Chapter 27: Survive

7K 421 118
                                    

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS7Unbalanced #InoCent #SMCouple #DaggerSeries

A/N: Thank you Franz Danah for the "asosasyon" idea :D

CHAPTER TWENTY-SEVEN: SURVIVE

TIARA'S POV

"He's holding my things hostage."

The woman on the screen looks tired, but she couldn't hide the amusement in her eyes. She shrugged, but she winced a little as if she were in pain. May mga kamay na humarang sa screen pero pinalo niya lang iyon at masama ang tingin na nilingon niya ang taong tila dumalo sa kaniya.

"Kapag hindi mo ako tinantanan babarilin din kita para hindi ako ang kinukulit mo."

"Ang sama mo talaga." Sumungaw sa screen ang mukha ni Trace at nakangiting kumaway siya sa akin. "Hi, Tiara! Broken hearted ang kapatid ko dahil sa'yo pero bati pa rin tayo."

I suck in a huge breath that didn't escape Lucienne's notice. Lukot ang mukha na dinutdot niya ng malakas ang noo ng lalaki para siya na lang ang kita sa screen.

"Aray! Concern na nga iyong tao sa'yo ang sungit mo pa," reklamo ni Trace.

Eksaheradong pinalambot ng babae ang mukha niya. "Thank you for your concern pero huwag mo ng uulitan 'yan ha? Papalagpasin ko ngayon kasi busilak ang kalooban ko."

"Ha?"

"Ang i-claim na tao ka. Baka ma-hurt ang mga kasamahan mo sa ASOsasyon niyo."

Their banter halted when a door opening sounded. Maging ako ay napatingin sa pintuan ng kuwarto na kinaroroonan ko. But the door stayed closed, just like it had been for the past nineteen hours. He even made someone bring me food instead of forcing me to go out of the room. Which, I guess, is something that I should be thankful for because I don't know how I'm going to act in front of my father. Not now, when I feel like I'm drowning in the pandemonium of my situation.

"Tumabi-tabi ka Trace at baka maisipan kong pakuhanan ka ng dugo kay Nurse Franz." Nakangiting bumaling sa kabilang direksyon ang babae. "Hi, Nurse! Pwede na po ba akong umuwi? Wala naman pong masakit eh. Okay na okay na ako."

"Kanina lang napapangiwi ka—"

"Pwede pong pakikuhanan siya ng dugo tapos pakipasa na lang po sa pinakamalapit na beterinaryo? Feeling ko talaga may blood infection si Trace dala ng garapata."

Dagger Series #7: UnbalancedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon