Chapter XXIII

1.3K 110 3
                                    

Yael's POV:

"Keep it simple" puna na naman ni Navier.

Kasalukuyan kong ginuguhit ang project namin na hydraulic bridge sa living room ng condo niya. Tapos itong pusang kasama ko todo reklamo ayaw nalang sumang-ayon

"Para maiba naman ang style ng bridge ang plain naman ng design nung pinakita mo eh"

"It will just give us a hard time making that"

"Nakakapagod na gumuhit miss president. Ilang crumpled papers na yang nanjan oh. Save mother earth. Huwag mag-aksaya ng papel" bulalas ko sabay turo sa papel na nagkalat. Nakailang guhit na ako ng tulay pero ayaw talaga sumang-ayon ni Navier.

"We'll be making a moving bridge, Villanueva. Your design is just way too complicated to accomplish with just a cardboard. You're an engineering student, you know it too well, goodness" frustrated na sabi nito.

I just sighed at kumuha ng bond paper at gumuhit ulit ng mas simpleng hydraulic bridge.

"This one is better" komento nito. Dapat lang kasi kung hindi, matutulog nalang talaga ako at hahayaan siyang gumawa ng tulay.

She started cutting the cardboard using a cutter while ininit ko yung glue gun para madikit na yung mga na cut niya na

"Aww" rinig kong daing nito. I was shocked nang makita ang dugo sa kamay niya.

Mabilis kong in-unplugged ang glue gun at dahil sa taranta ko ay nahawakan ko ang dulo nito. Pakshet ang init! Ininda ko ang sakit at agad na kinuha ang daliri niyang nahiwa ng cutter at sinubo ito para pigilan ang pagdurugo ng daliri niya.

"W-what are you doing?!"

Gamit ang kabilang kamay ko ay kinuha ko sa bulsa ang panyo.

"You're so careless" bulalas ko at itinali sa daliri niya ang panyo. "May first aid kit ka ba?"

"First cabinet in the kitchen"

Hinila ko siya papunta sa kusina niya. Hindi naman siya umangal pa at tahimik na sumunod nalang. Tinanggal ko ang panyo sa pagkakatali sa daliri niya at hinugasan ang sugat nito. Hindi naman masyadong malaki yung sugat pero grabe talaga yung pagdurugo nito kanina. Pasalamat talaga siya at di naputol kundi ampangit tignan nito mag middle finger.

"Saglit lang, kukunin ko lang
yung gamot"

"No need. I'm already fine"

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at nilagyan ng betadine ang bulak. Akmang ilalagay ko na ito sa kamay niya nang iniwas niya ito.

"It stings!" she exclaimed.

"Advance mo naman. Hindi ko pa nga nalalagyan eh"

"My wound is fine"

"Hindi mahapdi 'to. Akin na"

"One more step Villanueva and I will surely kick you" mapagbantang sabi nito.

"Your blood is dripping again! Ang tigas ng bungo mo" saad ko at lumapit pa sa kanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin nang wala na siya maaatrasan. "Don't be stubborn, Galiyego"

She sighed in defeat at inabot sa'kin ang kamay niya. I chuckled nang makitang may pa pikit pikit pa ito.

"Stop laughing"

"See? hindi mahapdi" sabi ko at nilagyan ng band aid ang daliri niya.

I gently kissed her wound. "The kiss is effective" I smiled.

Nagtungo naman agad ako sa sink pagkatapos at binababad saglit ang kamay kong napaso kanina. Mabuti nalang at namula lang ito.

"Hoy mauna ka na sa living room" tawag ko kay Navier na nakatayo pa rin sa pwesto niya kanina. Hindi ako nito pinansin at umalis.

Switched PlacesWhere stories live. Discover now