31

105 2 0
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

____

"Shit!" napa-tingin ako kay Volt ng bigla itong tumayo.

Apat na araw akong narito sa kanyang condo para magpa-galing. Nangako s'ya saakin na hindi n'ya ako ibibigay kay Giovanni kaya pumayag ako na rito magpa-galing.

"Anong nangyare?" tumingin ito saakin na habang may takot sa mata.

"Si Miracle hawak ng tito mo. Kasalukuyan kasing nasa mahimbing na pag-tulog si Dos, si Doc. Jian ang bantay ni Miracle at sa kasamaang palad ay napasok ang mansion ni Dos." kumunot ang noo ko pero hindi kona nagawang mag-tanong ng mabilis itong tumayo at kinuha ang susi ng kanynag sasakyan. Aalis s'ya?

Miracle? S'ya yung bata sa may hospital ni Dos. Hindi ko alam pero kinain ako ng kaba dahil sa aking naisip. May sakit ang bata at inosente, bakit nila dinamay ang batang inosente kung saakin lang naman sila galit.  

Kahit may sakit parin akong nararamdaman sa aking katawan ay tumayo ako at kinuha ang cellphone na binigay saakin ni Volt.

"Who's this?"

"I need your help, Saturina."

"Tulipian Vegas?" 

"Yes it's me. I need your help.
Hidden sniper ka alam ko.
 I need your help para
maligtas ang  ni Dos." 

"You're better than me, Tulipian.
Hindi mo ako dapat ako
hinihingian ng tulog when it
comes to that thing."

"But I need you..."

Matagal bago sumagot si Saturina sa kabilang linya. Matagal ng wala ang organization ni King at matagal naring wala ang isa saamin.

"Fine. Send me the address,
but dont expect na makikita mo ako.
I ask my help for being an sniper,
hindi bilang katulong mong
makipag-laban sa loob."

"Thanks."

Binaba kona ang tawag saka nag type ng address kung saan possible nilang dinala si miracle. Kung hindi maliligtas ni Dos si Miracle, ako ang magli-ligtas sa anak n'ya. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng anak at ayokong maramdaman iyon ni Dos lalo na't wala pa s'yang alam tungkol sa anak namin na si Gabriella.

Lumabas ako na condo ni Volt pero hindi ko inaasahan ang sasalubong saakin. Naka-ngisi ito at tila magaling na mula sa mga natamo n'ya saakin.

" Akala mo ba mapapatay mo ako ng ganun kadali, p'wes nagkaka-mali ka.Mas una kang mamatay kesa saakin." ngumisi ito at mabilis akong sinipa.

"Kung hindi ko pa pinilit paaminin si Volt, hindi kopa malalaman na ginawa na s'yang kanang kamay ni Dos. Putanginang mga taksil. Masyadong uto-uto, akala ba n'ya kapag umamin s'ya patatakasin ko ang bata? Bobo, kung wala nga lang akong mapapala sa bata na 'yon, baka mas pinadali ko ang pagki-kita nila ni San Pedro." tumawa pa ito.

Bumibigat ang aking bawat pag-hinga dahil sa mga sinasabi ni Luna. Isang inosenteng bata ang idadamay n'ya dahil lang sa kagustuhan n'ya. Kuyom angh aking kamao habang nasa sahig parin ako dahil sa pag-sipa saakin ni Luna.

"Ano ba talaga ang gusrto mo, Luna. Ako, kami ng pamilya ko ang kaaway n'yo, bakit kailangang umabot sa ganito? Bakit kahit inosenteng tao ay dinadamay n'yo?" pilit kong ikalma ang sarili ko kahit galit na galit na ako.

 Gusto kong lumaban pero natatakot ako na isang maling kilos ko ay may madamay. Alam kong hindi lang si Luna ang narito, hindi s'ya pupunta rito ng mag-isa para lang sabihin ang lahat ng ito.

"Alam mong hindi na 'to lahat tungkol sa trono, tungkol narin ito sa inyong dalawa ni Dos. Ako dapat ang mahal n'ya kung hindi ka n'ya nakilala." ginalaw n'ya ang kanyang ulo na tila pa inis na inis.

"Kasalanan mo rin naman. Iniwan mo s'ya diba, pinag-palit mopa at nagpa-buntis kapa sa iba. Kasalanan mo kung bakit hindi sayo bumalik si Dos. Isa kang walang kwentang babae dahil pinatay mo ang anak mo!" sigaw ko sa kanya dahilana para makatanggap ako ng sampal. 

Hindi ko ininda ang sakit sa halip ay tinulak ko s'ya at mabilis akong tumakbo palabas ng condo ni Volt. Tangina, paano nakapasok si Luna sa condo na ito ng hindi man lang hinahanapan ng kahit na ano.

"Mischa!" mabilis akong tumakbo  dahil sa laks ng sigaw ni Luna. 

"Tulipian?" hindi ko pinansin ang tumawag saakin sa halip ay lumbas ako ng building at pumara ng taxi.

Binigay ko ang adress sa driver at pinabilisan ko ang takbo ng sasakyan, wala naman akong napansin na naka-suno0d pero ibga ang kutob ko. Hindi lang ang daan na ito ang pwedeng daanan papunta sa lumang building kung nasaan si Volt at Miracle.

"Ma'am, ayos lang po ba kayo?" tumingin ako sa driver at tumango. 

Huminto ang taxi sa may dulo ng building, hindi nito pinasok ang sasakyan dahil isang pribadong lugar daw ito. Binigay ko ang limang libo at iniwan ang driver. Mabilis ang aking hakbang papasok sa building.

Laser na pula ang aking nakita, hudyat iyan mula kay Saturina. Matagal ko s'yang nakasam bilang sniper kaya ang mga ganyang galawan ay kabisado, kaya sigurado ako na si Saturina iyon.

Tumakbo ako paakyat sa hagdan dahil wala akong makitang elevator sa building na ito. Hindi ko alam kung ano ang hihinatnan ng gagawin ko, pero isa lang ang pinapangako ko, hindi ako papayag na mawala si Miracle at Volt. Hindi ako papayag na matatapos ang gabi na ito ng walang saysay. 

Kung makakapatay ako ay gagawin ko huwag lang madamay ang mahal ni Dos. Galit ako sa kanya dahil mas pinili n'yang umalis kesa tulungan ako noong araw na kinuha ang anak namin, pero hindi ibig sabihin ay hahayaan kolang na may madamay na inosente dahil saamin.

"Giovanni!" malaks na sigaw ko dahil nasa ika-limang palapag na ako ngunit wala parin akong marinig na kahitr na anong kaluskos mula sa mga tao.

umakyat muli ako at isang galabog mula sa aking likuran ang aking narinig dahilan para mapa-hinto ako sa aking pag-akyat.

"Hindi mo naman sinasabi saamin na kailangan mo pala ng tulong, Tulipian." nagulat ako sa aking narinig kaya nilingon ko ito at nakita ko si Third, Sais, Neptune at Jacob na may hawak ng kanya-kanyang baril.

"Anong ginawa n'yo rito?"

"Sinundan kita, ako ang tumawag sayo sa condo pero hindi mo ako pinansin. Hawak nila Uno si Luna kaya walang naka-sunod sayo." tumango lang ako at mukling umakyat ng hagdan.

Natulos ako ng humakbang ako dahil sa aking nakita. Naka-tayo si Giovanni sa dulo ng hagdan habang hawak si Mircale na umiiyak dahil sa baril nitong naka-tutuk sa kanya.

"M-Miracle?"

"M-mama k-ko..."

_strwbrgirl

Rivera Series2 : Bad Encounter Where stories live. Discover now