27

83 2 0
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

______

"Asan si Lucio?" tanong ko kay Jacob ng makapasok ako sa loob ng mansion.

"Ako ba hindi mo tatanungin bakit ako nandito?" tumingin ako sa kanya na nagta-taka.

"Bakit nga ba?"

"Saan kaba galing at huli ka na naman sa balita, Mischa. Your Papa isn't in good condition, pinasok ng mga Scorpio ang palasyo at muntik ng mapa-hamak ang Hari at si Raphael, wala ka talagang alam? Si Lucio galit na galit dahil imbis na ang Hari ang mapa-hamak sumuko si Neptune, si Neptune ang dala-dala ng Scorpio laban sayo." mabilis akong tumayo at kinuha ang aking cellphone pero tumingin ako muli kay Jacob.

" Asan ang anak ko, Jacob?" tumungo ito kaya naman ang buong katawan ko ay nanlalamig.

" J-jacob?" nangiginig ako sa bawat hakbang ko.

Mali... mali ang iniisip ko.

" Sorry, hindi ko mahamap si Neptune at Raphael kaya pinuntahan kita rito sa Pilipinas." pumatak ang luha ko at napasabunot sa aking buhok.

"Y-yung anak ko... Ahhhhh!"

Niyakap ako ni Jacob pero tinulak ko s'ya at tumayo ako. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko. Hindi kona pwedeng pairalin ang pride ko, kailangan ko si Dos, sila ang makaka-tulong saakin.

Alam kong kikilos din si Lucio pero kailangan korin na  kumilos, hindi ako pwedeng mag-hintay lang ng gagawin, kailangan ako ng anak ko.

Umiiyak na 'yon. Malamang hinahanap na ako noon.

"Please... Don't hurt my son." mahinang maka-awa ko habang nagma-maneho ako.

Kasabay ng luho ko ay ang pag-tulo ng ulan pero hindi iyon naging alintana saakin para huminto, paruloy akong nag-maneho papubta sa condo ni Dos, alam kong naka-uwi na s'ya galing sa family dinner.

" Lord, please help my son. Lord, palakasin mo ang anak ko, huwag n'yo pong hahayaan na saktan s'ya ng mga masasamang tao. I'm begging you, Lord. Hindi ko kakayanin kapag nawala pati si Raphael."

Huminto ako sa condo ni Dos. Hindi ko piannsin ang tawag ng guard mabilis akong tumakbo pero naka-salubong ko si Dos na habol ang hininga.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at hinawakan s'ya sa braso.

" Do—"

"Not now, Tulipian. May kailang akong puntahan." putol nito sa aking sasabin at mabilis nitong tinaggal ang hawak ko sa braso n'ya at iniwan ako na parang wala lang.

Napa-iyak nalamg ako at walang nagawa kundi ang lumabas sa building. Kung kailan kailangan ka namin nng anak mo saka naman ganito.

Tumunog ang phone ko at tila nanghihina na ako.

From: 09135*****0
Time is running. Hindi isa hindi dalawa, tatlo sila.

Napa-hilamos ako sa aking mukha saka sinubkang tawagan ang number.

"Please sagutin mo kung sino ka mang demonyo ka." kahit nanginginig ay sinusubukan ko oarin at nababaka-sakaling sagutin.

"Nasaan ang anak ko! Hayop ka, pati ang anak ko dinamay mo! Sino ka ba."


"Like what I said, Princess Mischa, time is running. Ikaw lang naman talaga ang gusto ko, balita ko sayo ipapasa ng magaling mong ama ang korona. Ikaw kapalit ng tatlong hawka ko. I'll give you one hour only, kapag wala ka, mawawala rin sila."

Narinig ko ang tawa sa kabilang linya bago ito mamatay.

Hindi naging alintana ang ulan para hindi ko hanapin ang lugar na sinend nila. Sinuban kong huwag umiyak kahit natatakot na ako. Si Mama hawak nila, paniguradong sinaktan nila si Mama. Si Neptune paniguradong sasaktan din nila... Ang anak ko.

"Tangina n'yo!" sigaw ko.

Tumunog ang cellphone ko pero hindi ko sinagot dhail magiging abala at distraction iyon saakin habang nagma-madali ako.

Bumaba ako sa sakayan na walang dala kahit ano. Isa akong sniper pero  hindi ibig sabihin ay hinfi ako marunong ng combat. Kahit dehafo ako ay tumuloy ako.

Isang lumang lugar sa liblib na lugar ang aking naabutan, wala kahit na anong bahay bukod sa lumang building na aking tinatahak.

"Mama..." napa-hinto ako sa boses na aking narinig.

"Raphael.... Anak! Anak, nasaan ka! Anak!" sigaw ko, pinalibot ko ang aking tingin pero  hindi ko makita ang aking anak.

"M-mama, don't come near me. M-mama save yo—ouch!"

"Anak! Hayop kayo! Nasaan amg anak ko. Ako ang kailangan n'yo, please paka-walan n'yo na sila. Andito na ako." umiiyak na ako dahil naramdaman ko ang sakit sa boses ng anak.

He's eight for Gods sake. Bata pa ang anak ko para masaktan.

"M-Mama... s-save yourself." umiling ako hanggang sa hunarap ako sa aking likuran at nakita ko ang aking anak na naka-gapos at umiiyak.

He is brave but not in this situation. My son.

Humakbang ako pero nagulat ako ng may biglang humigaw. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang isang guard sa aming palasyo. Napa-tingin ako sa aking tinapakan at nakita ko ang isang kulay pulang ilaw kaya napa-atras ako. Isang kutsilyo amg naka-tusok sa dibdib ng lalaki.

"Oppss.. Nakalimutan kong sabihin, isang maling hakbang isa sa kanila ang babawian ng buhay." tumingin ako sa aking likuran at nakita ko ang isang lalaki.

"Duke Giovanni Kryzhanovskaia..." mahinang tawag ko.

"The one and only." naka-ngising aniya nito.

Naikwento ni pala na matagal na simula ng umalis  sa palasyo ang kapatid n'ya ngunit kilala namin s'ya bilang Giovanni. Si Papa na ang hari noong panahon na iyon, si lolo ang nag-iisang kinikilalang magaling na emperor ngunit maaga itong binawian ng buhay at si Papa naman ang punalit bilang hari. Mas ginusto lang ni Papa na tawagin s'yang prince at princess naman kay Mama dahil iyon ang naka-sanayan n'ya ngunit naipasa sa kanya ni Lolo ang korona kaya laking gulat ni Papa ng maging isa s'yang hari. Saksi ang lahat sa palasyo sa galit ng Duke ng si Papa ang mapili ni Lolo na mag-mana ng kaharian ng mamatay, pinili ng Grand Duke at kanyang asawa na umalis sa aming bansa. Hindi ko alam na andito sila sa Pilipinas at may ibang pangalan. Sila ang Scorpio na sinabi ni Papa.

"Ako dapat ang hari at si Luna ang prinsesa ngunit sinira n'yong lahat ng iyon. Akin dapat si Mikah pero inunahan ako ng ama mo. Sinira n'yong lahat ang plano ko." sigaw n'ya saakin.

"Ako. Ako ang pumatay sa Emperor dahil akala ko ako maluluklok, ako dapat ang kokoronahan dahil ako ang panganay, pero nasira 'yon dahil sa ama mo." hindi ako maka-paniwala. Ganoon ba talaga ang nagagawa sa kanya ng  kapangyarihan sa palasyo. Pinatay n'ya ang sarili n'yang ama, pinatay n'ya ang may pinaka-mataas na katungkulan sa palasyo. Nabulag s'ya sa korona.

"Hayop ka! Mamatay kana!" sigaw ko sa kanya akmang lalapit ako ng hawakan ako sa kamay ng dalawang lalaki.

"Babae kalang, Polina, hindi mo kaya ang kagaya ko lalo na't nasa teritoryo kita." tumawa ito habang ako naman ay pumipiglas.

"Ako kapalit milang lahat, gusto mong makuha ang palasyo, palayain mo sila at ako mismo ang pipirma kung para maging walang kwenta kanang hari." tumango ito kaya naman may pinindot ang mga tauhan at n'ya kasabay ng paggtakbo ng anak ko palapit saakin.

"Bitawan n'yo ang Mama ko!" punalag ako at sinuntok ang lalaki kaya wala silang nagawa ng maka-wala ako.

"Anak, sumama ka kay Tita Neptune." bulong ko sa kanya habang naka-yakap ako sa kanya. Umiiyak ito at mahigpit ang yakap saakin.

"What a beautiful seen. Nakaka-touch." punalakpak pa si Giovanni kaya naman hinalikan ko si Raphael at tumingin kay Neptune na hawak na si Mama. Tumango lang ito kahit bugbog na ilang parte ng kanyang mukha ay mukha paring malakas.

"I know what I need to do." she mouthed kaya tumango lang ako.

Walang makakalabas sa lugar na 'to hanggat buhay ako.

Isang malaking kasilawan talaga ang kaharian pag-dating sa mga taong hayok sa kapangyarihan.

_strwbrgirl

Rivera Series2 : Bad Encounter Where stories live. Discover now