25: One Good Reason

519 20 10
                                    

Sagutin mo na yang phone mo Kimang. Kanina pang ring ng ring oh?! Hindi mapigilan ni Alyssa na matawa sa hitsura ng kaibigan.

On the way na sila sa meeting place nila ni Kiwi.

Lukot na lukot ang mukha netong nakatingin sa cellphone na kanina pang nagriring.

"Gago ka kasi Valdez! Ano ba ang pumasok sa utak mo at pangalan saka number ko ang binigay mo doon sa babaeng yun?" Sa sobrang pagkayamot, pinatay nalang nito ang cellphone.

"Oh bat mo pinatay? Hahaha. Mukhang type mo kasi siya, kaya yung number mo nalang ang ibinigay ko. And my friend, makinig ka ha?"

"Ano na naman?" Angil nito kay Alyssa.

"Hindi lang contact number mo ang ibinigay ko doon sa chikababes mo...." Naputol ang iba pa sanang sasabihin ni Alyssa.

"Don't tell me pangalan ko ang ginamit mo to introduce yourself? Damn naman Alyssa!" Hindi na talaga maipinta ang mukha ni Kim ng mga sandaling iyon.

"Hahaha. Apaka talino mo talaga Kimang!" Humalakhak pa si Alyssa sabay parada ng sasakyan.

Narating na nila ang lugar na sinabi sa message ng kaibigan. Unang lumabas si Alyssa.

"Baba na diyan, andito na tayo!" Binalingan niya ang kaibigang nakabusangot na't lahat.

Walang ibang choice si Kim kundi ang bumaba narin ng sasakyan. Sinarado na ni Alyssa at

"Fu-- you Valdez! Sige tumawa ka lang. Enjoyin mo ang moment nato. Sooner or later makakaganti din ako! May oras ka rin!" Sigaw niya habang naglalakad na at nakasunod sa likod ng kaibigan.

Naglakad ng magkasunod ang dalawa. Si Alyssa aliw na aliw parin. Halatang magaan at maganda ang aura. While Kim's the exact opposite. Hindi maipinta ang mukha nito. Nayayamot kasi talaga ito sa ginawa ng kaibigan.

"Ly, tama ba itong place na napuntahan natin? Akala ko sa restaurant tayo pupunta? Eh bakit sa harapan din tayo ng isa pang bar napadpad? Ito pa, hindi lang ito basta-bastang bar, exclusive bar pa! For members only? Paano tayo makakapasok diyan? Hindi naman tayo member?" Kahit sobrang sama ng modo ni Kim, hindi niya parin napigilang magtanong.

"Wala rin akong idea. Hindi ko nga rin alam na isa pala itong bar at hindi restaurant. Tawagan ko nalang muna si Amy para makasigurado tayo, but according sa message niya ito talaga iyon eh." Tiningala pa ni Alyssa ang malaking signage which bears the name of that said establishment.

Tumigil muna silang dalawa. Kinuha ni Alyssa ang cellphone at agad na idinial ang number ni Kiwi.

Nagriring ito ngunit walang sumasagot.

"Hindi sinasagot eh." Baling ni Alyssa sa kaibigan.

"Ano ba naman yan! Patingin nga ako ng message niya kanina. Baka na mislook mo lang, and hindi talaga ito iyong place na sinasabi sa message." Bumalik na naman ang kanikanina lang ay nagsa-subside ng inis ni Kim.

Gusto pa sanang magprotesta ni Alyssa at sabihing sigurado siyang ang place na iyon ang siya talagang nasa mensahe, ngunit sa kagustuhang hindi na muli mabadtrip ang kaibigan, tahimik nalang niyang hinanap ang natural mensahe at inabot dito sa kaibigan ang cellphone. She let her friend be the judge.

Binasa ni Kim ang message, and tama nga si Alyssa. Hindi nito namisslook lang at hibdi din ito nagkamali sa pagbasa. Ito nga ang exact place na nakalagay sa message ni Kiwi. Ngunit bakit sabi nito kanina sa restaurant ang kanilang destinasyon? At paano sika makakapasok sa gayong exclusive pala itong lugar na ito?

"Tawagan mo uli tol." Mahinahon ng wika ni Kim, sabay balik ng cellphone.

Muling tinawagan ni Alyssa ang kaibigan.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now