"Yow!" bati ko nang makababa sya.

"Ang ganda ng porma ah!" - Jack

"Yeah," sagot ni TOP.

"Nice," - Jack

"Nasaan na yung basurang umagaw sa laruan ng asawa ko?!" sigaw nya.

"Laruan ng asawa mo?" Mas mabuting hwag ko nalang itanong kung ano nangyari. Mukhang may kinalaman si Samantha dito. Nagsasalita na ng tagalog si Pinuno. Nakakapanibago.

Nag-datingan ang mga lalaking nakamotorsiklo. Tsk. Puro porma mukha namang walang binatbat.

"Ayos bakbakan na!" - Dos

"Mga walang kweta lang pala makakalaban natin. Dapat nag-sugal nalang tayo!" - Vin

"Pero mas mabuti nang meron kaysa wala!" - Jun

Bumaba sila ng mga motorsiklo at humarap samin. Mga nasa trenta sila. Pero nang makilala nila kung sino kami umatras yung iba. Mukhang hindi sila nasabihan na kami ang makakaharap nila.

"Ano'ng kailangan nyo?" tanong ng leader ng kabilang gang.

"Pumunta kayo dito ng hindi alam ang dahilan?" tanong ko.

"F*ck! I'm gonna kill you for stealing that bear," matalim ang sagot ni TOP.

"Teka lang, hindi namin alam na kayo ang haharapin namin ngayon," sabi ng pinuno nila na mukha kinakabahan. "Baka naman pwede nating pag-usapan 'to?"

"That's too bad for you," sagot ni TOP. "F*ck off if you want to live. Stay if you wanna die."

Nakita ko na napaatras sila sa tingin ni TOP. Kung nakamamatay lang ang tingin. Naramdaman ko ang takot nila. Para silang mga tupa na nakakita ng leon. Dapat lang naman silang matakot, kami ang makakalaban nila.

Sila ang unang sumugod. Binigyan namin ng panahon na umatras ang iba. Ni wala man lang strategy, wala rin silang kompyansa sa mga galaw nila. Parang lang silang mga punching bags para sa grupo namin.

Nag-umpisa na ang laban at bumaba sa bilang na bente ang kalaban namin. Yung iba hindi nakikialam. Kilala na kasi nila kami. Ang Lucky 13. Lahat ng mga kagrupo ko mukhang naglalaro lang. Si TOP naman, isang tao lang ang binubugbog. Sa tingin ko sya ang lalaking may atraso sa kanya. Yung nagnakaw daw ng laruan ni Sam? At yung lalaking yon ay myembro ng Snake Gang.

"T-Teka b-baka p-pwedeng pag-usapan natin 't-to?" tanong ng leader ng Snake.

"Hwag kang mag-alala. Mabilis lang to, pagkatapos ng isang suntok—" sinuntok ko sya sa mukha. Tumaob sya at nawalan ng malay. "Tapos na."

Pinanood ko ang ilang myembro ng gang namin na panay ang suntok sa mga walang kalaban-laban na kalaban. Bakit kasi sumugod pa sila kung alam naman nilang talo sila?

Lumapit ako sa kotse ni TOP. Takte ang ganda talaga! Sumandal lang ako don at nanigarilyo habang pinapanuod ang mga kaganapan sa paligid. Walang nagkamaling lumapit sakin dahil natakot sila sa ginawa ko sa lider nila.

*ring~ring*

May tumatawag sa cellphone ko. Pagkatingin ko si Flavor of the Week pala. Pero dahil tapos na ako sa kanya, hindi ko na sinagot ang call. Kung minsan ang mga babae hindi maka-intindi kapag kailan seryoso o fling lang ang isang relasyon at kung kailan tapos na ang fling na yon. Sinabi ko naman na ayoko ng commitment.

"F*CK SHIT!! ASAN 'YUNG CAP NITO?!!"

Napatingin ako kay TOP na may hawak na malaking teddy bear. (~.~)

"N-Nawala... k-ko," sabi ng lalaki na nasa sahig at duguan ang mukha.

Madalas na hindi lumalaban si TOP kapag may ganito. Nanonood lang sya at gagalaw lang kapag kailangan na, kapag dehado na kami na hindi naman madalas mangyari. Sa Black Puma lang talaga kami nahihirapan. At ngayon, nagbalik na ang lider nila...

Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now