20: Unexpected Twist

591 28 11
                                    

"I still can't believe it! Nasampal mo ko kagabi!" Alyssa glanced at Dennise.

"Kasalanan mo rin kung bakit nakatanggap ka ng ganoon!" Angil ni Dennise.

"Kasalanan ko ba kung madumi ang utak mo? Mind you, nagtanong lang ako kung gusto mo bang matulog katabi ko? Matutulog lang tayo! Bumabagyo, plus sobrang dilim kaya naisip kong baka hindi ka komportableng matulog mag-isa sa kabilang room. Gusto ko lang makatulong. Walang malisya! Pero kung anu-ano na agad ang naisip mo. Nasampal pa tuloy ako." Nakabusangot na wika ni Alyssa habang nakatingin sa daan. The two of them were on their way to the mansion. Gamit nila ang pick up ni Alyssa.

Parehong nag-aalangan sa sitwasyon na susunguin nila sa labas, napagkasunduan nilang iwan nalang ang kotseng ginamit ni Dennise kahapon sa pagpunta doon at ang pick up nalang ni Alyssa ang gamitin.

"Ewan ko sayo Valdez! Eh ganon naman talaga ang meaning ng phrase na yon, hindi ba?" Nakahalukipkip na usal ulit ng arkitekto.

"Hahaha." Natawa si Alyssa. Aliw na aliw siyang makitang naiinis si Dennise.

"Tingin mo if may balak akong gawin 'iyon' sayo, magtatanong pa ako?" Tanong pa niya.

Pakiramdam ng arkitekto abot langit ang itinaas ng kilay niya dahil sa pinagsasabi ng babaeng katabi.

"At ano ang ibig mong sabihin diyan aber?"

"Ang ibig kong sabihin is kung may balak akong ikama ka. Hindi na ako magtatanong or what, aaksiyon na lang ako kaagad. Bakit kailangn ko pang magtanong kung panigurado namang madadala kita sa pamamagitan ng mga 'moves' ko!" Sabi pa ni Alyssa sa tinig na punong puno ng amusement. Tuwang tuwa siya sa nakikitang reaksiyon ng dalaga. Namilog bigla ang mga mata nito, at pulam pula narin ang pisngi nito dahilan marahil ng sobrang embarrassment.

"Bastos! Ang bastos bastos mo talaga kahit kailan Alyssa! I hate you!" Sigaw niya habang pinaghahampas ang babae.

"Stop! Stop awat na!" Pinipilit namang iwasan ng dalaga ang pagiging napanakit ni Dennise! Lol.

Pero sa kasamaang palad parang wala manlang itong narinig, bagkus sige parin ito sa paghampas sa braso at katawan pati narin sa mukha ni Alyssa.

"Sige ka ayaw mo talagang tumigil? Maaaksidente na tayo!" Natatawang pagbabanta ni Alyssa.

"I hate you Valdez!"

"I doubt it! Thankful ka kamu sakin. Sarap kaya ng tulog mo? Tulo laway, halatang enjoy na enjoy ka sa pagyakap sakin." Mapanuksong sabi ni Alyssa sabay taas baba ng kilay.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo Alyssa!" Isa pa uling pagtanggi.

Pero malulutong na tawa lang ang naging tugon ni Alyssa.

"Tigilan mo na ang kakatawa at magmaneho ka nalang pwede?!" Angil
nito sabay irap.

Nang mapunang hindi na nagugustuhan ni Dennise ang mga birong binibitawan niya, minabuti nalang ni Alyssa na tumahimik at magconcentrate nalang sa pagmamaneho. Panaka naka nalang niyang tinatapunan ng tingin ang babae.

Naging matahimik na ang dalawa sa buong durasyon ng byahe. Ang tanging maririnig lang ay ang mabining tugtog na naggagaling sa playlist ni Alyssa. Si Dennise naman ay isinandal ang ulo sa headrest at minabuting ipikit nalang ang sariling mga mata.

"Den, were here." Maingat na ginising ni Alyssa ang dalaga ng marating na nila ang mansion.

"Nakaidlip ako. Sorry." Sabi nito na inayos ang pagkakasuot ng hoody.

"Wait, hintayin mo ako, kukunin ko lang ang payong sa likod." Agad na tinanggal ni Alyssa ang seatbelt at mabilis na kinuha ang payong na nasa backseat at umikot para pagbuksan si Dennise.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now