13

101 4 0
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

_____

"Your son is adorable, Neptune." naka-ngiting wika ni Dos habang nakikipag-laro parin kay Raphael.

"But he's n—"

"Lunch is ready." pag-putol ko sa sasabihin nito.

Tumakbo si Rapha sa dinning chair at iniwan ang kanyang laruan na nasa carpet. Sumunod si Dos at tumabi sa upuan ni Raphael.

Nilapag ko ang dala kong umalam, tumingin ako kay Neptune at mukhang napag-tanto naman nito ang aking nais ipahayag kaya tumango ito at tumungo sa kusina para kuhanin ang pagkain na akin pang niluto.

Ako ang nag lead ng prayer dahil sanay si Raphael na nagdarasal bago kumain. Sinanduka ko nag anak ko ng kanin saka kk s'ya nilagyan ng adobo sa plato pero ginilid n'ya iyon.

"Can I have veggies po, Tita?" mana saakin ang anak ko na hindi mahilig sa mga meat foods, tanging vegetables lang ang inuulam n'ya.

"Sure"

"Sure"

Tumikhim ako at tumingin kay Neptune saka ko nilagyan ang plato ni Raphael ng mga gulay. Saglit akong tumingin kay Dos na seryosong naka-tingin din sa'kin, tinaasan ko s'ya ng kilay pero umiling lang ito saka kumuha ng adobong manok.

Natapos ang aming lunch saka niliguan at pinatulog muna ni Neptune si Raphael. Niyaya ko si Dos sa kwarto ko para kahit papaano ay makapag-pahinga muna ito. Kita parin ang iilang pasa at sugat sa kanyang gwapong mukha.

"Stop staring, I know na nabawasan ang kagwapuhan ko." tila may pang-hihinayang sa boses nito.

Grabe namna kasi talaga ang bugbog na binigay sa kanya sa underground ni Calvante. Mayayari talaga saakin ang lalaking 'yon. Ang lakas ng tama sa utak ihh.

Mihina akong natawa saka ko s'ya nilapitan at hinaplos ang mga pilat. His face is perfect even he had a bruises.

"Gwapo ka parin. " ngumiti ako sa kanya saka ko s'ya binigyan ng halik sa pisnge.

Para na naman kaming bumalik sa dati. Hindi ko naiwasang maisip si Luna. Sila parin ba ni Dos, pero bakit ginugulo parin ako ni Dos.

"Mukhang malalim ang iniisip mo." bumuntong hininga ako saka ibinaba ang aking kamay na naka-haplos sa kanyang pisnge.

"Kayo parin ba ni Luna? " shit naman ang tapang ko para itanong sa kanya 'yon ng hindi nabubulol.

"Y-yeah." kinagat ko loob ng aking pisnge para pigilan ang aking emosyon. I knew it.

"Bakit ginugulo mo parin ako, Why do you keep messing with my life, Dos? Kung si Luna ang mahal mo, dapat sakanya ang focus mo. Kagaya ng sinabi mo dati, ayaw mong lokohin si Luna kaya gusto mong tapusin ang ugnayan mo saakin, pero bakit nandito ka, para ba gawin akong panpalipas oras ulit dahil wala kayong komunikasyon na dalawa dagil busy na naman si Luna? Mas mabuting lumayl kana lang saakin, habang nasa tabi kita mas nagiging magulo at komplikado ang buhay ko. Ayokong umasa sa nararamdaman ko, Dos hindi bato para maging manhid at hindi masaktan. I'm too soft for your games." nanliliit ako kapag nagiging topic namin si Luna.

Masakit sa heart kapag s'ya ang reason ng sakit. Bumalik ako para sa kanya, naging tanga ako at sumugal ng walang kasiguraduhan sa kanya.

Nahal ko parin s'ya pero unti-unting nawawala ang pagmamahal ko sa kanya habang patuloy n'ya akong sinasaktan. Sumugal ako dahil gusto kong maalala n'ya ako at magkaroon ng rason para mabuo ang pamilyang gusto ko para sa anak ko.

"I'm still in relationship with Luna, but I realized that I want to be with you instead. Mababaliw ako, Tulipian, kapag wala ka sa tabi ko. Nakaya ko noon pero hindi ko alan kung kakayanin kopa ngayon." tumingin ako sa kanyang mga mata, walang kahit na anong emosyon akong nakikita sa kanyang mga mata.

"Break up with her."

                                           *****

Lumipas ang mga araw pero hindi ko parin gaanong kinikibo si Dos. Ang atensyon ko ay nakay Raphael lang. Bumalik sa Manila si Neptune dahil pinapunta ito ni Calvante. I smell something about them pero hinahayaan kolang.

"Can I call you Mama napo, wala naman napo makaka-rinig." tumango ako sa anak ko kaya ko s'ya inupo sa lap ko.

Simula ng mag-usap kami ni Dos ay hindi na ako natulog sa kwarto ko, sa halip sa kwarto ako ni Raphael natulog at si Neptune naman ay sa underground ng bahay ko namamalagi.

" I'm your Mama kaya hindi mona dapat itanong iyan, Anak." tumango naman ito saka kinuha ang aking kamay at nikaro ang aking mga daliri.

"Mama, I know na s'ya po ang papa ko." mahinang aniya nito pero rinig na rinig iyon ng tenga ko.

"If you already know bakit nagkukunwari ka na parang hindi mo s'ya kilala, Baby?"

"Alam kopo na need i-secret kaya po hindi kopo sinasabi na papa ko s'ya. Alam kopo na nasaktan ka n'ya, Mama. Hindi ka naman po mag sesecret kay Papa about saakin without reason. I love you palagi Mama kaya mag we-wait po ako hanggang maging ready po ikaw na ipakilala ako kay Papa." yumakap saakin si Raphael saka hinalikan ang aking pisnge.

Pinatulog kona ang anak ko matapos ko s'yang turaan ng kanyang mga aralin. I love my Son so much. He understands me kahit bata pa ito. I'm thankful dahil kahit wala ako sa tabi n'ya minsan ay na a-adopt oarin n'ya ang turo ni Mama Jenna sa kanya.

"Tulipian..." tumingin ako sa aking likuran at nakita kong naka-tayo si Dos sa hamba ng hagdan.

Tinaasan ko s'ya ng kilay habang seryoso parin ang aking awra.

"Can we talk?"

"Mahala ba ang sasabihin mo, kasi kung hindi baka pwedeng sa susunod nalang." I know na mataray ang tono ng boses ko, pero mas ayos na 'yon kesa naman mag kunware ako na maayos kami kahit ang totoo ay hindi.

Tama ang naging desisyon kong i-open ang tungkol kay Luna oara hanggat maaga pa ay mag-kaunawaan kaming dalawa. Sa totoo lang ayaw kong narito s' ya sa bahay ko lalo na't may ugnayan parin s'ya kay Luna. Kahit saan tignan ay maling narito s'ya habang sila parin ni Luna.

"Sabihin mona kung anong sasabihin mo dahil sayang ang oras." sumandala ko sa pader at hinihintay ang sasabohin n'ya.

"I want to say na... handa akong iwan na si Luna para sayo. I want you back to me. Mahal kita, Tulipian at hindi ako nag-bibiro. I want you since I saw you with your friends. I don't know pero you caught my attention, I felt like your mine. Hindi ko alam pero nababaliw ako sayo. I admit na pinalayo kkta, akala ko kasi 'yon ang sagot para maging maayos ang relasyong meeon kami ni Luna but I'm wrong, nasaktan ako sa desisyong pinili ko. Niloloko ko ang sarili ko kung ipipilit kong si Luna parin kahit alam kong ikaw naman na ang tinitibok nito. "dinuro oa nigo ang kanyang dibdib.

Tatlong beses akong lumunok at ina-absorb ang sinabi n'ya. Hindi ko alam kung tuwa o takot ang mararamdaman ko. Tuwa dahil mahal n'ya, takot dahil baka mali na naman na sumugal ako.

What if mahal n'ya ako kasi naguguluhan lang s'ya.

"Hindi kita mahal, Tulipian, kasi mahal na mahal kita."

_strwbrgirl

Feeling ko bumabanat si Dos sa last part sa chapter na 'to. 🤭

Rivera Series2 : Bad Encounter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon