21: Is It Over Now...

505 21 7
                                    

"Ano ba? Ako Kim tigilan moko ha?!" Angil ni Alyssa sa kaibigan matapos siya nitong batuhin ng kung ano mang kinakain nito.

"Nakatulala ka na naman po kasi! Akala ko ba pumunta tayo dito para magsaya? Kung sinabi mo lang na wala kang gana di sana hindi na tayo dumayo dito? Natulog nalang sana tayo, hindi ba?" Asik naman nito pabalik.

Dumayo kasi silang syudad para mag happy time. Katunayan apat silang umalis kanina. Siya, si Kim at ang dalawa nitong kaibigan. Pero silang dalawa nalang ni Kim ang naiwan sa mesang nakatoka sa kanila. Umalis kasi ang dalawang kaibigan ni Kim. Nakatagpo kasi ang mga ito ng kapartner. Infairness, naman sa dalawang iyon, maayos naman silang nagpaalam bago iwan sina Alyssa.

"Asan naba ang mga kaibigan mo? Babalik pa ba ang mga iyon? Paki tawagan mo nga, kasi gusto ko ng umuwi." Hindi pinansin ni Alyssa ang magkakasunod na mga banat ni Kim, sa halip inutusan nito ang kaibigang tawagan ang kanilang mga kasamahan.

Isang mapang-arok na tingin at napakalalim na buntong hininga ang ginawa ni Kim bago walang sabing tumayo at iniwan ang kaibigan.

Bago tuluyang makalabas, nakita pa ni Alyssa ang ginawang paghugot ni Kim ng cellphone sa bulsa ng sariling pantalon. Tatawagan nito ang mga kaibigan.

Habang hindi pa nakakabalik ang kaibigan, minabuti ni Alyssa na tawagin ang waiter at isettle ang kanilang bill.

Ilang minuto pa muli ang lumipas bago nakabalik si Kim. Sa kaliwang kamay ay naroroon parin ang cellphone.

"Mauna nalang daw tayo sabi ng dalawang ungas. Sila nalang daw ang bahalang umuwi." Iyon agad ang sinabi ni Kim pagtapat palang nito ng kanilang mesa.

"Tapos ko na ring i-settle ang bill. Halika na uwi na tayo. Gabi na masyado." Bago tuluyang tumalikod, tinapunan muna ni Alyssa ng tingin ang ibabaw ng mesa. Siniguradong walang kahit na anong personal na gamit ang maiiwan.

Tumango nalang si Kim at sumunod sa likod ng dalaga.

Nakarating na sila ng parking lot ng biglang hinagis ni Alyssa ang susi ng pick-up kay Kim. Na nasalo naman agad ng huli.

"Ikaw na ang magdrive tol. Sa apartment nalang tayo." Wika pa nito saka tumapat sa passengers seat.

Walang magawa si Kim kundi sunding muli ang kagustuhan ng kaibigan. Naiinis siya ngunit nagawa parin niyang magtimpi. Matapos makapasok sa sasakyan at masiguradong ayos na si Alyssa sa passenger's seat, agad nang pinaharurot paalis ni Kim ang sasakyan.

Malapit na sila sa kanilang destinasyon, subalit ni isang salita ay walang namutawi mula sa bibig ni Alyssa. Nakasandal lamang ang ulo nito sa headrest at nakapikit pa ang mga mata.

Nakailang sulyap na si Kim dito pero parang wala talaga itong ganang kausapin siya, o kahit na imulat manlang ang sarili nitong mga mata.

Naisip ni Kim, lagpas isang linggo ng ganito si Alyssa. Parang wala sa sarili, wala sa tamang focus, at may mga pagkakataon pang nahuhuli niya itong nakatulala!

Alam at nararamdam niyang may mali sa kinikilos nito. Mayroong bumabagabag dito. But knowing Alyssa, na masyadong pribado at malihim, nakasisigurado siyang hindi nito sasabihin sa kanya kung anumang problema ang mayroon ito.

But, then Kim Fajardo is Kim Fajardo! She is Alyssa's bestfriend! Nuncang hahayaang nitong solohin nalang ng kaibigan ang problema! Kailangang may gawin siya para matulungan ito, pero para magawa niya iyon, kailangan niya munang mapaamin ito.

"Ly, alam kong gising ka. Tayo na diyan at nandito na tayo." Agad na sabi niya dito habang ina-unbuckle ang seatbelt.

Nakatigil na sila sa apartment na binigay sa kabila ng mag-asawang Villarama. Ito ang siyang nagsisilbing pansamantalang tirahan nilang dalawa sa mga pagkakataong hindi sila nakakauwi ng farm.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now