Chapter 19: Guess

Start from the beginning
                                    

They just don't seem to be the kind of crowd that keeps secrets from each other. Kung ang mga libro na gawa pa lang ni Lucienne ang pagbabasihan ay kita na iyon. I just finished reading Unstrung, and I feel like I knew things about Lia and Gun that I probably shouldn't.

"Si Thorn lang." Nginuso niya ang direksyon ng asawa na kausap si Gun sa labas ng glass house. "I don't keep secrets from him."

"Lagi na lang tayo ang napagbibintangan na tsismosa kahit na ang totoo ay ang magkakapatid na 'yan talaga ang numero uno," napapalatak na sabi ni Belaya. "They can't keep anything from each other, and they can't keep anything from us. So lahat ng nasasagap nilang tsismis sa isa't isa, nalalaman din natin." Nang parang may maisip ay pinagkrus niya ang mga braso niya. "Pero parang wala akong alam this time ah."

Itinaas ni Mireia ang kamay. "Same here." Binalingan niya si Ember. "At for sure wala ring nasagap ang isang 'to. Busy sa case niya si Trace tapos last week nagkasakit pa sila ni Lush Jr."

The woman looked at her husband tenderly. Trace is everyone's favorite to tease, but I can clearly see that he is simply her favorite person. "It's a wonder how he didn't get sick too. Kain na nga lang ata ang nagiging pahinga niya dahil abala siya sa trabaho at sa amin."

"Muntik na niyang palitan si Axel sa pagiging zombie ng Dagger," natatawang sabi ni Mireia. "Panay tuloy ang padala ni Lia ng pagkain sa opisina dahil naaawa sa isang 'yan."

As they settled on the current topic, I felt Domino step closer to me. Bahagya siyang yumuko para bumulong sa akin. "Do you want me to move them to the dining area? They might disturb you."

I was in the middle of dancing when his family arrived. I thought I still had a few hours since they would be arriving before dinner. Iyon nga lang ay alas kuwatro pa lang ng hapon ay dumating na sila.

Domino said they usually have dinner together at least two times a month. Everyone was supposed to be here today. Tanging sila Luna na lang ang wala pa dahil manggagaling pa sila sa Manila ng asawa niya.

Kadalasan daw ay sa bahay nila Lia ginaganap ang dinner nila pero dahil sa sitwasyon ko ay nag-decide sila na pumunta na lang dito. Curious din kasi ang iba pang mga kapatid ni Domino na makita ang property niya.

"It's okay. They're not a bother," I told him.

"Are you sure? They could be loud."

"I don't mind that they're here." Nilingon ko ang pamilya niya. I immediately looked away when I saw that they were all looking at us. Hindi ko alam kung mahihiya o matatawa na lang ako sa kanila. They are not even trying to hide their curiosity. "They are all happy, loud people, and there's nothing wrong with that."

Domino's eyes searched my face as if he's trying to see if I'm lying. Pagkaraan ay umangat ang sulok ng mga labi niya. "I like it when you're happy too." He leaned down so that he could whisper in my ear. "And loud."

Hindi na ako magtataka kung tinalo ko pa ang kulay ng mansanas sa mga sandaling iyon. My eyes narrowed into a slit, but he just grinned at me before he stepped away so that he could join his brothers.

Shaking my head, I whispered to myself, "Vіn menі nadastʹ sercevoho napadu odnoho z tsykh dniv." He will give me a heart attack one of these days.

Nahugot pabalik ang atensyon ko sa mga babae nang bigla na lang pumito si Mireia. Hindi ko na alam kung saan na naman napunta ang usapan nila. Iyon kasi ang isa sa mga napansin ko sa kanila. You need to focus when you're with them because they easily go from topic to topic without a break.

"Lumayo na naman ang usapan natin mga ka-munchkin." Kinindatan ako ng babae. "Kasama ka na rin."

"Munchkin?" I asked.

Dagger Series #7: UnbalancedWhere stories live. Discover now