Chapter Eleven: Painful Words

23.4K 356 39
                                    

Maganda ang gising ni Shaine ngayon kaya naman pagtirik pa lang ng araw ay ang luwag na ng ngiti niya. Plano niyang ibigay ang couple necklace kay Mei-Mei mamaya. Alam niya na hindi naman sila at mukhang wala naman itong balak na sagutin siya dahil parang wala lang dito lahat ng ginagawa niya pero na-cute-an kasi siya sa necklace na iyon dahil pu-wedeng maglagay ng picture sa loob.

Siyempre picture nilang dalawa ang inilagay niya roon. Hindi na lang niya sasabihin na couple's necklace iyon kahit halata naman dahil heart shape iyon. Sana na lang ay hindi ito malisyosa at isipin na lang nito na for friendship lang 'yun para tanggapin nito. Umabsent pa kasi siya para lang bilhin iyon sa kakilalang may-ari ng jewelry shop. Half a million din ang halaga niyon. Hindi niya na tinext si Mei-Mei kasi gusto niyang ma-miss siya nito at siyempre para supresahin ito.

Naghintay na lang siya kay Mei-Mei sa labas ng school. Nasa gate siya at balak niya na gulatin ito.

Kinakabahan siya. Iniisip niya kung ano ang magig-ing reaction nito habang pinagmamasadan ang dalawang ku-wintas sa kamay niya.

Napangiti siya nang makita si Mei-Mei pero nawala rin agad iyon nang makita niya na kasama nito si Denver at magka-holding hands pa ang dalawa. Parehas silang nakan-giti at tila may pinag-uusapan silang masaya. Parang dinukot ang puso niya sa loob ng katawan niya. Alam niyang wala siyang karapatan pero hindi niya mapigilan ang hindi masak-tan.

Nang magtama naman ang mga mata nila ay tila na-tigilan ito. Pagkatapos niyon ay napalingon ito kay Denver saka binulungan ang lalaki. Hindi na niya narinig kung ano ang sinabi nito pero biglang dumistansya si Denver at pu-munta sa isang sulok kung saan may puno at sumandal doon. Sa distansyang iyon ay alam niyang hindi na nito maririnig ang pag-uusapan nila.

"Bakit ka um-absent kanina?" walang ganang tanong nito. Nabuhayan siya nang mahimigan na parang nag-alala rin pala ito sa kanya. Saka niya naalala ang necklace na ti-natago mula sa likuran niya. Ayaw sana niya iyong ibigay na naroon si Denver kaso wala naman siyang maisip na dahilan kung bakit siya umabsent.

"May binili kasi ako para sa atin, Mei-Mei. Ahhm... Ito oh, tingnan mo," kinakabahang sabi niya saka itinaas ang dalawang kuwintas..

Napansin niyang masyadong seryoso ang expresyon ni Mei-Mei. Parang katulad noong unang beses na sinupalpal siya nito.

"At sa tingin mo ba, tatanggapin ko 'yan? Ano ba kita, Shaine?" mataray na tanong nito sa kanya. Tila tinara-kan siya ng punyal sa dibdib nang marinig ang sinabi nito. Napaamang ang labi niya.

"Alam mo, pinalalampas lang naman kita dahil ayaw kong sabihin ng mga kaklase natin na masama ako kapag pinahiya ko ang idol nila pero sa totoo lang, I can't stand be-ing with you. I hate what you're doing, Shaine! Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo? Ano ba ang dapat kong gawin para lang makaramdam ka at tigilan mo na ako, ha?!" sigaw nito na parang wala ng pakialam pa sa kung anuman ang mar-aramdaman niya.

Huminga siya ng malalim. Napakagat siya sa ibabang labi para pigilan ang namumuong luha sa mga mata niya. Saka niya tinitigan ng diretso sa mga mata si Mei-Mei kahit nangangamba siya na baka tuluyan nang dumaloy ang luha sa mga mata niya kapag ginawa niya iyon. "Tinataboy mo na naman ba ako ngayon ha, Mei-Mei? I'm sorry for loving you pero hindi ko mapigilan ang sarili ko, e. I can't even under-stand myself. Palagi kong tinatanong kung bakit ikaw pa pero wala akong magagawa dahil nandito na ito, e. Ang alam ko lang ay mahal kita..."

Biglang dumilim ang kalangitan at kumulog nang malakas. Marami sa mga naglalakad ang naghanda ng mga payong nila para kung sakali mang bumuhos ang ulan ay handa sila. Ang iba naman ay nagmamadaling maglakad at tumakbo sa mga may silong. At silang dalawa ay nanatili lang sa kinatatayuan nila. Hindi alam ni Shaine kung nakikida-lamhati ba ang langit sa awa na nararamdaman niya para sa sarili niya, o baka nagagalit na ito sa maling pagmamahal na nadarama niya para kay Mei-Mei.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon