22: Something to Look Forward to

450 21 6
                                    

Nagpalitan ng yakap at beso ang tatlong mga dalaga.

"Bruha, sino iyang kasama mo? Hindi manlang namin alam na may jowa kana pala. Pakilala mo na samin, dali na!" Nakuha pang maibulong ni Fille sa tenga ng arkitekto bago ito makakalas sa kanilang yakap.

Isang overly exaggerated smile lamang ang naging tugon ng arkitekto bago inukupa ang bakanteng upuan sa harap ng dalawang kaibigan.

Umupo din kaagad ang lalaki sa tabi ni Dennise.

"Besh hindi mo naman ba kami ipapakilala diyan sa kasama mo?" Himutok ni Ella. Walang preno talaga ang bunganga ng babaeng ito. Lol.

Isang matalim na tingin muna ang ibinato ni Dennise sa gawi ng kaibigan bago nakangiting bumaling sa direksiyon ng kasama.

"Girls, meet Mr. Dominic Santillan. Dom, these are my friends." Pormal na ngang pinakilala ni Den si Dominic Santillan.

"Hello, I'm Ella. Den's bestfriend." Todo ang pagkakangiti ni Ella.

"And I am Fille. Wait, your name brings that familiar ring. Ikaw ba iyong recently lang nanalo ng award? Businessman of the year?" Curious na tanong ni Fille.

"Hi girls nice meeting you, tama nga talaga si Den when she said na magaganda ang mga kaibigan niya." Tumayong muli ang lalaki at nakipagkamay.

Tinanggap naman agad nina Ella and Fille ang gesture na iyon ng lalaki.

"Ah yeah, I believe so." Kakamot kamot ng ulo na wika uli ni Dom habang kinoconfirm ang sinabi ni Fille. He seemed uneasy, parang bigla itong nahiya. Hindi yata ito comfortable na pinag-uusapan ang achievements nito.

"By the way besh, nakaorder na kami ni Fille. Pinag-order ka narin namin, we didn't know kasi na may kasama ka." Ella felt the need na sabihin iyon. Kailangan muna kasing makaorder ng kasama ni Dennise before anything else.

"Oh, no problem about that Ella. Oorder nalang ako." Dom smiled. A genuine one.

Hindi parin naman dumarating ang naunang order nila Ella ng tawagin nga ni Dominic yung waiter and asked for the menu.

Umorder ito ng sarili nitong pagkain plus ilang desserts na choice naman ng tatlong dalaga.

Nang makaalis na ang waiter muling pinagpatuloy ng apat ang pag-uusap.

"As I was saying, ikaw pala talaga iyong awardee. Congratulations for that. Napakalaking recognition niyon for someone as young as you." Sincere na wika ni Fille. She's pertaining to the recent award na natanggap nitong Dominic.

Nakatanggap kasi ng award itong si Dominic bilang isa sa pinakamatagumpay ng negosyante ng bansa. His family is into real estate. And being the eldest son, siya ang naatasang mamahala ng kanilang negosyo.

"Thank you. Honestly hindi ko talaga inaasahan na isa ako sa mga makakakuha ng award. Kasi I was just doing my job lang din naman, yet I was choosen rather nominated, and luckily it is I, whom they choose. Unexpected as it was, I still am very grateful." Parang walang kayabang yabang itong taong ito kung magsalita.

"I think our friend here, is luckier to have you Mr. Santillan." Hindi napigilan ni Ella ang sariling bunganga. Napabanat na naman kasi ng wala sa oras.

Isang polite na ngiti lamang ang sinukli doon ni Dom.

Dennise remained silent. Nakikinig lang sa palitan ng usapan between Dominic and her friends pero during that particular instance pailalim nitong tinitigan ang kaibigang si Ella. Sort of a warning look, a look that speaks volume. May halong kapilyahan na kasi iyong last remark ni Ella.

Ayaw lang namannkasi ni Den na makaramdam ng pagkailang si Dominic.

Napuna naman ni Fille ang tinging binigay ni Dennise kay Ella. Kaya bago pa muling maibuka ni Ella ang bibig, mabilis ng kinuha ni Fille ang pansin ni Dominic.

Masked, UnmaskedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang