30: Honeymoon eh?

729 27 11
                                    

Ninety days or so after the wedding.

"Valdez, stop looking at me like that. Naalibadbaran ako!" Dennise annoyingly glared at Alyssa.

"Hindi ako nakatingin sayo Dennise." Sa naaaliw na boses ay sagot naman ng isa.

Ibinaba naman ni Dennise ang hawak na libro saka binaligan ang asawang nakaupo sa katabing pool lounger.

"Deny ka pa. Hindi kayang itago niyang shades mo ang katotohanang kanina kapang tingin ng tingin. May pa ngisi kapang nalalaman. Itigil mo na iyan at naaalibadbaran talaga ako!" Nakangusong angil ni Dennise sabay irap pa dito.

Pero imbes na sundin ang iniutos sa kanya, hindi naman tumigil sa ginagawang pagtitig at pag-admire ng kagandahang nasa harapan niya si Alyssa.

Masisisi mo ba naman siya? Den kasi has this beauty and charm na the longer you lay your eyes on her the more na mahohook ka. She's that pleasing to the eyes.

Sa isang aspeto lang mukhang tagilid itong si misis Valdez, at iyon ay sa usapin patungkol sa height.

Many have said that Dennise lack that height, but for Alyssa, Den's height is okay. Den might be small compared to her towering frame yet that's the thing which makes the two of them looks so cute and adorable. Their height difference is just perfect.

Alyssa cannot stop herself from smilling anew as she imagines the possible scenarios where that perfect height difference between the two of them would be an advantage.

Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Dennise ang ngiting iyon ni Alyssa.

Clearly annoyed and is starting to lose her cool the architect hurriedly stood up, pick up her book, and started making her way back to their room.

"Wait Den, saan ka naman pupunta niyan? Akala ko after mong basahin ang ilang chapters ng book na iyan, you'll go for a swim?" Dahil sa kung pag-iimagine ng kung anu-ano nagulat pa si Alyssa ng makitang tumayo si Dennise. Mukhang babalik na itong kwarto.

"Nawalan na ako ng gana." Walang lingon likod na wika ni Dennise.

Natigilan naman si Alyssa sa ginawa at sinabi ni Den.

"Nainis pa yata." Mahina niyang usal habang sinusundan ng tingin ang papalayong pigura ng asawa.

Good thing agad namang nakabawi si Alyssa. May pagmamadali siyang tumayo mula sa kinauupuan at mabilis na sumunod sa kwarto.

Nagtataka siguro kayo kung bakit magkasama ang ating mga bida?

Well, ilang araw ng tapos ang kontrata nila Alyssa, Kim at Kiwi sa vineyard sa Napa Valley. As a matter of fact, naghahanda na si Alyssa sa pagbalik/pag-uwi ng Pilipinas. Ngunit on the last minute, Kiwi invited the other two ladies to go with her sa Australia. According kasi kay Kiwi she'll be spending a few days on Australia before formally going home to New Zealand.

Sinubukan pang tumanggi ni Alyssa, saying na kailangan niya ng umuwing Pilipinas sa lalong madaling panahon. Syempre alam na po natin ang rason kung bakit atat na atat siyang umuwi hindi po ba? Still, hindi tumigil si Kiwi, she oh so relentlessly encouraged Alyssa. Saying na sigurado siyang (Kiwi) Dennise wouldn't mind a few days delay ng pag-uwi ni Alyssa. And it would be a mistake daw on Ly's part if pinalampas niya ang chance to see and experience Astralia's beautiful beaches. Because of Kiwi's persistence idagdag na ang pangungulit ni Kim hindi na nga nakatanggi pa si Alyssa.

The next day the three of them found themselves boarding a plane to Australia. Pagdating nilang Sydney, Kiwi said na they need to wait for their next flight. Ang siste sa Queensland pala ang tunay nilang destinasyon.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now