20

96 3 2
                                    

Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!

_____

Kakatapos lang ng mission namin, patay ang grupo ni King. Wala akong balita kay Tulipian dahil ilang linggo rin ako nawalan ng oras sa kanya dahil sa mission.

Maayos namin natapos ang mission pero hindi namin inaasahan ang balitang natanggap namin. Kasama si Hyacinth sa pag-sabog ng isang underground.

"Dude, tama na ang alak." pigil ko sa kapatid ko pero ayaw nito paawat.

Hindi korin mapuntahan si Tulipian dahil natatakot akong iwan ang kapatid ko. Hindi ko alam kung anong relasyon n'ya kay Hyacinth para maging ganito ang epekto sa kanya ng pagka-wala niyo.

"Sabi ko ako ang poprotekta sa kanya, pero wala ako. I-iniwan na n'ya ako. Bago s'ya umalis nangako ako na handa na akong ipaalam sa mundo na s'ya ang babaeng mahal ko, pero iniwan n'ya ako. Paano kopa tutuparin lahat ng pangako ko sa kanya." umiiyak ito at hinagis ang bote.

Halos tatlong araw ng naka-kulong si Sais, hindi ako sanay dahil sa aming anim ay kay Sais talaga ako malapit. Malamig, walang pake sa paligid at ruthless kung titignan si Sais pero s'ya lang sa kayang umunawa sa nararamdaman ko.

"Iwan mona ako Dos. May sarali kang problema, mas mabuting unahin mo'yon kesa saakin. Kaya ko ang sarili ko." bumuntong hininga ako.

Lumabas ako sa condo n'ya at nag-tungo sa condo ko na katabi lang ng kanya. Wala akong pag-pipilian kundi ang kunin ang gamot na tinatago ko. Isang gamot lang ito na ginawa ko. Para saakin sana ang gamot na ito, makakatulong ito upang makalimot at balak ko sna itong ihalo sa antidote na ginagawa ko para bumalik ang alaala kong nawala.

Bumuntong hininga ako dahil wala akong pamimilian, kahit alam kong kailangan ko ito para sa aking formula at kinuha ko saka ako bumalik sa condo ni Sais.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at tinunaw ang gamot doon. Bumalik ako sa kwarto at pinainom iyon kay Sais.

"Drink this, it can help you para mahimasmasan ka." nag-angat ito ng kanyang ulo.

Mapula ang mata nito dahil sa kakaiyak. Walang salitang nilabas at kinuha ang baso ng tubig na may gamot saka iyon ininom.

Lumipas ang sampung minuto at naka-tulog ito dala ng gamot. Binuhat ko ito pahiga sa kanyang kama saka ko nilinis ang mga basang na bote sa loob ng kanyang kwarto. Tinago ko sa drawer sa ilalim ng kanyang kama ang ilang mga larawan ni Hya.

"Sup Dos. Anong kailangan mo sa poging kagaya ko?"

"Bantayan mo muna si Sais. Aalis ako."

"Okie dokie." binaba ko ang tawag saka lumapit kay Sais at kinumutan ito.

Masakit para saakin na nagkaka-ganto ang kapatid ko. Masakit para saakin kapag nakikita kong umiiyak ang isa sa kanila. Maski si Uno na may kinakaharap na problema ay sinusubukan kong i-comfort dahil ayokong makita na umiiyak ang isa sa kanila.

"Gora na, ako na ang bahala sa bunso ng Rivera." tumango nalang ako saka ngumiti kay Third.

Lumabas ako ng condo ni Sais at tumungo na sa parking lot. Pinaandar ko ang sasakyan ko habang sinusubukang contact-in si Tulipian. Napailing nalang ako ng ilang bese na mag out of reach.

"Bud, wapang piloto ngayon, hindi ako pwede kasi ako may flight ako today papubtang spain." tumango nalang ako kay Fifth.

"Peram ako ng helicopter mo, ako nala na ang bahalang magpa-lipad." tinapik ko ito sa balikat ng tumango.

Habang nasa-himpapawid ako ay sinusubukan kong tanggalin ang kaba na nararamdamna ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang bigat ng dinadala ko, siguro dahil sa mga nangyayare sa mga kapatid ko.

Sa rooftop ng restaurant ni Fourth ko binaba ang helicpter ko. Pagka-baba ko ay may ilang mga waiter ang bumabati saakin na sinasagot kolang ng tango. Dumeretsyo ako sa parking lot para gamitin ang sasakyan kong naiwan ko rito.

Isang buntong hininga ang pibakawalan ko ng makababa ako ng kotse ko. Sinubukan kong kumatok ng ilang beses sa pinto pero walang nagbubukas.

"Ijo, walang tao d'yan. Noong nakaraang linggo ay nakita kong may mga dalang gamit tila mga aalis." kumunot ang aking noo at mabilis na tumakbo para kunin ang aking cellphone.

"Shit." mahinang mura ko ng hindi ko talaga ma-contact si Tulipian.

"Dos, napatawag ka?"

"I need your help, Volt." he is trusted friend under Scorpio mafia.

"Basta kaya."

"Please, try to track kung
nasaan ang Girlfriend ko."

"Andito si Luna, Bro." hindi pa pala niya alam na hiniwalayan mona si Luna.

"Try to track Tulipian Vegas."

"Okie. I'll call you if na track kona."

"Thank." binaba kona ang tawag.

Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan ko kaya bumaba ako at pumasok ulit sa mansion ni Tulipian. Sinusubukan kong buksan pero masyadong secured ang bahay n'ya.

Tila nakalimutan ko na isa nga palang mafia rin si Tulipian kaya imposibleng bastagbasta kina lang mapasok ang mansion n'ya.

Tumambay nalang ako sa loob nh kotse ko at naghi-hintay ng tawag galing kay Volt hanggang sa ilang sandali ay tumunog ang cellphone ko.

"Tangina, Bro."

"What?"

"Kamuntikan na akong mahuli, buti nalang at sa hindi laptop sa HQ ang gamit ko kaya hindi connected sa mga scorpio."

"What? Why?" takang tanong ko dahil iba ang himig ng boses nito.

"Kung nasaang lupalop kaman ng mundo ay umuwi ka. Tangina, hindi basta-basta ang pinapahanap mo saakin."

"Bakit ba kasi ayaw mo pa akong deretsyohin, Volt?"

"Basta, umuwi kana. Puntahan moko sa penthouse ko. Hindi pwede malaman ng mga scorpio ang tungkol sa babaeng 'to." binabaan ako ni Volt kaya naman mabilis kong pina-andar ang sasakyan ko.

Sinusubukan kong iwaksi lahat ng aking iniisip habang nagpapa-piloto ako. May kaba sa dibdib ko pero pilit kong tinatanggal.

Bakit ba kasi masyadong pabitin si Volt. Sa totoo lang si Volt ay isa talaga sa tauhan ko under sa Rivera Mafia, sinama kolamg s'ya sa Scorpio dahil mas panatag ako kapag alam kong may tao akong mapagkaka-tiwalan sa loob ng organization na aking pinapasukan. Scorpio ang isa sa may illegal organization pero dahil saakin ay hindi ito nalalaman ng mga Rivera kaya malaya nilang magawa ang gusto nila.

Ako ang alas ng tatay ni Luna para nakalabas ng bansa ng ligtas habang nakikipag-transaction sa ibang bansa. Kaya hindi sila nahuhuli ng mga Rivera ay dahil saakin, ako ang madalas na makipag-kita sa mga ka transaction nila, pero ang kundisyon ay masigurong walang makaka-kita ng mukha ko.

"Ano ba kasi ang dapat mong sabihin?"

"Ang Tulipian na pinapahanap mo ay ang anak ng ng Hari ng Russia." kumunot ang noo ko saka ko kinuwelyuhan.

"Anong katarantaduhan ang sinasabi mo, Volt Alvarez?"

"Si Tulipian ay si Mischa Polina Kryzhanovskaia, s'ya ang kapatid ng pinatay mong anak ni king Rustov Kryzhanovskaia."

_strwbrgirl

Rivera Series2 : Bad Encounter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon