Chapter 42

622 27 19
                                    

May ilang minuto ng nakatunghay si Ella sa documento. Bakas parin sa mukha nito ang disbelief!

"Alam mo bang gusto kong magtampo sayo ngayon Dennise? I have a strong feeling na everyone in our circle may idea or alam ang tungkol dito, maliban syempre sa akin! Tama ako hindi ba?" Hindi napigilan ni Ellang ilabas ang hinanaing.

"Kung makapagsalita ka besh, akala mo sobrang laki ng circle of friends ko. Before ka nagtampo dyan, know your facts first! For your information, ilang tao lang ang nakakaalam nito. Sila Gretchen together with Fille. Dominic and his husband then Alyssa's bestfriends. Which are Kim and Amy. And of course si Beatriz!"

"Iyon na nga, konte lang kaming kaibigan mo pero ano? Akong beshfriend mo kuno pa ang pinakahuling nakaalam? Ano ba naman iyong banggitin mo manlang sakin. Like before ka pumuntang America, nakipagkita ka sana sakin and told me. Hindi ko tuloy alam kung bakit nangyaring lahat sila sinabihan mo, habang ako nadah! Hindi ba ako katiwatiwala Dennise?" Mahina ang pagkakasabi noon ni Ella.

"Hindi ganoon iyon besh. Syempre pinagkakatiwalaan kita, it's just that, during that time, iyon ang hinihingi ng pagkakataon. As much as possible kasi gusto ko isekreto ang tungkol sa bagay na iyon. Mas konte ang nakakaalam, mas maganda, maliit ang posibilidad na magkabukuhan. Kaya ayaw ko man, kinailangan kong mamili sa kung sino lang ang pagsasabihan." Pag-explain ni Dennise.

"Kailangan mong mamili kung sino ang paglilihiman mo ganoon?" Ismid pa ni Ella. Nakaupo na ito sa dulong bahagi ng kama ni Dennise.

Si Dennise naman ay nakaupo parin sa kaninang pwesto nito.

"Sorry na besh. I will no longer deny it, okay? I was unfair to you. Kasalanan ko talaga." Tumayo si Dennise at lumapit sa kinauupuan ni Ella. Naupo siya sa tabi nito sabay ipinulupot ang magkabilang bisig sa bewang ng kaibigan.

Ilang minuto silang nanatili sa ganoong posisyon bago kumilos at nagsalitang muli si Ella.

"Sige na, sige na, kalimutan nalang natin. Wala na namang magagawa iyong pagtatampo ko hindi ba? Haay. Kung hindi lang kita kaibigan Dennise Michelle, nungkang pagbibigyan kita! At isa pa, ayaw ko ng dumagdag sa mga iniisip mo. Ang haggard na nga ng hitsura mo, halatang kulang sa tulog pati pahinga. Last thing I want to happend is iyong magkasakit kapa! Which is hindi mayalong mangyari kung mastress kapa sakin." Nakangiti ng wika ni Ella.

"Yehey, the best ka talaga besh! Pero pasensiya kana talaga ha?" Nakayakap parin sa kaibigan na turan ni Den.

May karapatan naman po sigurong magtampo si Ella hindi ba? Pero dahil nga sa ayaw na nitong dagdagan ang iniisip ng kaibigan mas pinili nalang nitong intindihin si Den. Imbes na magpakafeeling importante at iguilt-trip si Dennise mas pinili nalang nitong maging isang understanding at mabuting kaibigan para sa dalaga.

"On second thought hindi ka pa pala abswelto besh!" Isang pilyang ngiti ang agad na sumilay sa labi ni Ella.

Biglang napabitiw sa pagkakayakap dito si Dennise, at sa magkasalubong na kilay ay tinitigan ang kaibigan.

"Libre mo pala muna ako! Padeliver ka ng foods from my restaurant of choice! Syempre iyong mga paborito ko besh!"

Gustuhin man ni Dennise na magreklamo ay wala siyang magawa. Siya ang may atraso, kaya siya ang kailangang mag-adjust!

"Here is my phone, ikaw na ang tumawag at maliligo muna ako!" Wika niya sabay abot kay Ella ng kanyang cellphone!

Ngiting tagumpay si doña Ella!

An hour or so after magkaharap ng kumakain ang dalawa.

As expected, marami-raming foods ang pinadeliver ni doña Ella.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now