Habang nakaupo ako sa loob ng kotse, natanawan ko si reese na nagmamadali sa paglalakad mag-isa. Nagtataka ako kung bakit mag-isa na lamang ito gayong kasama lamang niya si winter kanina.

Iniwan lang ba niya ito sa itaas?

Hindi ba niya nagustuhan ang nalamang balita na buntis si winter at siya ang ama?

Natawa ako bago lumabas ng kotse, ang malas lang dahil hindi ko na ito naabutan kung saan mabilis na nitong pinaharurot ang kotse ng makasakay ito doon.

Napapabuga ako ng hangin bago mapahilamos sa mukha.

"Gag* 'yon ah." i whispered while im frowning,

Dahil alam ko'ng naroon pa si winter sa itaas, bumalik na ako sa loob upang puntahan siya. Ngunit bago ako makapasok ng elevator, nakita ko na itong pababa ng hagdan habang hawak ang bag niya.


Dahil nakita niya ako, huminto siya dahilan upang lapitan ko ito. Kunot ang aking noo bago tingnan ang itaas ng hagdan.

"Did you take this way?" nakatingin lang siya sakin na para ba'ng normal lang. Walang reaksyon o ni anong bakas na emosyon. "Bakit naghandan ka? Paano kung mahilo ka diyan?"

"Hindi naman ako nahilo, nakababa naman ako ng maayos hindi ba?"

Natawa ako sabay iwas ng tingin, sarkasmo pa rin talaga siya hangga ngayon.

"Iba na kasi ngayon, hindi ka dapat dumaan diyan lalo na't bu--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bumaba na ang tingin ko sa kanyang tiyan. Hindi naman na iyon halata dahil siguro nasa isang buwan pa.

Pero grabe, hindi ako makapaniwala.

"Dahil buntis ka..." i added before look at her eyes.

Kita ko kung paano siya naguluhan sa sinabi ko ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. I sighed before bite my lower lip, ano pa ba ang magagawa ko kung buntis na nga siya.

"Mukhang hindi naging maganda ang pag-uusap ninyo ni reese."

Iyon ang sinabi ko bago siya mag-iwas ng tingin. "Ano naman ngayon sayo kung hindi naging maganda?" tumaas ang kilay ko, nagsusungit siya? Ang pagkaka-alam ko sa mga buntis ay masusungit talaga. At eto siya ngayon ay ginagawa ang pagsusuplada sakin.

Tsk.


"Bakit hindi ka man lang niya hinintay? Hinatid ka man lang sana niya."

"May trabaho pa ako kaya hindi pa oras ng uwian, gusto ko lang kumain.."

"May gusto ka ba'ng kainin?" i asked her because i have an idea what pregnants need. May pinaglilihian silang pagkain dahil nga sa pagbubuntis nila. Iyon noon ang nangyari kay shaira, ang asawa ni jacob.

"Huwag mo ng itanong kung anong gusto ko, atsaka pa. Bakit ba tanong ka ng tanong? Baka iba ang isipin ng mga taong nakakakita satin ngayon."

Umismid ako, iniisip pa ba niya iyon? Pakialam ko sa mga taong nakakakita samin ngayon. Gusto ko lang naman mapabuti siya, lalo na't walang pakialam sa kanya ang m*kong na lalakeng 'yon.

"Sasamahan na kitang kumain, i will treat you lunch today."

"Tsk, ang tigas ng ulo mo. Ayokong may malaman ang nanay mo dito, ayoko rin makita niyang magkasama o magka-usap tayo. Malapit ka ng ikasal."

"So what?" nangunot ang noo niya sa sinabi ko. "I just want to treat you, may problema ba 'don?" natawa siya ng mapait bago mag-iwas ng tingin. Nailing din siya bago ako tuluyang lagpasan at wala talagang planong sumabay sa akin.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now