"Sorry Wifey but this is important." Isinara na nya ang likod ng kotse nya at lumapit sa akin.

Sumimangot ako sa kanya. Ganon ba kahalaga sa kanya ang gang nya?

"Ganyan ba talaga kahalaga ang gang mo na 'yan?"

Bumuntong hininga sya. Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat at tinitigan nya ako.

"Hindi ko sila itinuturing na gang member ko lang Miracle, mga kapatid ko sila. At oo, mahalaga sila. Pamilya ko sila," seryosong sabi nya.

"Mas mahalaga kaysa... sa'kin?" Shiz Samantha bakit ganyan ang tanong mo?

Kumunot ang noo nya at naging cold ang expression ng mga mata nya. Nanginginig yung mga mata nya, parang ang daming emosyon masyado. Hindi ko alam kung galit ba sya o ano. Bumuntong hininga sya.

"Mas mahalaga ka kaysa sa buhay ko. Akala ko alam mo na 'yon," binitawan nya ako at tumingin sya sa kotse nya.

Naguilty naman ako. Eh sa nag-aalala ako sa kanya eh! At nagseselos ako! Pero hindi nga lang pala ako ang priority nya, pati din nga pala mga kaibigan nya.

"Fine pwede ka nang pumunta pero sasama ako!"

"Wifey!" sumigaw sya at galit na lumingon sa akin.

Natigilan ako. Yung tono kasi nya, hindi pa nya ginagamit sa'kin 'yon. Parang nagagalit na talaga sya sa'kin.

"Sorry," yumuko ako at tumalikod na papasok ulit sa bahay.

"Ah shit. Wifey, come here," naramdaman ko nalang niyakap nya ako mula sa likod. "I'm sorry sinigawan kita. Ayoko lang kasing mapahamak ka. At ayoko din na."

"Na?" huminga ako ng malalim at sumandal sa kanya.

"I don't want you to see my darker side. I don't want you to be scared. Ayokong mag-iba ang tingin mo sa'kin," hinigpitan nya yung yakap nya sa'kin.

"TOP hindi naman siguro magbabago ang tingin ko sa'yo. Boyfriend parin naman kita, hindi ako makikipag-relasyon sa'yo kung hindi kita tanggap," nakangiting sabi ko. "Nakita na kitang makipag-away diba?"

Binitawan nya ako. Humarap ako sa kanya.

"Thank you," nakangiti rin na sabi nya. "But still, you can't go with me. It's not right."


JARED DELA CRUZ

"Dude, asan na si Pinuno?" tanong sa akin ni Jack.

"Tinawagan ko na. Padating na 'yon, ten minutes," sagot ko at muling humithit ng sigarilyo.

"Mga gag*ng 'yon, grupo pa natin ang binangga!" - Pip

"Hayaan mo na. Gusto yata nilang mamatay ng maaga eh. Haha!" - Six

"Mabuti na din ito, naiinip na ako. Matagal na din tayong walang nakakalaban. I'm getting rusty." - Jun

"Ang balita ko nagbalik na ang leader ng mortal enemy natin, alam na ba ni TOP?" - Seven

"Hindi pa," sagot ko at itinapon ang sigarilyo sa semento at tinapakan. Nandito kami sa abandonadong gusali. Wala pa ang kalaban namin.

"Bakit nga ba natin gugulpihin ang pipitsuging gang na 'yon?" - Mond

"Teka hindi ko rin alam kung bakit? Eh bakit nga ba?" - Vin

"Wala akong pakialam kahit ano pa dahilan! Shit! Gusto ko na ng bakbakan!" - Dos

"Nandito na pala yung late eh!" - Sun

Napatingin kaming lahat sa itim na kotse ni TOP. Takte! Ganyan ang gusto kong kotse! Naunahan na naman akong bumili! Malas ko naman, Porsche na nga lang bibilhin ko. Pakshet ang bilis talaga magpalit ng kotse nitong lokong 'to. Nanalo kasi sa laban eh.

Talk Back and You're Dead!Where stories live. Discover now