Chapter 53: Loving Her

707 26 11
                                    

"What are those two doing?" Kariringgan ng pagkainis ang boses ni Dennise habang pinagmamasdan ang magkaparehang sumasayaw sa gitna ng makeshift dancefloor!

"Ginagawa nila? Nagsasayaw, nag-eenjoy! Bakit may iba ka pa bang nakikitang ginagawa ng dalawang iyan, maliban sa pagsasayaw Dennise?" Sarkastikong tugon ni Ella.

"Yes, they are dancing! No problem with that. But, my point here besh is, bakit silang dalawa ang magkapareha? Look at them, halos maglingkisan na sila sa gitna! And for goodness sake Lexi's Alyssa's girlfriend!" Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili, at bahagya na siyang napasigaw!

Mabuti na lamang at malakas ang tugtog!

"Kung ang kapatid mo kaya ang tanungin mo Dennise? Go, puntahan mo, tanungin mo kung bakit siya ang nakalingkis diyan kay Lexi at hindi si Alyssa!" Bahagyang itinulak ni Ella sa balikat ang kaibigan!

Dahil sa biglaang pagtulak na iyon ay natapon ang lamang alak ng basong hawak ni Dennise.

"Besh naman eh!" Mabilis siyang tumayo saka pinunasan ng tissue ang nabasang parte ng damit.

"I'm sorry, ikaw kasi eh!" Wika ni Ella habang nakatingin sa nabasang parte ng damit ng kaibigan.

"You stay here, magbibihis lang ako! Mag-aamoy alak ako nito mamya eh!" Tumayo ito saka naglakad pabalik ng mansiyon.

"As if hindi pa siya amoy alak. Kanina pa kaya siya umiinom!" Bubulong-bulong na wika ni Ella, sinundan niya ng tingin ang papalayong kaibigan.

Ngayon na ang gabi na pinakahihintay ng lahat ng mga taga hacienda.

Ang gabi ng kasiyahan.

"Kahit kailan talaga itong si Ella, oo!" Nagsasalita at parang tangang kinakausap ni Dennise ang sarili.

"Kinalangan ko pa tuloy bumalik ng kwarto para magbihis!" Dugtong niya habang pilit na pinapahid ng kamay ang nabasang parte ng damit.

Malapit na siya sa paanan ng hagdanan ng biglaang....

"Agghh!"

Biglang napataas siya ng tingin.

Standing infront of her is Alyssa.

Nakayuko ito habang nakahawak sa brasong nanatiling nakabenda.

She's clearly grimacing in pain!

"Oh, I didn't mean to.. I'm sorry! Are you okay?" She then reached for Alyssa's arm. Kapunapunang nagkulay rosas na ang puting benda nakapulupot dito.

"It stings!" Seryoso nitong wika habang ibinababa ang sarili sa sahig. She ended semi-squatting on the floor.

"It's bleeding Ly!" She said matter of factly.

"Ugh huh!" Napatingin na ito sa sarili nitong braso.

"Wait here, kukunin ko lang ang medicine kit!"

"No, please stay!" Biglaang pigil niya sa tangkang pagtalikod ng babae.

Napako ang tingin ni Dennise sa kamay na noon ay hawak-hawak na ni Alyssa.

"What's the meaning of this Valdez?" Ang dumagundong na boses mula sa itaas ng hagdan.

Sa itaas ng hagdan nakatayo ang kanyang ama't ina.

"What do we have here Alyssa?"

Sa kaliwang gawi ng grand living room na iyon ay naroroon at matamang nakamasid naman ang kanyang abuela.

Huling-huli ni Dennise kung paanong mariing ipinikit ni Alyssa ng sarili nitong mga mata, matapos marinig ang magkasunod na mga boses na iyon.

"Ly, I think you should let go of my hand!" Mahina ngunit nagpapanic na napabulong si Dennise.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now