16: Change of Heart?

445 22 11
                                    

"Thanks for bringing me home Alyssa. Uhm.. Maaga pa naman, pasok ka muna." Dennise said upon checking her wrist watch. It reads eight in the evening.

Kadarating lang kasi nila. Hinatid siya ni Alyssa straight from her farm pabalik dito sa mansion.

"Sorry, but I need to..."

Ang pagpigil ng isang SUV sa gilid ng sasakyan ni Alyssa ang siyang pumigil sa iba pa niyang sasabihin. Agad na bumukas ang pinto sa gawi ng driver at bumaba ang ama ng dalaga.

"Michelle, hija. Kanina pa kayo? Good evening Alyssa. Timing at nandito narin kayo, according to your mom nakahanda na ang dinner." Bungad ni Jaime Lazaro sa dalawa.

Agad na lumapit at humalik sa pisngi ng ama si Dennise habang binati naman ni Alyssa pabalik ang inhenyero.

"Kadarating nga lang namin dad. Mga five minutes ago. Si mommy ba iyong kausap niyo sa telepono?" Kakababa lang kasi ng ama niya ng cellphone nito paglabas ng kotse.

"Yup it's her. So, ano pa ang hinihintay niyo? Maginaw and maambon dito. Alyssa hija join us nalang for dinner ha?Sumunod na kayong dalawa sakin." Utos nito pagkatapos ayain si Alyssa.

"Ah kasi po..."

"I won't take no for an answer Alyssa! Michelle, papasukin mo na iyang bisita mo. Huwag na kayong magtagal diyan. at huwag niyo na din paghintayin ang grasya!" Sabi pa nito bago buksan ang main door.

"You heard him Ly." Nakangiting baling ni Dennise sa kasama.

"I think I don't have any choice. But before anything else, secure ko muna ang sasakyan! Plus the boxes ng pasalubong! Nakalimutan natin pareho. Sandali at kukunin ko." Nasabi nalang ni Alyssa bago buksan ang kotse para kunin ang mga pasalubong. Naiwan namang nakatayo sa gilid si Den habang hinihintay na matapos ni Alyssa.

Pagkatapos masiguradong secure na ang sasakyan at makuha ang mga kailangang kuhanin, lumapit uli si Alyssa kay Dennise.

Kung siya lang ang tatanungin ayaw niya talaga sanang magtagal at paunlakan ang imbitasyon ng mag-amang Lazaro. Hindi kasi kagandahan ang panahon. Buong maghapong makulimlim at may kasama pang pagbugso ng hangin. Isa nga rin iyon sa rason kung bakit ayaw niyang dumaan pa sila ng banana plantation kanina. Naisip ni Alyssa na baka abutan sila ng ulan. Mahirap pa namang bumiyahe kapag malakas ang ulan.

Pero napilitan parin siya. Ikaw ba naman ang daanin sa isang malupitang blast from the past? Tingnan natin kung magawa mo pang tumanggi? Lol.

At ito na naman po siya, for the second time today, ayaw na naman sana niya mag give-in sa kahilingan ng kasamang dalaga, kaso nga naabutan pa sila ng tatay nito, at nakakahiya naman kung tanggihan niya ang imbitasyon nito.

"Lead the way lady." Ngumiti nalang din siya ng makalapit na ng tuluyan sa dalaga. Sana lang hindi nito nahalata na sobrang pilit lang din ng mga ngiting iyon! Lol.

Hindi sa nag-iinarte siya or sa kung ano man, katunayan nga niyan masaya siya dahil nakasama/kasama niya si Denisse pero gusto lang talaga niyang makauwi bago sana bumuhos ang ulan, at hindi lang niya nabanggit pero may pupuntahan pa siyang importante after dito.

Ngumiti nalang din si Dennise at nagpatiuna nang maglakad. Pumasok sila sa mansion, bitbit ni Alyssa ang mga boxes habang nakasunod sa dalaga. Binaba lang nito ang dalang maliit na bag sa isang sofa na nasa sala bago dumeretso ng dining area.

"Good evening everyone!" Magiliw na wika ni Dennise the moment na makapasok na siya sa malawak na main dining area ng mansion.

Nagsilingunan naman ang lahat ng naroroon ng marinig nila ang boses ng dalaga.

Masked, UnmaskedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt