Chapter XVIV

1.3K 86 5
                                    

Yael's POV:

"Oh buti naman at nagising ka pa. Grabe ikaw yung alalay ko ngayon pero anong nangyari?" Bungad ko sa babaeng sinalo ang bola gamit ang mukha nang magmulat ito ng mata. Dalawang oras na kasi itong tulog at dalawang oras na rin akong nagmumokmok dito sa loob.

"Tch. Can you stop being annoying?" Naiinis na sabi nito at bumangon sa pagkakahiga.

"Suki ka ng bukol eh 'no? Ba't mo kasi ginawang pangsalo ng bola yang mukha mo lagi?" Natatawa kong sabi nang makita ko na naman ang malaking bukol nito sa noo.

"Oh crap." She winced in pain matapos nitong hawakan ang noo niyang may bukol.

"Oh, ilagay mo sa bukol mo." Sabi ko at inabot sa kanya yung ice pack.

"Who hit the ball?" Walang emosyong tanong nito.

"Secret baka patayin mo pa."

"Do you have a death wish Villanueva?" She said glaring at me.

"Si Nathan. Di ka naman mabiro." Nakakatakot talaga magalit 'tong pandak na 'to. May atraso naman sa'kin si Nathan, good luck nalang sa kanya. Hindi na ito sumagot at tumitig lang sa'kin habang dinadampian ng ice pack yung noo niya.

"I-I'll go get us food." Sabi ko at nag-iwas ng tingin. Sheet of paper, nakakailang. Parang ice lang din ako ngayon na matutunaw anytime. Hindi ko na narinig ang sagot nito dahil nagmamadali akong lumabas.

Pwede namang tumawag nalang ako sa reception para mag-order ng pagkain. Pero nakakailang talaga kasama siya sa iisang room lalo na yung titig niya kanina. Ayos lang dati sa condo niya kasi wala naman siya sa tamang wisyo eh ngayon parang hinuhusgahan niya na yung buong pagkatao ko. Hindi ko inorder yung madalas kainin ni Navier na crab kasi siya lang din mahihirapan sa pagkain nu'n atsaka para maiba naman. Basta pagkain na walang lason yung inorder ko. Hindi na ako nagpatulong sa mga staff kasi kaya ko namang dalhin lahat inorder ko.

Pagkapasok ko sa room ko ay wala na akong makitang Navier. Tinignan ko na rin sa cr pero wala. Napaka ungrateful na pandak, siya na nga yung pinagsilbihan eh. Pumunta ako sa harap ng unit niya at kumatok. Hindi ko naman kasi kayang ubusin 'tong pagkaing dala ko. As usual matagal akong pinagbuksan ng babaeng 'to. Labag sa loob pa nga ata eh.

"What?" She asked in an annoyed tone.

"Sabi ko kukuha ako ng pagkain. Ba't ka umalis?" Naasar kong tugon.

"I told you not to, but you left right away." She answered rolling her eyeball. Maldita talaga tong maliit na to.

"Wala ka ng magagawa dun, naka order na ako eh. Just take this food and I'll leave." Sabi ko at inabot sa kanya yung pagkain. Parang ayaw naman ata nitong makasabay akong kumain. As if naman gusto ko.

"Tch." Tanging tugon nito at kinuha ang pagkain. Ceo of tch yarn?

"You're welcome." Sarkastikong sabi ko matapos ako nitong pagsarhan ng pinto.

Kinalkal ko ang laman ang bag ko para kumuha ng damit at shorts pamalit. Hindi kasi ako nagbihis kanina kasi nasa loob pa si Navier baka bigla pang magising yun. Una kong hinubad ang shorts ko at nung huhubarin ko na rin sana yung shirt ko ay may narinig akong parang may nahulog sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si Navier na nanlaki ang mga mata at medyo napaawang pa yung bibig.

"Bastos!" Katagang bigla nalang lumabas sa bibig ko. Shit, why the heck did I scream that? Agad kong hinablot ang kumot ng higaan at tinakpan ang sarili ko.

"Are you gay?!" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"What the fork, hell no! I'm friggin' straight as a ruler!"

Switched PlacesWhere stories live. Discover now