Chapter XIII

1.2K 91 13
                                    

Yael's POV:

Pagmulat ko sa aking mga mata ay puting kisame agad ang nakita ko. Nilibot ko ang paningin ko at sigurado akong nasa infirmary ako ngayon. Nahagip naman ng paningin ko ang babaeng natutulog sa tabi ko. Sa tingin ko ay nakatulog ito kakahintay sa'kin magising. Hindi ko ito makilala sapagkat nakasubsob ang mukha niya sa higaan.

Tinapik ko ng mahina ang balikat ng babae para gisingin siya. "Miss." Sambit ko habang tinatapik pa rin ang balikat niya.

"Hmm." Kinusot-kusot nito ang mga mata niya at lumingon sa gawi ko. She's effortlessly beautiful kahit na kakagising lang niya. Shit, ano ba 'tong nararamdaman ko? Why my heart is pounding at an abnormal rate when her gaze fell on mine? Ganito ba ang feeling kapag naiinsecure ka?

"Stop staring, it's rude."

"M-may laway ka kasi sa mukha. Ganun na ba ako kasarap para maglaway ka?" I said trying to hide my embarrassed face.

Agad niya namang hinawakan ang mukha niya. " There's none." Sabi nito at pinalilisikan ako ng tingin.

"Kumusta yung laro?" Pag-iiba ko sa usapan. Nasisiguro kong panalo na kami kasi malaki yung lamang namin bago ako nawalan ng malay. Pero hindi pa rin mapanatag ang loob ko kasi sa loob ng isang minuto ay may posibilidad na maraming masamang mangyari sa iba ko pang teammates. Baka may na aksidente pa bukod sa'kin. May sa demonyo pa naman yung mga kalaban naming mga mukhang germs.

"Our team won." She plainly said.

"Eh ba't ganyan mukha mo? Daig pa yung natalo eh." Yung dalawang kilay kasi niya parang magdidikit na.

"Should I be happy when nearly everyone in our group has bruises? And your black eye isn't making things any better." Sabi nito at dinampian ng ice pack yung kaliwang mata ko.

"Aray! Dahan dahan naman." Reklamo ko. Potek na tipaklong yun mata ko pa talaga yung siniko.

"You're so careless. Pati utak mo lumutang sa ere kanina, stupid." Daig pa yung nanay ko manermon eh.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko nalang kesa naman sabihin ko sa kanya na naputol yung hook ko sa likod kanina kaya nagka ganun ano. Mabuti nalang at yung isang hook lang yung nasira. Naka attach pa rin yung b-holder sa dibdib ko.

"I'm the sc president so you're my responsibility." Sagot nito at tinigil na ang paglagay ng ice sa mata ko.

"Ah salamat, naabala pa kita." Inayos ko ang sarili ko bago tumayo para maka-uwi na. "Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko ng mapansing hindi ito umalis sa kaniyang pwesto at may kinakalikot sa cellphone niya.

"I called an uber. Let's go home together." Sabi nito at tumayo na rin.

Maka let's go home together 'to oh akala mo nasa iisang bubong lang kami nakatira eh.

"Hindi ko alam na gusto mo pala akong iuwi sa condo mo. Ikaw ha." Tukso ko sa kanya. Hindi ko pa 'to naaasar kanina eh. Kaya babawi ako ngayon.

"I know your address and we have the same pathways." Pairap na sabi nito.

"Eh ba't mo alam address ko?" Tanong ko sabay taas-baba ng kilay.

"Can you stop asking? You're annoying." Tila nauubusang pasensya na sabi nito. Hindi ko nalang ito kinulit pa kasi baka magbago ang isip nito at hindi pa ako pasakayin. 'Di ko pa naman dala ang sasakyan ko ngayon tas maga-gabi na.

Nakarating na kami sa condo ni Navier. "Text me when you get home." Sabi nito bago lumabas.

Sus magpapatext pa eh hindi rin naman siya magre-reply.

---

"Oh Yael, I heard your team won." Bungad sa'kin ni Kael na nasa sala. "Gago nanalo nga kayo naging panda ka naman HAHAH." Dagdag nito nang makita ang mukha ko.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now