Chapter XXII

1.3K 122 17
                                    

Author's note: Hello random hooman. Thank you for taking the time to read my story! Masipag akong magbasa ng mga "HAHA" comments n'yo char HAHAHA. Sorry medyo matagal akong nagaa-update, may klase kase. Thank you ulit!

Yael's POV:

Nagsalubong ang kilay ko nang makitang may lalaking nakaupo sa pwesto ko. Ba't naligaw yan dito?

Binagsak ko sa mesa ang bag at kunot noong tinignan ang lalaki. I remember this guy. Siya yung kapangalan ng brand ng brief na sinipa ni Navier. Kinukulit na naman nito si Navier. Gusto na naman atang makatikim ulit ng sipa.

"This is my seat. Leave."

"Ako nauna pre. Hanap ka nalang ng ibang mauupuan."

"Ano ka gold? Alis" saad ko at sinipa ang upuan. Gago ba siya? Upuan ko to tapos ako papaalisin niya. Mukha nito sipain ko eh.

"Navier, can you tell this guy to back off?" tawag nito kay Navier na naka poker face na naman.

"Leave Calvin" walang emosyong wika ni Navier.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Layas na" pagtataboy ko rito.

He hissed at binangga ang balikat ko, so I extended my leg at pinatid ang isang paa niya in return.

"Oh wag kang magswimming jan. Hindi yan pool" natatawa kong saad.

Agad itong bumangon at kwenilyuhan ako. "Gusto mo ng away? ha?" galit na saad nito pero nginisihan ko lang siya.

"Unfortunately, it is against the law to hurt an animal."

"Tarantado pala to eh" bulalas nito at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo ko.

"Stop it, Calvin." Navier said in a warning tone.

"Maswerte ka" saad nito at tinulak ako. I just shrugged at inayos ang kwelyo ko. Ayoko ng patulan. Ayoko ma-detention ulit 'no. Nanganganib na nga grades ko eh. Akala mo naman talaga nakakatakot siya. Nakakatawa kamo yung mukha niya magalit. Parang si Kingkong, lumalaki butas ng ilong.

Maya maya pa ay dumating din si Mrs. Garcia. Yung maingay na room kanina ngayon sobrang tahimik na. Takot lang nila sa matandang yan.

"Good day class! You have a new classmate. Come here in front, Mr. Perez and introduce yourself."

"Hello everyone! I'm Calvin Perez, 21. It's nice to meet you all" maikling pagpapakilala nito at nagpaskil ng ngiti sa mga labi. Plastic ang kupal.

Nagpalakpakan naman yung iba kong kaklase samantalang yung iba naman ay parang kinikilig pa. Sure na yan? Kinikilig kayo sa mukhang unggoy na yan? Tch, walang ka taste taste. Ba't hindi nalang sa kabilang section to tinapon? Halatang eepal lang dito sa room namin.

"Quiet!" sita ng prof namin. "You may now take your seat, Mr. Perez" tumango naman ito at umupo sa right side si Navier. Pinalayas lang naman niya yung nakaupo dun kanina. So bale pinagitnaan namin si Navier ngayon. Pero may distance kasi may sarili kaming mesa.

Through out the class session, todo papansin 'tong unggoy kay Navier. Dapat sa zoo to pinapasok hindi sa paaralan. Napaka feeling close. Ako lang ang may karapatang mangulit sa babaeng yan, epal epal.

"Let's go, Navi" aya ko agad nang magbreak time na.

"She's coming with me" epal ng unggoy.

"Bawal ang unggoy sa cafeteria"

"Assuming mo naman Calvin. Hanap ka ng sariling circle of friends mo" sabat ni Briana na kakalapit lang.

"I'm her suitor" Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

Switched PlacesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora