Library

0 0 0
                                    

ICE'S POV

Pabalik na kami ng bahay nung may nadaanan kaming lalake na matangkad sakin ng konti at malaki ang katawan. Si ate naman panay ang pa-cute.

Aba, akala ko ba...?

Eh! Mukhang mayaman, malay mo diba?

Tumigil sya sa amin tsaka nagtanong. Nadismaya si ate nung narinig nya ang boses.

Ay, borta pala sya. Sayang, ang cute pa naman nya. Tsaka sino kaya pupuntahan nya sa village nila Dave? Parang aligaga.

Hayaan mo na ate, baka pupuntahan yung shota nya.

~~~

Dumilim lang ng konti, si ate di mapakali, pabalik-balik kila Tori, inaabangan kung nandyan na sya. Konti lang iisipin ko nang gusto nya nang shotain si unano e.

Alam mo Ice, di mawala sakin yung borta kanina, sayang talaga ang pogi pa naman! Gawin ko kayang lalake yun? Hahaha!

Baliw to si ate, magkaka interes pa, sa kapareha nyang gusto rin lalaki. Hindi parin naka move on samantalang kanina pang tanghali yun.

Nag chat sakin si Tori, malapit na daw sila sa bahay nila. Nung sinabi ko kay ate, kinuha nya lahat ng dapat dadalhin namin kanina pati yung binili sa convenience store. Lumabas agad kami at tumambay 2 houses away sa kanila. Etong si ate nagtago pa talaga sa poste.

Baka kasi makita nya tayo, mako-conciuous yun kasama pa naman si Dave.

Almost 15 minutes din ang hinintay namin, may tumigil na kotse kila Tori, I assume sila na yun. Bumaba una si Dave, then pinagbuksan sya ng pinto. Nakita rin naming kiniss sya sa noo. Naku si ate tatakbo na sana papunta sa kanila, buti napigilan ko. Abnormal to!

Uy neng! Magpaliwanag ka, bakit may pag kiss na sa noo aber?

Wala ka na dun ate, pati ba naman yun pakekelaman mo pa?

Ngumiti lang sya, at pumasok na kami.

Habang naliligo sya, kami naman ni ate nag ayos sa baba. Pinagluto rin ako ng popcorn habang sya nilalagay yung lulutuin kinabukasan sa ref. Bumili rin sya kanina ng alak, sakto. Mukhang may kailangan kaming i-celebrate.

Uy, alam mo ba, may nakita kaming pogi kanina, ang macho! Kaso borta pala, nanghihinayang ako be!

Naka puslit din pala sya ng picture dun sa lalaki at pinakita nya kay Tori.

Te, picture pa lang, halatang paminta na! Naku mahina pang amoy nito. Pareha pa gusto nyo, hanap ka na lang ng iba!

Nanood muna kami ng horror movie. Pagkatapos pinagkuwento na ni ate si Tori. Ramdam namin yung saya at kilig sa boses nya. Syempre, ito naman si ate kung makapag tanong kung ano mga ginawa nila kanina, parang nag iinterrogate na. Kaliitan ng details, walang lusot.

Lasing na si ate at natulog na sa sala. Tinapos na lang namin ang alak at nag simula na syang mag ayos ng higaan nila. Pagbaba nya, nagpatulong na buhatin si ate.

Sigurado ka, dito ka lang? Nanood pa naman tayo ng horror, baka mamaya katabi mo na yung mumu hahaha!

Tinakot pa talaga ako. Ako na din ang nagligpit at nag ayos sa sala at doon ako matutulog. Ngayon na sila na ni Dave, parang hindi naman appropriate na doon pa ako matulog kasama nila, respeto sa boyfriend.

~~~

Months passed, as usual, student life. May time na sumasama ako sa tropa sa may village para dumayo sa kung saang barangay na malapit, makapag laro lang. Minsan, tumatambay sa bahay ng kung sino sa kanila, naglalaro ng play station o kaya inuman.

Actually, madalas ko makita si Maine, nakakasalubong ko sa school. Wala naman syang kasama. Baka kako sa ibang Uni nag aaral ang bf nya. Pag graduating student na sa school namin, konti na lang mga subjects but all are major.

May time na napapa tambay kami sa library dahil may kailangan i-search. Doon din sila tumatambay ng mga kaibigan nya. May times na sinusulyapan ko sya, buti na lang hindi nya ako napapansin, or baka na-feel nya din pero di nya na lang pinapansin. O baka naman ako lang ang nag a-assume?

It's not that I'm still into her, may tinik sa dibdib ko na gusto ko nang matanggal, gusto ko syang makausap just to say sorry, kahit ang tagal na. Baka dahil doon, obviously, gumaan na ang feeling ko and I can finally move on.

~~~

Everytime na nasa Uni ako, iniisip ko na sana magkabanggan kami, or parehas kami ng kukuning book sa library, or kahit simpleng magkasalubong man lang. Sana pag in-approach ko sya, papansinin nya ako.

Lo and behold, I bumped into her, with all of her books and things fell. Of course I helped her, our eyes met, and finally, she smiled at me.

Ahm... Pwede ba tayong mag-usap? Promise, mag-uusap lang tayo, nothing else.

Sure, sa library. You going there?

Grabe ang kaba ko, butil-butil ang pawis ko kahit sobrang lamig. Hindi ako makapag salita, parang bigla akong naputulan ng dila. I have only minutes left bago ang next subject, I shouldn't waste time.

Maine... I'm sorry sa nangyari before. Hindi ko intension na saktan ka, promise, I really do...

Hindi nya na ako pinatapos magsalita

I'm okay now, really. Oo, nasaktan ako. Pero I'm still grateful na nakilala kita at nangyari yun kasi kung hindi, hindi ko makikilala ang boyfriend ko. Kaya thank you, you are my lesson learned.

She left the books, at umalis na, sinalubong nya ang boyfriend nya. Pagtapos nyang bumulong sa ay tinungugan ako ng bf nya.

I moved on.

~~~

Na late ako ng 10 minutes, buti hindi nagalit ang prof namin. Nagkakagulo ang mga classmates ko.

May tour daw tayo pre, 2d 1n daw!

Uy! Ang swerte naman, mabait sakin si Lord today! Kanina, nagkaayos na kami ni Maine, ngayon naman may tour kasama ang mga classmates!

Ibinalita ko kay ate, gustong sumama samin! Naku, ayaw nya mahiwalay kay Tori kaya pinagalitan ko na. Sinabihan nya na lang ako na bantayan ko daw sya, ano ako, bodyguard nya? Pero sige oo na lang, mahal ng kapatid ko e.

Last ChanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora