Chapter 45

463 26 3
                                    

Papalubog na ang araw ng lumapag ang sinasakyang eroplano ng magkaibigang Dennise at Ella sa Bacolod Silay International Airport.

Mabilis ang mga hakbang na naglakad ang dalawa papalabas sa naghihintay na sundo.

Nabanggit ng kanyang tita Juliana na ipapasundo sila nito sa driver.

Nakita at nakilala kaagad ni Dennise ang isang unipormadong lalaking nakatayo habang naghihintay sa labas ng isang itim na SUV.

Lumapit din naman ito ng makita ang paglabas ng dalawa. Partikular ng mamukhaan at makilala si Dennise.

"Magandang hapon po Señiorita, maligayang pagbabalik dito sa Negros!" Masayang bati nito sa kanya.

"Magandang hapon din po manong Mario. Kamusta po kayo? Masaya po talaga akong nakabalik ako dito." Magalang na wika naman ni Den.

"Natatandaan niyo pa po ba ang kaibigan kong si Ella? Siya po ang kasama ko." Dugtong ni Den habang minumwestra ang kaibigang nakatayo sa gilid ng sasakyan.

"Hello po manong, magandang hapon po!" Masiglang bati ni Ella.

"Magandang hapon din po ma'am Ella. Ipapasok ko na po ang mga bagahe niyo señiorita ng sa ganoon ay makaalis na po tayo."

"Sige po manong. Salamat!" Pagsang-ayon ni Dennise.

Habang isa-isang ipinapapasok ng driver ang mga maleta. Pumasok narin ang magkaibigan sa loob at pumwesto sa backseat!

Dala marahil ng pagod, ay hindi napigilan ng magkaibigang Dennise at Ella na makaidlip habang nasa byahe patungong hacienda.

Nagising lang ang dalawa ng maramdaman ang pagtigil ng sasakyan.

"Nandito na po tayo Señiorita!" Narinig niyang wika ng driver

Sa wakas nakarating na sila sa hacienda Lazaro.

Pupungas-pungas na binuksan ni Den ang kanyang mga mata, saka binalingan ang nakapikit paring katabi.

"Besh, wake up. We're here!" Hawak ang braso ni Ella ay marahan niya itong niyugyog para gisingin.

Nagmulat naman kaagad ng mata ang babae.

Magkasunod silang bumaba ng sasakyan.

Kaagad na naagaw ang kanilang pansin ng taong nakatayo sa bungad ng main door.

"Hi hija, welcome back hija. Namiss kita" Lumapit si Juliana .

"Hello po Auntie, namiss ko rin po kayo!" Agad na ginawaran nito ng halik ang pisngi ng tiyahin at niyakap ito ng kahigpit.

"Hi Ella, masaya akong nakasama ka uli sa pag-uwi ni Den!" Binalingan nito si Ella.

"Hindi po ako makahindi dito sa pamangkin ninyo tita Julia." Ngumiti si Ella sabay lapit saka humalik narin sa babae.

"Sinisigurado ko sayong hindi ka magsisisi sa pagsama dito Ella. Alam kong mas mag-eenjoy ka rito." Isang ngiti ang sumilay sa labi ng babae.

"Talaga po tita?" Halata sa boses ni Ella ang labis na excitement.

"Summer na kasi, maraming activities ang nakaschedule. Isa na roon ang nalalapit na anihan ng mga manga. Alam mo kasi, isa iyon sa mga nilolook forward ng lahat rito sa hacienda. Pero tama na muna itong kwentuhan, halina  muna kayo at pumasok na." Magkapanabay na naglakad papasok sila Juliana at Ella.

"Manong, iyong mga maleta po namin pakidala nalang po sa kwarto ko." Binalingan ni Den ang driver.

"Sige po señiorita, ako na po ang bahala sa mga ito!" Magalang na wika ng driver.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now