Chapter L

1.6K 75 20
                                    

Yael's POV:

"What?" Iritableng tanong ko kay Kael pagkabukas ko ng pinto. Ginambala lang naman nito ang tulog ko.

"Your friends are downstairs."

"Ha?"

"Bingi. Maghilamos ka nga dun. May panis na laway ang mukha mo."

Agad naman akong napahawak sa mukha ko. "Wala naman!"

Gaya ng sabi ni kupal ay naghilamos pa rin ako at nagbihis bago bumaba.

Ano na naman kayang trip ng mga babaeng 'to at ang aga aga pumunta rito?

"Magandang umaga, mahal na prinsesa."

"Ang aga n'yo namang nambulabog. Gawa n'yo rito?"

"Napakabugnutin naman nito."

"Kukulayan na po natin ang drawing natin, ma'am. Nakakahiya naman kasi nakailang plano na tayo pero ni isa walang natuloy," paliwanag ni Portia.

"Inaantok pa ako," reklamo ko.

"Wala kang magagawa. Nandito na kami kaya sa kotse ka na matulog."

Tinignan ko sila isa isa. Base sa mga suot nila ay sigurado akong sa beach ang punta ng mga 'to.

"Kukuha muna ako ng gamit ko."

"Sige, kidnappin n'yo 'yang kambal ko.  Nakakasura na ang pagmumukha niyan, ilang araw ko nang nakikita."

"Shut up, Kael. Magkamukha tayo, 'wag kang bobo."

"Gusto mo sumama, Kael?"

"I would love to, Bree. But I already made plans with someone today."

"We'll be there for 2 days and 1 night, Yael!" Pahabol na sigaw ni Bianca.

Isang simpleng brown button v neck short sleeve top paired with brown high waisted shorts with drawstring elastic waistband lang ang sinuot ko.

Pagkatapos kong magbihis ay kumuha rin ako ng ilang pares ng tops, shorts, pyjama, at underwears.

Habang nasa biyahe ay todo daldalan itong mga kasama ko habang ako ay bored lang na nakatingin sa labas.

Akala ko makakalimutan ko na ang babaeng 'yon ngayong wala na siya rito but what happened is the exact opposite. She constantly invades my mind, rent free. Gaya nalang ngayon, bigla bigla ko nalang siyang naiisip.

It's been a week simula noong umalis siya and isang linggo ko na rin siyang iniisip. Damn it.

"Alam n'yo saan sa France si Navier?" I suddenly blurted out.

I rolled my eyes when I saw their teasing looks towards me. Gosh, give me a break.

"Uyy may nami-miss."

"I'm just curious."

"Gano'n na rin 'yon."

"We don't know. Bakit, may balak ka bang sundan siya?" Mapang-asar na tanong ni Portia.

"Wala!" I defensively answered.

"Why didn't you stop here from leaving?" Tanong ni Bianca.

"Pa'no eh hindi ko na siya naabutan."

"Bagal mo kase."

"Hindi n'yo kasi agad sinabi. Tsk."

"So, miss mo nga?" Usisa ulit ni Bree.

"So what?"

"Umamin din sa wakas ang gaga!"

"Fvck you, Bree! Ba't ba nananakit ka kapag kinikilig!?" Reklamo ni Bianca.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Switched PlacesWhere stories live. Discover now