Chapter One: Perfect Lady

53.1K 643 97
                                    


Pag-ibig. Gamot ito sa kumakalat na epidemya ng galit, sakit, at kasawian sa mundo. Pero tulad ng ibang gamot, kapag na-sobrahan ang sinuman ay nakakabaliw. Ganyan tignan ni Mei-Mei ang pag-ibig sa tuwing nakikita niya ang Kuya Da-mon niya.

Nasa labas pa lang siya ng pintuan ng kuwarto ng kuya niya ay naririnig na niya ang napakalakas na boses nito na parang ito lang ang tao sa bahay nila. Sinilip niya ang kuya niya mula sa maliit na awang ng pintuan ng kuwarto nito. Isang babaeng nakangiti ang naaninagan niya sa screen ng laptop na masayang nakikipag-usap sa kuya niya.

"Tama ba ang narinig ko, Shaine? Babalik ka na tala-ga rito sa Pilipinas?!"

"Yep. Diyan na ako mag-aaral. Magkikita na tayo ulit." Mahinhin ang pagkakasagot ng babae, pero mahihimigan pa rin ang pagkasabik sa boses nito.

Tuluyan na niyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. "Kuya, ito na 'yung mga pinalabhan mo kay Mama," masiglang sabi niya habang papalapit siya sa kinaroroon ng kapatid. Nang nasa likuran na siya ng kuya niya ay agad si-yang nilingon nito at mabilis na itinakip ang hintutro nito sa labi nito, mahina siyang sinenyasan na 'wag maingay, bago inikot muli ang upuan at tumapat sa laptop.

"Ang sungit naman!" mahina lang ang pagkakasabi niya pero may diin ang bawat salita. Ni hindi siya nito pina-pansin dahil sobrang focus ang atensyon nito sa kausap nito sa Skype.

"Tsk. Kulang na lang pumasok na siya sa loob ng computer!" Pagkukutkot ng loob niya. Nagpunta siya sa ban-dang gilid ng kuwarto malapit sa may bintana, para hindi siya makita ng kausap ng kuya niya. Wala pa siyang balak umalis, naaaliw pa siyang pagmasdan ang kuya niya kung paano ito mabaliw sa isang babaeng matagal na nitong hinahangaan.

Nag-usap pa saglit ang dalawa sa Skype bago nito in-off ang laptop. Tulala si Damon.

"Babalik na si Shaine... magkikita na kami..." pau-lit-ulit na sinasabi ni Damon nang pabulong.

Napapailing na lang siya saka lumabas ng kuwarto. Ni hindi man lang namalayan ni Damon na nakaalis na pala siya.

Nasisiguro niya na magluluto ito mamaya dahil para itong nanalo sa lotto kung kiligin. Ganoon ang kuya niya, lag-ing nagluluto kapag masaya o may dapat na i-celebrate, lalo na at uuwi ba naman ang first love nito. Matagal ng head over heals ang kuya niya sa babaeng kausap nito sa Skype. Best friend niya iyun. Si Shaine Lautner. Isang Fil-Am Interna-tional model. Sikat ito sa ibang bansa kaya proud ang mga Pilipino rito.

May mga nakarelasyon ng iba ang kuya niya dati, pero hindi rin naman nag-work out ang mga iyon dahil mas gusto nitong mag-Facebook o mag-Skype araw-araw para lang makausap si Shaine kaysa makipag-date.

Long distance ang friendship ni Damon at ni Shaine. Natagalan naman nilang dalawa ang ganoong uri ng set-up. Kung paano? Walang alam si Mei-Mei. Ang alam lang niya, kung titignan niya ang dalawa para bang nagdikit ang Amer-ika at Pilipinas. Malamang sa mundong ito, nasa tao talaga kung magiging posible o imposible ang isang bagay.

Kung sakaling magkikita muli ang mga ito ay hindi malabong mas mabaliw si Damon. Punong-puno na ng post-ers ni Shaine Lautner ang kuwarto nito na mula sa iba't ibang klase ng magazines. Hindi na alam ni Mei-mei pero sa istilo ng kuya niya, masahol pa ito sa mga otaku na mahilig mag-kolekta ng mga anime posters and figurines. Malamang kung may manyika lang na ginaya sa mukha ni Shaine ay bibilhin din ng kuya niya.

Habang naka-ere sa T.V nila sa sala ang isa sa mga commercial nito na facial wash, maiging pinagmasdan ni Mei-mei ang itsura ni Shaine. Ang gandang tulad ng kay Shaine ay iyung tinatawag sa generation ngayon na girl crush, dahil kahit babae magkakagusto sa ganda nito.

Strange Love (Published By Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon