Chapter 48

536 24 9
                                    

"Magandang umago po, señiorita Dennise!" Ang pagbating iyon ng isa sa kanilang kasambahay ang kaagad na sumalubong kay Dennise ng pumasok siya ng kumedor.

"Magandang umaga din po manang. Ano pong meron for breakfast?" Ngumiti siya dito bago nagtanong about sa bestfriend.

"May nilito po akong tapa señiorita, may itlog na pula pares po ng kamatis, tsaka longganisa. May danggit din kanina kaso naubos na. Paborito kasi iyon ng Uncle Rafael ninyo! Gusto niyo po bang ipagluto kita uli ng danggit?" Muling bumaling ng tingin ang katulong sa gawi niya.

"Sige manang ipagluto mo ulit ako. Pakidamihan nalang din po, gusto rin kasi iyon ng ma'am Ella mo. Speaking of, nakita mo po ba siya manang? Nagising po akong wala na siya sa kwarto! Hindi pa iyon nakakain pero kung saan saan na nagsusuot! At, para narin sa mga bisita ni Beatriz." She's pertaining to Lexi and Alyssa as ang mga bisita ni Beatriz!

Dahil sa mga importanteng papeles na kinailangan niyang ireview ng nagdaang gabi, ay late ng nagising si Dennise. Paggising niya nga, ay hindi na niya mahagilap ang kaibigang si Ella.

"Ay, tapos na po silang kumain señiorita. Pati narin po si ma'am Ella. Kasabay nila kanina si señior Rafael." Paliwanag pa nito, habang nagsisimulang magprito ng request na danggit ng amo.

"Looks like maaga silang pumuntang manggahan!" Tumayo siya at tinungo ang ref para kumuha ng tubig.

"Si señior lang po at si ma'am Alyssa ang bumalik ng manggahan señiorita Dennise. Si ma'am Lexi po sumama kay señiorita Beatriz. Maglilibot yata sila sa kwadra. Si ma'am Ella huling kita ko kasama si señiorita Jia!"

"Looking for me besh?" Ang tinig na iyon ang nagpalingon kay Dennise!

"At saan ka naman nanggaling na babae ka aber?" She faked annoyance!

"Nagsight-seeing kasama ang pinsan mo!" Humagikhik ito saka ito naupo sa katabing silya.

"Hi ate Den, good morning. Sa kwadra kami nanggaling. While we are having breakfast kasi earlier, iyong si Beatriz ibinida kay Lexi iyong kabayo niyang si Bolt. Mukhang may interest din iyong isang iyon sa mga kabayo, kaya iyon, napasama ng walang oras sa kapatid mo!" Si Jia, kakapasok lang nito sa kumedor.

"Good morning Ji. Halika dito saluhan mo ako!" Ipinagsawalang bahala nito ang pahayag ng pinsan at sa halip ay inaya ito para saluhan siya.

Hindi naman nakatakas sa paningin ni Dennise ang kaibigang noon ay pinapapak na ang kalaluto palang na mga danggit. Lol!

Lumapit si Jia, at inukupa ang upuang nasa harapan ng kinauupuan ni Dennise.

"Sige lang kumain ka lang ate, tapos narin kasi ako. Sabay-sabay kami kanina nila Papa." Nangingiting tiningnan ni Jia ang noon nga ay kumakain na namang si Ella.

"Uhm, ang aga niyo palang nag-agahan!" Ngumiti siya, at imunpisahan nalang ang pagkain.

"Kailangan kasing maaga siyang makapunta ng manggahan ate. Alam mo na kung bakit ate! Kasama niya si ate Ly." Inabot ni Jia ang glass pitcher saka nagsalin ng tubig sa basong nakapwesto sa kanyang harapan.

"How was it na nga pala, pang ilang days na ng harvest today Ji?"

"Ay, iba rin! Deadma lang siya sa topic about Lexi pero iyong about sa manggahan naging interesado? Interesado dahil andoon si Alyssa!" Banat ni Ella. Tumaas baba pa ang kilay nito, habang pilyong nakangiti at nakatingin kay Dennise.

Pinandilatan lang ito ng mata ng inhinyero, na ikinangiti naman ni Jia.

Ngunit agad din itong sumeryoso.

"Panglimang araw na ngayon ate. After today, kailangan na talagang mameet ang quota. If they're be able to harvest enough before the day ends, then we could immediately ship it. Madaling araw mamya pwedeng pwede na lumarga ang cargo!" Hindi narin maitago ni Jia ang nararamdamang pressure!

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now