Chapter XLI

1.1K 96 15
                                    

Yael's POV:

I stared at my body in front of the mirror. Disappointed.

"Hindi ka man lang lumaki," I murmured.

Yung hinaharap ni Noah mala melon ang laki samantalang yung akin na dating lansones ay orange lang ang kinaya.

Buti nalang bumawi yung abs ko.

Yung buhok ko rin ay hindi na mahaba gaya ng dati.

Pero yung mukha ko ay gano'n pa rin, maganda.

Kinuha ko ang damit ko at nagbihis.

Isang linggo rin akong tambay rito sa bahay. Hindi muna ako pinayagan nila mama lumabas at baka raw sa kung saan na naman daw ako tatalon. Hindi ko nga alam anong ire-react ko sa sinabi nilang yun eh. Mukha ba akong suicidal na tao??

Napabuga ako ng hangin nang may kumatok sa pinto ko. Kahit hindi ko pa ito buksan ay alam kong si Noah ang kumakatok. Daig pa ang buntot kakasunod sa'kin.

Binuksan ko ang pinto ng konti, tama lang para masilip ko siya.

"What now?" Hindi ko maitago ang irita sa boses ko.

"Open the door, Yaeli."

"Nakabukas na yan oh. Anong kailangan mo?"

"I'm here to nurse you, duh." Pinagkrus nito ang mga braso niya.

"Edi sana nag-nursing student ka nalang, hindi engineer," pabalang kong sagot.

"I can shift course if you want."

"Sira! Pumasok ka na sa klase mo ngayon," saad ko at siniraduhan siya ng pinto.

"What the heck? Yaeli!" Rinig kong sigaw niya sa labas at kinatok ulit ang pinto ko.

Hindi naman sa hindi ko naa-appreciate yung tulong niya pero nakakairita lang kasi, lagi nalang nakasunod sa'kin. Hindi naman ako lumpo para alalayan niya palagi. I need space.

"Nakakasawa na ang pagmumukha mo. 'Wag ka munang magpapakita sa'kin," barumbadong sagot ko.

Gan'to talaga kami ni Noah kahit noong bata pa kami, ewan ko lang kung may nagbago ba. Basta kung ano ang pakikutungo ko sa kan'ya noon ay gano'n din ang ginagawa ko ngayon. Lakas din niyan makipagbardagulan sa'kin.

"Open the fvcking door!" Galit na sigaw nito.

"Kahit magmura ka pa gamit ang lahat ng lenggwahe Noah, hindi ko bubuksan 'yan."

Nanatili ako nakatayo sa harap ng pinto. Para marinig ang sasabihin niya.

"I'm just worried!"

"Ilang araw ka ng absent. Hindi ka ba kinakabahan na baka babagsak ka?"

"You're not going to school either way, so what's wrong with that?"

"I'm still on the process of recovering, babalik din naman ako."

"And I am helping you recover. Just be grateful will you?" Mataray na sabi nito na siyang ikinairap ko.

"I'm thankful, okay? Pero ayoko namang ako ang dahilan ng pagbaba ng grades mo."

"I don't care with my fvcking grades. So open this damn door bago ko pa ito sirain!" Nauubusang pasensyang sigaw ni Noah.

I groaned. Ayaw talaga magpatalo ng babaeng 'to.

"Give me a minute, magbibihis lang ako," saad ko.

Kung hindi siya papasok sa klase edi ako nalang.

Plinano ko na talaga 'to kahapon na kung aabsent na naman si Noah dahil sa'kin ay papasok na ulit ako. I already told mom about this at pinayagan naman nila ako. Syempre, may pilitan pang nangyari.

Switched PlacesOnde histórias criam vida. Descubra agora