Overnight

2 0 0
                                    

TORI'S POV

Umalis na si Ate Cheese na di man lang nagtanggal ng muta, ni laway nandoon pa sa mukha nya. Nagligpit muna ako ng higaan while si Ice bumaba na sa sala and yung higaan nya nailigpit nya naman. May naririnig akong mga kalansing sa kusina.

Uyyy! Ano yang niluluto mo? Aba ang bango ha?

Malamang mabango kasi nagigisa pa lang ako.

He started to cook fried rice but before nun, nagluto na rin sya ng itlog and corned beef dahil yun na lang ang natirang pagkain sa cabinet, hindi pa ako nakapag grocery.

Ako ang naka assign sa grocery sa bahay. Mama and dad are always busy but making sure na may time sila sa akin lalo na noong bata pa ako. Syempre, college na ako and I told them na they can have the time for themselves naman. But whenever we're all available and kung may means, then we can go anywhere naman, bonding time ganun.

Hindi ko pa pala nakukwento fam background ko no? Anyway, may ate dapat ako but unfortunately, namatay sya nang nasa tyan pa lang nya. So I'm a rainbow baby, and they named me Victoria because yes - Victory because finally they have a baby. Pero di na nila ako sinundan for she is afraid to get pregnant, baka mangyari daw ulit yung sa first baby nya and ayaw na nyang maranasan ang pain and trauma. I have no problem being an only child kasi madami naman akong mga pinsan but we separated nung lumipat na kami dito and were growing up na din kasi, busy sa kanya-kanyang buhay...

So ayun na nga. Kumain na kami ng almusal, konting linis dahil ayaw na ayaw ni mom ng kalat. We can stay at home with my friends pero ang #1 rule nya is dapat malinis ang bahay, then nag start na kaming mag movie marathon. Sinagot na ni ate ang lunch namin, nakisuyo sya sa kasambahay nila na magdala na lang ng pagkain sa bahay. One thing that I like sa bahay nila is si Nanay Melda. Ang sarap nya magluto super!

After movies na hindi ko na mabilang kung naka ilan na kami, naglinis na kami ng bahay then umalis na ang magkapatid dahil hinahanap na sila ng mama nila.

Sakto pag uwi nila, my parents arrived. Pinag saing na lang nila ako at nag take out sila ng bucket of fried chicken. While waiting for the rice, naligo muna ako.

Sakto pagkatapos ko maligo, nag chat si Dave sa akin na lumabas daw ako ng bahay. Nakita ko sya sa gate na may dalang ice cream at orange juice na naka bote sa groceries. Specific ako sa juice, ayaw ko yung powdered, sorry na. I used to like it pero nagka UTI ako kaka inom ng powdered juice.

Good evening po Tito, Tita. Sorry po sa biglang punta ko.

Dinala ko na yung pagkaing dala nya sa ref at inaya na din sya dito na kumain. Approve sila mommy sa kanya kasi nagpapaalam sya sa kanila bago nya ako ayaing lumabas, mamasyal hatid at sundo at kung ano-ano pa. Kampante sila sa kanya kasi lagi syang nag uupdate sa parents ko kahit unnecessary pa yan. Reason nya, okay na yung malaman nila from the smallest things para alam nila na safe ako. Afterall, unica hija nila ako.

~~~

Fast forward ng isang buwan dahil puro acads lang ang ginawa ko, daming quizzes, projects, group activities. Well, hindi ako nag rereklamo kasi gusto ko din na busy ako. Yun lang talaga ang ginawa ko last month at may pasundot-sundot na love life. Wala namang bago, nanliligaw padin si Dave sa akin.

Kung tatanungin nyo ako kung may feelings na ako sa kanya, yes. Hinihintay ko lang na magtanong sya ulit sa akin para sagutin ko na sya. Buti mahaba ang pasensya nya. Mga lalake pa naman ngayon daig pa ang instant noodles kung mag madali mag jowa.

Uy Tori matutunaw na yung pader sa katititig mo. Something wrong?

Tinanong ko si Ate Cheese kung dapat ko pa bang patagalin 'to kung may feelings na naman ako sa tao.

Ikaw? It's up to you. But if I were you, hintayin mo na lang sya na magtanong ulit.

Sabi ko nga, maghintay na lang ako na magtanong sya ulit. Ang kulit ko diba?

Sagutin mo na! Lalake din ako, naiinip!

Kinutusan ni Ate ang kapatid nya. Mabuti nga yan sa kanya! Sya naman walang ginawa kundi lumandi lang. Takot na daw sya mag 'commit' after kay Maine. As if nag commit sya diba? Naku ibang lalake minsan ano ang gugulo!

Hay salamat at nakauwi na kami! Nakapag pahinga na sa pang-aasar ni ate sakin kay Dave. Anyway, weekend na pala, at bukas nya ako inayang lumabas. Pupunta daw kami sa isang art museum somewhere in Rizal. Pumayag naman ako, makapag rest na din from all the school works!

The next day, inayusan ako ni mom, gusto nya malinis tignan ang buhok ko sa date namin. Kulit no? She's supportive pati ang pag aayos ng buhok ko, sya pa ang nagawa. After an hour, umalis sila ni dad, wala daw sila hanggang bukas, may overnight stay somewhere. Di na ako pumalag pa, after all, they deserve it.

Are you ready?

Nasa labas na si Dave, na may kotseng dala na hiram nya from his brother. Dave is in 3rd yr college na pala, hindi ko pa nasasabi sa inyo, ang mature din ng voice nya like ang vocals nya are so deep, yung boses na nakakain-love. Talagang may ganon? Naku ang harot ko!

Nakarating na nga kami sa art museum na minention nya. Ang ganda dito at malawak. There's a nearby resto na din and we're currently eating our lunch.

Tori, we've been going out for months na...

Mukhang ito na yata ang hinihintay ko.

Sorry to ask you this, hindi naman sa nagmamadali ako, I just don't want my effort go to waste...

I interrupted him

No, huwag mo isipin yan. Never nasayang ang effort mo...

Last ChanceWhere stories live. Discover now