Chapter 38

475 15 21
                                    

Hindi nagtagal at tumigil na sa paglalakad si Alyssa.

Dalawang magkakatabing puntod, bearing three different names.

Emilio Valdez.
Eliza Valdez.
Alyja Valdez.

Yeah tama po ang basa niyo. Patay narin ang nanay ni Alyssa. Ilang taon matapos pumanaw si Alyja ay nagsimulang magdeteriorate ang kalusugan ni Eliza.

Alam ni Alyssa na may kinalaman ang pagkawala ng kakambal sa dahan-dahang pagbagsak ng katawan ng ina.

Ginawa niya ang lahat para manumbalik ang dati nitong sigla ngunit sa huli wala ring nangyari.

Paano pa siya lalaban kung ang mismong ipinaglalaban niya ay matagal ng sumuko?

Walang nakitang sakit or kahit na anong karamdaman ang mga doctor kay Eliza. Ang sabi pa nga ng mga ito ay wala itong kahit na anong dinaramdam, ang kung anumang sakit na iniinda daw nito ay hindi totoo. May malaking parte ang stress at ang depression kaya ito nagkaganon. Mukhang nawalan na ito ng ganang mabuhay!

Naiintindihan naman ni Alyssa kung saan nanggaling ang kagustuhan ng inang basta nalang bumitaw. Sa dami nga naman ng pinagdaanan nito. Ngunit hindi ba at tungkol naman doon ang buhay? Hardships, struggles, losses, pain, heartaches. Sangkap ang mga iyon, kasama sa paglalakbay nimuman. Ang iba nga mas malala pa doon ang pinagdaanan ngunit hindi naman nawalan ng will and drive para mabuhay.

At iyon ang bagay na nagpasama sa loob ni Alyssa, hindi nakita ng kanyang ina na naroroon pa siya. Na may isa pa itong anak na natira. Na siya sanang rason para maisip nitong huwag basta-bastang sumuko.

Wala sa karakter ni Alyssa na pagdudahan ang pagmamahal ng ina, subalit, sa puntong iyon, nagawang sumagi sa isip niyang hindi siya mahal ng sariling ina. Naisip niyang wala siyang halaga dito, na hindi siya enough reason para patuloy itong mabuhay!

Mabigat man ang loob inalagaan parin ni Alyssa ang ina, pinaramdam niya dito kung gaano niya ito kamahal. Bago ito bawian ng buhay, humingi ito ng tawad kay Alyssa, sinabi din nitong mahal na mahal nito si Alyssa, ayaw niya itong iwan pero wala na itong magagawa, huli na ang lahat. Naging mahina ito, hinayaan nitong kainin siya ng kalungkutan, pero she made it clear that it wasn't synonymous with her not loving her daughter. Both admitted their shortcomings, at the end nagkapatawaran silang mag-ina. Ilang minuto matapos ang pag-uusap na iyon ay payapang pumanaw si Eliza.

Ang pagpanaw na iyon ni Eliza ay isang napakalaking dagok sa buhay ni Alyssa.

Noong ibinababa na ang kabaong nito para ilibing. Doon na totally naagsink-in kay Alyssa na wala na ito! Mag-isa nalang siya, ulila, walang pamilya!

Mahirap man ang pinagdaanan hindi sumuko si Alyssa, sa tulong at suporta ng mga kaibigan, ng mag-asawang Villarama pati narin ng kanyang lola Rosa ay dahan-dahang nakatayong muli ang dalaga.

Pinunasan ni Alyssa ang luhang malayang dumadaloy sa kanyang pisngi. Totoo nga talaga ang sabi ng ilan na kailanman ay hindi mapapawi ang sakit dulot ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Regarless sa taong dumaan, mananatili ang lungkot, ang pait at ang kahungkagan. Nandyan lang sils, nakakubli sa kasulok-sulukang bahagi ng puso nimuman. Sa paglipas ng mga araw, pakiramdam natin okay na, ayos na, magaan na sa loob, pero ang lahat ng iyon ay huwad.

Nagkakaroon tayo ng pakiramdam na ganoon kasi sa bawat araw na dumaan, nasasanay tayo sa sakit. Natututo tayong mabuhay kasama ang sakit, subalit hindi ibig sabihin noon ay tuluyan na iyong nawala!

Ilang minuto ang ginugol ni Alyssa para kontrolin ang emosyon, nang masiguradong maayos na siya, saka siya naupo sa damuhan. Binuksan ang dalang backpack sabay inilabas ang dalang kandila.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now