Chapter Three: Gender Dysphoria

30.3K 471 57
                                    

Paikot-ikot si Shaine sa loob ng kuwarto niya. Naguguluhan na siya sa nararamdaman niya.

Simula noong una niyang maka-engkuwentro sa en-rollment si Mei-Mei ay namahay na ito sa isipan niya. Ang mukhang bata nitong mukha at lahat ng mga salitang luma-bas sa bibig nito, maganda man o pangit. At noong nagkau-sap sila sa may rooftop, ang oras niya ay bumagal, kaya bawat salita, kilos, at expression ng mukha nito ay lahat napapansin niya.

Bigla siyang napapitik nang pumasok sa isipan niya ang kaibigan niya. Umaliwalas ang mukha niya dahil naisip niya na baka makapagbigay ng advice sa kanya si Damon. Kailangan niya itong makita. Siguro ay may paliwanag ito kung bakit nagkakaganoon siya. Alam niya na higit kanino man ay mas maiintindihan siya nito. Kung minsan nga ay mas naiintindihan pa siya nito nang mas higit pa kaysa sa sa-rili niya. Baka matulungan siya nito na malaman kung bakit nagkakaganoon siya. He is her bestfriend after all.

Hindi tuloy maiwasan na magbalik-tanaw siya sa mga nangyari noong unang beses na nagkatagpo sila ni Da-mon.

Naging mag-best friend sila noong minsang naglayas siya sa bahay nila. Parehas lang silang sampung taong gulang noon. Umalis siya sa kanila dahil pinagalitan siya ng mama niya noon dahil sinuot niya ang damit ng kababata lalaki na si Marcel. Dati kasi ay boyish siya. Mas gusto niyang maglaro ng mga laruang panlalaki at mas komportable sa mga damit panlalaki.

Nang makita siya ng mama niya noon na suot ang damit ni Marcel ay pinalo siya nito. Galit kasi ito sa mga mi-yembro ng third sex. Sa sobrang tampo niya noon ay tumakas siya sa yaya niya noon. Nawala siya at nagpalakad-lakad sa kalsada. Umiiyak na siya noon dahil hindi na siya makabalik ulit.

"Bakit ka umiiyak?" tanong sa kanya ni Damon noong una siyang makita nito sa tabing kalsada na umiiyak.

Hindi siya sumagot. Naalala niya na sinabi ng daddy niya sa kanya noon na "Don't talk to strangers" daw. Mukha pa namang gusgusin si Damon noon. "Ang suplada mo naman. Huwag kang matakot sa akin. Parehas lang tayong naglayas," iritable na ring sabi nito saka inilabas ang humburger sa supot na dala nito at tumabi sa bench na kinauupuan niya.

Napalunok siya nung mapatingin sa kinakain nito. Bigla siyang nagutom. Kumukulo na ang tiyan niya. "Nagu-gutom ka? Gusto mo?" Natatawang tanong nito saka akmang i-a-abot sa kanya ang pagkain at siya naman ay aabutin na sana iyon ng bigla nitong ilayo. "Kung gusto mong kumain, magbanat ka ng buto," nakangising sabi pa nito saka napa-tingin sila sa mga batang namamalimos din sa kalye na kin-aroroonan nila. "Lahat ng mga bata rito ay naglilimos, nag-bebenta ng sampaguita, o naglilinis ng salamin ng sasakyan para lang may makain. Mayaman ka kaya hindi mo siguro alam kung paanong magutom at maghirap para lang may makain. Ngayon malalaman mo na."

Napasimangot siya nang umalis na ito sa tabi niya. Matatag siya at sinabi niya sa sarili niya na kahit anong mang-yari ay hinding-hindi siya mamamalimos. Mayaman yata sila, sabi pa niya sa sarili niya. Pero nabali ang paniniwala niyang iyon nang muling kumulo ang tiyan niya at nangasim na ang sikmura niya. Sa huli ay sinundan din niya si Damon. Tin-uruan siya nito ng mga dapat gawin para mabuhay sa kalsada.

Ilang araw rin siyang naging batang kalye bago makita ng parents niya. At si Damon naman ay bumalik na rin sa mga magulang nito nang tulungan ito ng mga ma-gulang niya para mahanap ang pamilya nito. Dahil doon ay naging mag-best friend na sila. Para nang kapatid ang tingin niya rito dahil palagi siya nitong inaalala.

Napangiti si Shaine nang maalala ang nakaraan nila ng kaibigan niya. Matagal na iyon pero hanggang ngayon ay sobrang close pa rin nila ni Damon. Kahit nag-aral na siya sa ibang bansa noon ay ni hindi man lang nagbago ang friend-ship nila.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon