Chapter XVI

1.3K 92 3
                                    

Yael's POV:

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ni Briana sa room.

"Kael, may meeting tayo mamayang 5. Sa school gym lang para malapit." Salubong sa'kin ni Gavin nang makapasok na kami sa room. Tumango naman ako bilang tugon at pumunta sa pwesto ko. Parang si Gavin na talaga ang naging captain ngayon. Wala naman kasi akong contact sa mga teammates at coach namin. May gc kami sa facebook pero hindi naman kami nagpalit ng account ng Kael. Ayos na rin, less hassle.

Mabilis lang lumipas ang oras at dismissal na. Sabay kaming pumunta ni Gavin sa gym. Nandun na rin yung ibang teammates namin. Pumunta si Gavin sa harap kasi may ia-announce raw siya na siyang pag-uusapan namin ngayon.

"We will be having a celebration for our team's victory this coming saturday along with the members of the students council since they are the one who manage the game." Anunsyo ni Gavin. Nagsigawan naman sa tuwa ang mga teammates namin.

"Settle down." Saway sa'min ni Gavin pero hindi pa rin tumitigil kakasigaw yung iba. May iba pang may pa suntok sa hangin effect yung iba tumalon talon pa. Sino ba namang hindi matutuwa kung gan'to ia-announce.

"Manahimik kayo kung gusto n'yo pang matuloy 'to!!" Sigaw ni Gavin kasi parang wala ng naririnig 'tong mga kasamahan namin. Natahimik din naman agad sila nung marinig nila yung sinabi nito.

"I already talked to the SC President about this and gladly, she agreed. Maga-outing tayo sa beach for 2 days. You don't have to worry about expenses because the school will cover them." Pagpatuloy ni Gavin.

"Is there any questions or violent reactions?" Tanong ni nito.

"Beach na, maraming chikababes du'n."

"Ipapatumba ko ang magreklamo."

"Mukhang shokoy ang hindi pupunta."

"Dagat!! vitamins sa mata."

Mga lalaki nga naman, mga lason. Halatang gusto lang makakita ng babaeng naka bikini eh.

I raised my hand para magtanong. Wala naman kasing plano 'tong mga 'to about sa ibang details eh. Tinanguan naman ako ni Gavin kaya tumayo ako para magtanong.

"Location and time?" Tipid kong sabi.

"Good question. Listen up everyone.
The celebration will be held at Velasco's beach resort. The early the better so we have to gather here in school at 8 in the morning since the school prefer that we should travel using the school bus for our safety." Sagot ni Gavin na tinanguan lang namin bilang tugon.

"Kung may ma-late man, wag na kayong umasang hihintayin pa namin kayo. Magluksa nalang kayo sa bahay n'yo." Dagdag ni Gavin.

Nagdadalawang isip na ako kung pupunta ba ako o hindi eh. Ba't kasi sa beach pa. Pero kasi miss ko na rin yung dagat. Awit kasi puro plano lang kami nila Bree hindi naman natutuloy.

"And Kael, don't even think about ditching us. You're our captain so you must be there." Pahabol na sabi ni Gavin. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero ngumisi lang si mokong. Sa huli ay wala pa rin akong choice kundi pumunta.

---

It's nearly 8 in the morning pero pagdating ko rito sa school ay kompleto na sila. Hindi naman halatang excited sila ano? At dahil ako yung huling dumating ay naubusan ako ng upuan kasi nandito rin yung ibang sc members.

"Ang bagal mo talaga kahit kailan. Sa van ka nalang sumakay, nandun din yung iba. Dito mo nalang ilagay yang bag mo, ako na magdadala mamaya." Sabi sa'kin ni Gavin. Binigay ko naman sa kanya ang bag since mahihirap nga kung sa van ko ito ilalagay. Pumunta naman agad sa kabilang sasakyan at buti nalang may dalawa pang bakante. Umupo naman ako dun at pumwesto sa may bintana. Nilabas ko ang earphones ko at sinalpak ito sa tenga ko. Matutulog nalang ako habang nagba-biyahe kasi medyo malayo yung beach na pupuntahan namin. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko nalang ito binigyang pansin at nanatili pa rin akong nakapikit hanggang sa nakatulog na ako.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now