Prologue

65 6 9
                                    

POSESSION SERIES 1
Under the CEO'S Posession

All rights reserved©2023
Plagiarism is a crime punishable by the law.

DISCLAIMER;

Names, characters, place and events are the product of author's imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, or even an actual event is purely coincidental.

Beware of grammatical error and misspelled words.

- neru🌿

_______________________________________________

Under the CEO's Possession
Prologue

[Third Person Point of View]

Nakangiting nakatitig ang babaeng si Alisha sa mga batang naglalaro sa parke. Matagal na niyang ginusto ang magkaroon ng anak pero tila parang wala atang plano ang asawa niyang magkaanak.

"Hindi mo ba talaga iiwanan ang lalakeng 'yun?" Napatingin na lamang siya sa kaibigan niyang si Nola "no, mahal na mahal ko kaya siya."

"Iyan na naman tayo eh! Tapos kapag sinaktan ka ay tatakbo ka sa akin? For God's sake Ali, buksan mo nga 'yang mga mata mo?!" Galit na sigaw ng kaibigan niya.

Gusto ng isipan ni Alisha na iwan ang asawa niya pero ayaw ding magpatinag ng puso't damdamin niya.

"Ito? Tignan mo nga 'tong ginawa niya sayo!" Mahinang napadaing si Alisha dahil sa paghila ng kaibigan nito sa kaniyang brasong may pasa "dahan-dahan lang kasi!"

"Nako Alisha! Tigil-tigilan mo na ako, maawa ka naman sa sarili mo! You're clearly been manipulated by your husband!"

Napabuntong hininga na lamang si Alisha at nakitang papalapit sa pwesto nila ang kaniyang inaanak.

"Nag-aaway po ba kayo ni tita, mommy?" Tanong ng batang babae kay Nola "hindi anak, pinagsabihan ko lang 'tong ninang mo na 'wag magpakatanga sa pag-ib-" Tinabig ni Alisha kamay ng kaibigan dahil sa masasamang salitang ginamit niya sa harap ng bata.

"Siya, mauna na kami dahil magbabantay pa ako sa bahay lalo na't nasa Davao si byenan," sambit ni Nola.

"Mag-babye kana kay ninang," dagdag pa nito.
"B-Bye ninang!"

Napangiti ng wala sa oras si Alisha nang pagmasdan ang mag-inang unti-unti nang nawawala sa paningin niya. Napatayo na lamang siya at kailangan niya na rin kasing umuwi sa bahay dahil paniguradong malalagot na naman siya ng asawa niya kapag nadatnan nitong wala pa siya sa bahay nila.

Gumapang ang kaba at takot sa buong katawan ni Alisha nang makita ang sapatos ng asawa sa labas ng bahay nila. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob nagbabakasakaling hindi ito gagawa ng ingay. Pero pagbukas niya pa lang ay nan do'n na ang asawa niyang nakatayo sa harapan habang nakakrus ang dalawang braso nito sa kaniyang dibdib.

"Saan ka galing?"

"I-Inanyayahan lang ako n-ni Nola," sagot naman ni Alisha at hindi man lang makatingin ng diretso sa asawa niya.

"Lutoan mo ako ng makakain," utos naman nito tsaka umalis sa harapan ng babae.

Halos mapaupo na sa sahig si Alisha dahil sa kaba at takot na dulot ng asawa niya.

Nang maayos na ang karamdaman niya ay nagtungo na siya sa kusina upang gumawa ng snacks. Pagkatapos ay hinatid niya ito sa kwarto ng asawa niya. Pero nadatnan niya lamang itong nakatulog sa kama habang nasa kamay nito ang cellphone.

Possession Series 1: Under The CEOs PosessionМесто, где живут истории. Откройте их для себя