Chapter XXIV

1.4K 113 21
                                    

Yael's POV:

"Konting puyat nalang makikita ko na ang nag imbento ng calculus" sabi ko at nangahalumbaba sa mesa.

"Sa langit walang calculus. Akyat ka na" saad naman ni Briana na gaya ko ay nangahalumbaba rin. "Sakalin mo sa kabilang buhay Kae. Ba't ba kasi inimbento niya pa 'to, pahirap sa buhay amp" dagdag pa nito.

"Ang ingay ingay naman niyang aso mo miss president. Di ako makapag focus" reklamo ko pa. Yung picture ng aso na nakakita ko dati, buhay na charot. Ewan sa'n nilagay ni Navier tong aso niya at ngayon ko lang to nakita. Pero yung asong brown lang yung present, absent yung isang aso na nasa picture frame.

"Come here, Kuma. Sit" utos nito sa aso niya.

"Buti pa yung aso, sit lang kailangan aralin"

"Aso ka rin naman Briana"

"Oh talaga? potanginamo"

Nasa condo kami ni Navier ngayon, nag-aaral. O diba napakabait ko na. Inaya ako ni Brianang pumunta rito. Mag-aral daw dapat ang bobong tulad ko. Napakapasmado ng bunganga. Naging barkada ko na talaga tong dalawa. Graduate na ako sa pagiging loner sa school ni Kael.

This week puro aral nalang talaga inaatupag namin. Aral konti, daldalan marami. Exam na kasi next week so kailangan talaga.

"Baka may sobrang talino ka jan miss president. Akin nalang" baling ko kay Navier na ngayon ay kalmadong nagbabasa ng libro. Inirapan lang ako nito at kinulit ulit ang aso. Yucks, dinilaan ng aso yung bibig niya. Bastos na aso.

Simula nung naging engineering student ako, ang dami kong na realize. Na realize kong bobo ngang talaga ako at maling desisyon itong pinasok ko. Pesteng Kael, nag engineering pa. Maikli na nga lang ang buhay, ito pa piniling kurso.

"Kung ang Diyos may awa, sa engineering wala"

"Nangangamoy grade is just a number ata ako"

"Ba't ka ba nag engineering student, Briana?" tanong ko. Todo reklamo rin eh. May karapatan akong magreklamo since architecture naman talaga ang totoong course ko.

"Ang angas kasi pakinggan. Engineer Yata" sabi nito. Napahagalkpak naman ako ng tawa nang marinig na naman ang apelyido niya. Hindi na nga sure ang apelyido, hindi pa sure maging engineer.

Tinignan naman ako ng masama ng dalawa kaya napatahimik ako.

"Ikaw, ba't engineering course ang pinili mo?" pabalik na tanong ni Briana.

"Hindi ko rin alam eh" sagot ko nalang. Duh, hindi naman kasi ako engineering student. Ligaw lang ako rito.

Tumawa rin si Briana at gaya ko ay nakatanggap din siya ng masamang titig kay Navier.

"Nahihirapan na 'ko sa engineering pero syempre deserve ko 'to, pinili ko 'to eh" saad pa ulit ni Briana at binuklat ang libro.

"Can you both study quietly?" naiiritang saad ni Navier na ngayo'y nagha highlights na ng important details sa libro. Tangina nakakahiya naman sa'king bobo na, tamad pa mag-aral.

"Hindi namin kayang manahimik pero tumigil kakareview, kayang kaya" barumbadong sagot ko.

"Same, nagugutom na ako" pagsasang-ayon ni Briana at sinubsob sa mesa ang mukha.

"You two can leave. It's not my grades anyway" masungit na sagot nito.

"Sanaol matalino tapos masipag pa magreview. How to be you po lodicakes?"

"Ba't hindi ka nagmana sa kaibigan mo Briana?"

"Mas exciting maging bobo, wag kang epal. Pero mas bobo ka" bulalas nito.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now