Chapter XXVIII

1.6K 134 48
                                    

This chapter is dedicated to
Lampara Mahistrado.

Gigil na sa tiktok si Lampara. Napasulat tuloy ako kagabi HAHAHAHA. Yung tulog ko ilang oras lang. Parang kukunin na ata ako ni San Pedro.

Btw, thank you for reading everyone!

Yael's POV:

Kasalukuyan akong nagkakape rito sa balcony ng kwarto ko. Semestral break na namin. Akalain n'yo yun? Nairaos ko ang course na 'to. Architect na engineer pa.

Ang boring din pala kapag walang pasok. Miss ko nang landiin si miss pres, kidding aside.

Pinanuod ko nalang yung taga ayos ng garden namin na ngayo'y abalang abalang sa pagdedecorate ng mga Christmas decorations sa garden namin. Dalawang araw nalang kasi ay pasko na.

Napalingon naman agad ako sa pintuan nang may siraulong sobrang lakas kung kumatok.

"What?" iritadong tanong ko nang mabuksan ko ang pinto na agad ko ring sinirado nang makita ko si Briana. Potangina talaga nitong si Bree. Aga aga binigyan agad ako ng sakit sa ulo.

"Aray! tangina neto. Pag talaga ako nagkabukol" rinig kong reklamo nito.

Hindi ko ito pinansin at agad na nagbihis. Sinuot ko rin ang binder ko kasi nga nandito si Briana.

"Bastos mo naman. Di mo ba alam na dapat maging hospital ka sa bisita mo?" bungad sa'kin ni Briana nang buksan ko ulit ang pinto. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Minsan matalino minsan bobo.

"Kapag hindi ko matantsa yang jowa mo, Briana. Sa hospital talaga ang bagsak niyan" saad ko at pinanlisikan ng tingin si Bree.

"Hospitable yun cards" sabi ni Bree. Hindi man lang natinag sa tingin ko.

"Who the fvck is cards?" nalilitong tanong ko.

"Bagong cs namin yun. Cards parang cardo ganun para magtagal hehe" nakangising sagot ni Bree.

"Kinginang cs yan. Ang talino mo Bree"

"Ano ka ba. Ako lang 'to" aniya nito at parang proud na proud pa.

"Pahiram muna ng jowa mo Briana" saad ko at hinila papasok sa kwarto ko si Bree. Dinala ko siya sa may balcony para hindi kami marinig ni Briana.

"Are you insane, Bree? Ba't mo dinala rito si Briana?!" asik ko.

"Pinilit niya ako eh. Atsaka magkaibigan naman kayo" nakangusong saad nito.

"You should've informed me first! Alam mo namang hindi pa nalalaman ni Briana ang sikreto ko" frustrated kong saad.

"Unreachable ang number mo kaya tinext nalang kita. Hindi mo nabasa?" tanong nito.

I mentally facepalm. Namatay nga pala yung cellphone ko. Nakalimutan kong ilibing este i-charge.

"Magagalit ba ako nang ganito kung alam ko, ha??"

"Kasalanan mo na yun" palatak na sagot niya.

"Still, dapat hindi mo pa rin dinala rito si Bree. Paano nalang kung makita niya si Kael?!"

"Eh inaaway ako eh. Itali mo nalang muna si Kael sa kwarto niya" nakangusong saad nito. Gaga talaga. Buti nalang talaga at maagang kinidnapp ni Gavin si Kael.

"Ang tagal n'yo naman. Anong kababalaghan ba ang pinagagawa n'yo sa kwarto?" nakapameywang na tanong ni Briana nang makalabas na kami.

"Selosa" sabi ko at naunang maglakad papuntang living room.

"Kae, pahiram muna ng kusina n'yo. Gutom na ako" aniya ni Briana.

"Mas malakas ka pa atang kumain sa baboy, Briana" saad ko at iginiya sila sa kusina.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now