I hope makahanap ng tropa.

Maganda yung binigay na bahay ng company, tatlo ang bedroom, sakto sa amin nila ate. Saktong laki din ng balcony na may parking space din. Pero wala pa kaming kotse so...

Ice, kanina pa may tumatawag sayo, nakakairita paulit-ulit sagutin mo na nga!

Si Charisse, ex ko. Mula nung nag break kami, lagi na lang syang natawag, nagtetext. Madalas naka silent na nga ang phone ko. Nahuli ko kasi syang may kasamang lalake doon pa mismo sa bahay nila. I was supposed to surprise her, ako  yung nasurprise.

Halos magdidikit na yung mga labi nila at nakahiga sya sa sofa nung nahuli ko. No, I didn't go any further, umalis kaagad ako. Hinahabol nya ako, magpapaliwang daw sya. Anong paliwanag pa yung kelangan dun, kitang-kita ko naman yung nangyari.

Actually, ilang beses ko na syang nahuhuli. Mostly holding hands lang, pero she make alot of excuses, ni kesyo pinsan nya, or namamalik-mata lang ako. At dahil mahal na mahal ko sya, dakilang uto-uto at tanga, nagpapatawad ako.

I think 1 year mahigit na? I can't remember, since nung naghiwalay kami. Si tanga naman hindi bumili ng bagong sim card. Oo heto na, bibili na ako pag alis namin ni ate, magpapasama sya sa mall, bibili ng abubut nya sa kuwarto.

~~~

Pasukan na ulit, mga ilang linggo pa lang at nag aaya agad ang tropa. Parang di nagkita last time nag swimming, nag inuman din naman kami nun. Nauna na akong umuwi kasi si ate may gala pa kasama mga classmates.

Kabababa ko lang ng sasakyan nung may nakita akong mukhang familiar, parang classmate ko.

Hi ate. Ikaw si De Santos diba? Dito ka rin pala nakatira?

Yep, a few blocks away Mr. Sebastian.

Pablo Maurice. Ice na lang. And you?

Anna Victoria. But that's too vintage so Tori na lang.

Sya pala, si Tori. Alam nyo maganda sya, maliit tsaka siksik, hindi yung mataba, ah basta kayo na bahalang mag isip. Pag nakatingin sya sayo parang nangtutunaw, kaya maraming nagkakagusto sa kanya sa tropa e. Pero lahat sila torpe, lahat hanggang tingin lang. Teka hindi ko sya type ha? Hindi ako interesado sa kanya.

~~~

May group activity kami and naging magka grupo kami ni Tori, I insisted na sa bahay na lang kami gumawa with our group mates. There's one girl na naka kuha ng attention ko, si Sharmaine. She's morena at kulot na long hair. Ang cute nya. Ang liit ng mukha at proportioned ang body at height nya. One year older sya samin.

Villanueva, crush ka netong tropa ko. Yeee!

Binatukan ko nga. Pero totoo, after a long time, nagkaroon na ulit ako ng crush.

Hindi na tuloy sila tumigil kakaasar sakin. Gunggong talaga to si Ferrer! Pati mga group mates namin inaasar kami.

One time nagpa xerox kami, I got the chance to ask her na ihatid ko sya sa kanila. She said yes.

Araw-araw ko nang ginagawa yun. Before pa kami makarating sa boarding house nya, kumakain na kami ng hapunan, konting kuwentuhan, tapos hahatid ko na hanggang gate.

I am so happy pag kasama sya, kahit tignan nya lang ako, kilig na kilig na ako inside.

Ice, I'm wondering kung ano ba ang level ng relationship natin?

Masaya.

That's the fastest YET dumbest answer I answered in my life. Of all the good answers na dapat yun ang isagot ko, bakit yun pa? Damn it, too late para bawiin ko pa.

Okay.

I feel the frustration and dismay on her voice but, we continued what we're always do.

Until she was busy with her friends and classmates sa ibang subject. Irregular student kasi sya. Kesyo may group activity, may lakad. One week din nangyari yun. Nagtaka nga si Tori bakit daw sabay ulit kami umuwi. Nagkwento naman ako. Naku, binungangaan lang ako!

Nagalit ako sa mga sinabi nya sakin. Pero totoo naman, may hatid sundo nang nagaganap but I didn't pursue her; and the fact na mali yung sagot ko sa kanya. Pinamukha ni Tori sakin yung sakit na ginawa ko kay Maine.

Why I didn't pursue her? Am I too afraid to be committed again? Nasa isip ko baka tulad sya ni Charisse? Hindi e. Tanga ako. Ang tanga tanga ko!

One time, after classes, lumabas agad ng room si Maine. Hinabol ko sya, I asked her kung pwede ko ba uli syang ihatid sa kanila.

Sebastian, just please, leave me alone! I'm super stressed, and you're not helping!

Months passed nung nalaman ko na may boyfriend na pala sya. Nagalit ako.

Bakit ka magagalit sa kanya? Bakit, kayo ba? May label? Wala diba?

Again, I was so annoyed with Tori. But quickly I realized na tama sya. Walang kami, it's my fault. I'm happy for her kahit deep inside masakit.

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon