Chapter I

4.1K 130 67
                                    

Yael's POV:


"Ponyeta, ang hirap magpanggap bilang lalaki argh!" I inwardly complained. 

Mga hinayupak kasi, badtrip na nga ako dahil nahulog yung bandage ko kanina ta's maaabutan ko pa ang mga lalaki dito sa cr na nagpapalakihan ng mga saging nila. Dugyot . I'm sure mas malaki pa ang daliri ko kaysa mga ano nila. Wtf? Nevermind, nakakadiri!


Kasalukuyan kong inaayos ang bandage sa dibdib ko. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagpasalamat na hindi ako nabiyayaan ng hinaharap.


Here's how I got into this situation, in case you were wondering.


Flashback

"Ayusin mo naman ang pagpasa ng bola, muntik mo ng matamaan ang gwapo kong mukha!"  Reklamo ni Kael. Sayang hindi tumama.


Naglalaro kami ng basketball ngayon. Bonding namin 'to simula pa pagkabata. May kan'ya-kan'ya kaming technique at kahit na lalaki itong kambal ko ay hindi mahirap sa'kin na tapatan ang kakayahan niya sa larangang ito.


"Shut up, ang pangit mo!" I hissed.


"Tanginamo! Kambal tayo, edi pangit ka rin!" Sigaw niya at malakas na binato sa'kin ang bola. Buti nasalo ko.


Dyahe, kambal ko nga pala 'tong kupal na 'to.


His name is Kael Rex Villanueva, my annoying identical twin brother.

Pasalamat siya at naging kamukha ko siya kundi malamang ay pangit ang pagmumukha nitong unggoy na 'to.


"Mas lamang ako ng singkwentang paligo sa'yo unggoy!" Pabalik kong sigaw. 


"Tsk, booooringg. Why don't we make a bet para may thrill naman." He smirks.


Duda ako sa unggoy na 'to e. Parang may masamang pinaplano na naman. But I'm confident na 'di niya ako matatalo. Nakailang 1v1 na kami at mas lamang ang naging panalo ko kesa sa kan'ya. Magaling naman ang kambal ko ngunit magaling lang siya sa two points  samantalang ang mga tres ko ay hindi nagmimintis.


"Anong bet naman?" Taas kilay kong tanong. " Yung maayos na bet kung ayaw mong basagin ko betlog mo."


"The winner can ask anything to the loser, as simple as that. Best of 3, game?" 


"Call." Nakangisi kong sagot at binato pabalik sa kan'ya ang bola.


End of flashback


Dahil inutakan ako ng unggoy na 'yon, here I am, dealing with his shitty deal to switch places with him for the entire school year.

Akala ko kasi tig 1 point lang per shot, hindi pala! Hinayupak na yun, 'di nilinaw. Tumira agad ng tres. 

We don't go to the same school anymore kasi baka kung ano na namang kabaliwang gagawin nitong mabait kong kambal. Kaya ako na ang nag-adjust. Nagpa-enroll ako sa ibang University.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now