Chapter XIV

1.3K 93 5
                                    

Yael's POV:

Papunta ako ngayon sa auditorium ng totoong paaralan ko as Yael. Nakakamiss din pala rito kahit na puro terror yung mga professors. Wala man lang papc at chixx na prof para ma inspired naman kaming pumasok araw-araw. Same lang din sa university na pinapasukan ko ngayon, puro malditang nasa menopausal stage na.

Naka hoody jacket at mask ako kasi baka mamukhaan pa ako ng mga estudyante rito. Parehas pa naman kami ng hairstyle ni Kael. Nang makita ko sila Bree at Bianca ay agad akong pumunta sa pwesto nila. Buti nalang nilaanan nila ako ng mauupuan.

Ang pogi ko diba? Partida mata pa lang yung nakikita jan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang pogi ko diba? Partida mata pa lang yung nakikita jan.

Hinawakan ko ang balikat ni Bianca na ngayon ay nakikipagdaldalan kay Bree. Bahagya pa itong nagulat kasi nakatalikod ito sa'kin at hindi ako nito nakita.

"Kagulat ka naman Yael." Sabi nito at may pahawak effect pa sa dibdib niya. Akala mo talaga multo yung humawak eh.

"It's Kael, Bianx. Someone might hear you." Madiin kong sabi rito at tumingin sa paligid. Alam niya namang maraming marites dito sa university.

"Ba't kasi ganyan suot mo? Para kang kidnapper." aniya.

"Tawagin ka nalang naming Berto, Yael mas maangas pakinggan." Sabat naman ni Bree. Minsan talaga napapatanong nalang ako sa sarili ko ba't ko naging kaibigan 'tong mga 'to. Kung abno na kasi ako sa kalagayan kong 'to, pwes mas abno sila. Tinodohan 'di na nagtira ng katinuan.

"Shut up Bree, isa ka pa." Asar kong sabi rito. Kakasabi ko lang na 'wag ako tawaging Yael eh. Ang tigas ng bungo.

"Sorry na agad pareng Berto." Natatawang sabi nito, pati si Bianca nakitawa na rin. 'Di ko nalang sila pinansin kasi baka hindi ko sila matantsa at masipa ko pa ang mga mukha nila.

Marami na ring tao sa loob ng auditorium. Open for outsiders din kasi itong pageant, idagdag mo pang marami ring estudyante rito. Medyo nasa unahan yung pwesto namin, mabuti nalang at maaga 'tong dalawa pumunta rito.

"Sino tutulong kay K-Yael sa backstage?" Tanong ko.

"Ayaw niya kaming patulungin eh. Nahihiya ata sa'min." Sagot ni Bianca. Malamang Bianx crush ka nu'n eh, sabi ko nalang sa sarili ko.

"Nandun naman si Gavin tas naghire na rin kami ng make-up artist since hindi naman kami magaling ni Bianca sa mga ganung bagay." Paliwanag ni Bree. Mabuti naman at matino na ito sumagot.

"Uy girl congrats pala. Sorry 'di kami nakapunta, busy kasi kami kahapon para sa pageant ngayon ng kambal mo." Sabi ni Bianca at hinalikan pa ako sa pisnge. Ang clingy talaga nitong babaeng 'to.

"Pa-libre naman jan Berto." Nakangising bulalas na naman ni Bree. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Bree ang hilig kasi magpalibree, ok korni.

"Libre kita ng Beer Bree pero dapat pati yung bote lunukin mo." Iritado kong sabi. Hindi nga ako tinawag na Yael, Berto naman yung pinangpalit.

"Kuripot, beer lang." Sabi naman nito. May filter ata yung tenga nito at yung panglilibre lang ng beer yung narinig niya, hindi nasali yung panghuli kong sinabi.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now