This baffles Dennise!

Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kanya para lumapit pang lalo. Sigurado naman na siyang si Alyssa nga iyong kausap ng kanyang abuela!

Dapat ay tumalikod na siya at iniwan ang dalawa giving them the privacy they needed, pero mas nanaig ang kagustuhan niyang malaman ang ilan pang detalye sa usapan ng dalawa!

Sa maliliit at maingat na mga hakbang ay nagawang makalapit pang lalo ng dalaga, sabay ipinuwesto ang sarili sa dingding malapit sa pinto.

"Uulitin ko, kailan naging kasalanan ang magmahal Alyssa?" Muling tanong ng doña kay Alyssa.

Walang narinig na anumang pagtugon mula sa babae si Dennise.

"Sinasabi ko sayo, hindi kailan man magiging kasalanan ang pagmamahal Alyssa. Hindi nadidiktahan ang puso, basta nalang itong titibok sa rason na hindi natin alam. Most of the time, sa pinaka least expected person or sa pinakamaling timing pa iyon mangyayari. Katulad marahil ngayon. Kay Lexi! Kaya sinasabi ko sayo hindi mo kasalanan kung nahulog ka sa kanya." Narinig niya uli ang boses ng sariling abuela.

"Nahulog sa kanya? Sabay banggit ng pangalan ni Lexi?" Biglang nakaramdam ng kaba si Dennise!

Si Lexi nga ba ang tinutukoy ng doña na nakahulugan ng loob ni Alyssa?

Napapikit siya!

Hindi imposibleng mangyari!

Isang eksena ang pilit na nagsusumiksik sa kanyang utak.

Iyong eksenang lihim niyang nasaksihan kahapon.

Tama, kahapon lang, sa manggahan!

Parang tinusok ng kung ano ang kanyang puso.

"Tama po iyong sinabi ninyo Señiora, hanggang ngayon po kasi hindi ko parin alam kung bakit sa dinami rami ng tao, sa kanya pa talaga pinili nitong puso ko na tumibok. Kung sa ibang babae nalang sana o di kaya ay sa ibang pagkakataon, kundi wala po sanang problema. Wala po sanang gulo!" May kalakip na lungkot ang boses ni Alyssa ng sabihin ang mga katagang iyon.

"Mahal mo ba talaga siya Alyssa?"

Napa pigil-hininga si Dennise habang hinihintay ang kung ano mang maging tugon ni Alyssa.

"Sobra po! Sobra ko po siyang mahal!" Pagdeklara nito!

Kasabay ng pag-aming iyon ni Alyssa ay ang pagpatak ng mga luha ni Dennise!

Mahal ni Alyssa si Lexi!

"May karugtong pa ba iyong statement mo Alyssa?"

"Uhm..."

"Don't tell me may nararamdaman kang takot Alyssa?"

"Given my situation, natural po yatang makaramdam ako ng takot, ng pangamba. Si Dennise, hindi po kasi ako sigurado kung pagbibigyan niya ako once hilingin kong...."

Hindi na pinatapos pa ni Dennise ang kung anumang sasabihin ni Alyssa. Mabilis ngunit maingat siyang tumalikod para iwan ang lugar na iyon.

Patakbo siyang tumaas ng hagdan.

Dahil sa walang ampat na pagpatak ng kanyang mga luha ay hindi niya namalayan ang dalawang pigurang matiyagang naghihintay sa kanya sa pinakadulong bahagi ng hagdan!

Ang pinsang si Jia saka ang matalik niyang kaibigang si Ella.

"Ate Den!"

"Besh!"

Nang marinig ang mga katagang iyon ay kumawala pang lalo ang emosyon ni Dennise.

Agad siyang tumakbo payakap sa dalawa!

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now