26: DOA

512 23 11
                                    

Ibahin natin atake dito. This will be written based on Den and Alyssa's POV.
______________________________________________________

"We're here guys! Sorry if nalate kami!"

Nang buksan ni Dom ang pinto agad akong nagsalita at inanounced ang aming pagdating. Nakita kong tumayo si Fille at sumalubong samin. Nakaalalay sa kanya ang girlfriend na si Gretch.

Nagbeso at nagbatian kami nila Fille at Gretch. Habang nagkamay naman sila Gretchen and Dom.

"Mabuti at nakasama itong si Dom. Welcome pare, enjoy!" Narinig kong wika ni Gretch. Nakatayo siya sa gilid ni Fille at nakaangkla ang bisig sa bewang ng kasintahan.

"Sure will do, and thank you sa invitation ninyo ni Fille." Sabi ni Dominic, while laughing a little.

Magkatabi kaming nakatayo ni Dom, facing the entire room. Ngunit dahil sa nakaharang ang magkasintahang Fille and Gretch which were standing infront of us, hindi ko makita kung may iba pang tao sa exclusive lounge na iyon.

"Good! Then, let's all proceed to that couch and enjoy this night." A smilling Gretchen said.

Bumitaw sa pagkakahawak sa bewang ni Fille si Gretchen at naunang maglakad. Hahawakan narin sana ni Dom ang aking palad ng biglang lumapit si Fille.

"Excuse me Dom, kakausapin ko lang sandali si Dennise. Sunod ka nalang kay Gretch." Nangunot ang noo ko ng marinig ko ang sinabing iyon ni Fille. Si Dominic naman ay sumunod nga kay Gretchen.

"Den would you mind kung may iba pa tayong kasama? Mga old friends naman sila." Bulong niya sakin. Nakatayo parin kaming dalawa malapit sa may pintuan. Si Dominic ay sumunod na kay Gretchen.

"Aw! May kasama pa pala tayong iba? Okay lang naman, sabi mo mga kaibigan mo naman so, walang magiging problema sakin/samin iyon." Masaya kong wika saka nilibot ang aking paningin sa kabuuhan ng silid.

Noon palang ang pagkakataong nabistahan ko ng husto ang kabuuhan ng lugar. Malaki iyon, medyo may kadiliman nga lang. Nakita ko na may mini bar na nakapwesto malapit sa isang pabilog at bakanteng espasyo. Iyon marahil ang nagsisilbing dance floor.

"Thank you my friend. Akala ko hindi ka magiging komportable once na malaman mong may inimbita pa akong iba." Ramdam ko ang relief sa boses ni Fille ng sabihin niya iyon.

"Ano ka ba, syempre ayos lang iyon. Sayang at hindi pwede si Ella tonight." Sabi ko sabay abresyete kay Fille.

Hindi kasi nakasama si Ella kasi may prior commitment siya ngayong gabi.

"Sayang nga talaga, pero paniguradong may next time pa naman, doon nalang siya bumawi. Halika na, let's join the others para mameet mo narin sila."

Hindi ko masigurado kung guni-guni ko lang ba iyon or nakita ko talagang nag-iba ang paraan ng pagngiti ni Fille ng sabihin niyang "para mameet mo narin sila."

Tuloy lang ang pag-abresyete niya sakin habang naglalakad kami palapit sa couch. Nandoon parin ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. N labis namang nagpakaba sakin.

Ilang hakbang pa at nakalapit na kami sa couch. Tama nga si Fille ng sabihin niyang may iba pa siyang kaibigan na makakasama namin ngayong gabi. May tatlong tao kasi akong nakita liban kina Gretch and Dom. Nakaharap kami sa kanila ngunit hindi ko masyadong maaninag ang kanikanilang mga mukha. Pero isa lang ang sigurado ako, mga babae din ang mga ito.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now